Ikadalawampu't apat

6 0 0
                                    

Out of my league by Stephen Speaks. Lakas maka-throwback, shems.

Pakiramdam ko halos lahat naman sa'tin nagkaro'n ng history na connected sa kantang 'to.

Tulad ni Kyleen, highschool din ako no'ng nagkaro'n ng specific na tao sa likod ng mga lyrics ng kantang 'to.

May history ka rin ba sa lalaking matangkad na payat? HAHAHAHA

Ang specific ba masyado? Ewan. Nabasa ko rin kasi sa kung saang libro na, 'yon nga, parang typical sa kababaihan magkaro'n ng history na involved ang isang lalaking matangkad ta's payat.

Share ko lang ah, sya nagturo sa'kin maggitara. Ehe, enebeee. Char.

Ewan, hanggang ngayon kahit wala naman na talaga kaming communication kinikilig pa rin ako 'pag iniisip ko sya... I mean, naiisip pala hehe...

Baka... Sya talaga yung ultimate happy crush ko bukod sa–

Sa happy crush ko ngayon. Na hindi ko na rin nakikita kasi...

Kasi 'di na rin ako masyado nakakapag-serve bilang choir sa simbahan. At alam kong sya din naman. Eh, do'n lang naman ang lugar kung saan kami nakakapagkita talaga. Hindi naman kasi kami gano'n ka-close at hindi ako parte ng circle of friends nya.

Speaking of choir, magseserve ako mamayang hapon. Palm Sunday ngayon.

Wala sya do'n mamaya, sure ako. Nagsabi kasi sya sa GC namin na umaga daw sya magsisimba kasama ang family nya.

Wala lang naman sakin. Happy crush lang naman eh. Kung sabi ni destiny hindi kami magkikita mamaya, 'di hindi. It is what it is.

Ikaw, kumusta ka na kaya ngayon...

Nung isang gabi, alam ko may event ka sa Kumu ba yun? Kasi nagstory ka ng selfie mo na magpapahinga ka muna hanggang 1am tas balik ulit.

Needless to say, ang ganda mo sa selfie-ng 'yon.

🍑🍑🍑

ika-10 ng Abril, dos mil bente dos
12:15

of peaches and jasmines Where stories live. Discover now