Ikalabintatlo

4 1 0
                                    

Do you also love the rain?

Ako rin, eh. Pareho kami ni Kyleen.

Minsan kapag sobrang lakas ng ulan, hindi ako nag-aalinlangang lumabas ng bahay para magpabasâ. Tapos kapag basang-basa na ako, magsskip-skip ako papunta sa bahay ng mga pinsan ko para yayain silang maligo din sa ulan.

'Yong pakiramdam na, alam kong wala sila sa mood maligo sa ulan, ta's minsan naman nakaligo na pala sila sa banyo, pero alam namin pare-pareho na bihira lang mangyari yun—na magkasama-sama kaming magpipinsan ng walang hmm... Hindi ko alam ang Tagalog ng inhibitions. Basta 'yon, bihira kaming magsama-sama ng walang inhibitions, at walang mga magulang na tinitingnan ang bawat naming galaw.

Hindi na kami mga bata. Pero sa tuwing nagsasama-sama kami, nakakalimutan namin 'yon. Na parang sa bawat isa lang namin nararamdaman 'yon. Na sa bawat isa lang kami malaya maging mga bata nang walang iniisip na kahit anong problema.

No rivalry amongst parents, no responsibilities as students or as workers—or as working students, and mostly, we forget to act our age—or better yet, we refuse to act our age.

And that's what I love most about the rain.

It's the feeling that I can be a kid again—we, can be kids again.

At sa ilalim ng masaganang mga butil ng ulan, pakiramdam ko pwede akong maging bata habangbuhay, pakiramdam ko ang gaan at ang sarap mabuhay.

🍑🍑🍑

ika-7 ng Abril, dos mil bente dos
15:39

of peaches and jasmines Where stories live. Discover now