Una

24 0 0
                                    

Alam ko na ang pangalan mo.

Pasensya kung hindi ko agad nakita. At pasensya dahil kinailangan ko pa talagang itanong sa'yo.

Iniwasan mong sabihin at nirerespeto ko 'yon.

Pero napaisip ako... Tadhana ba ang nag-udyok para basahin ko itong akda mo na nakapagsabi sa akin ng pangalan mo?

Oo, naniniwala ako sa tadhana. At naniniwala ako na ang lahat ay may rason.

Kinailangan ko lang palang maging mapagmatyag para makita 'yon.

Kuya Kim yarn? HAHAHA

Siguro ito talaga ang pinakarason kung bakit ko naisipang isulat 'to, kung anuman 'to.

Iyon din ang naging inspirasyon ng title nito.

Alam na din kaya ng mga mambabasa mo ang totoong pangalan mo?

Pakiramdam ko, oo.

Ako lang naman yata ang fan na mahina mang-stalk... May Filipino term ba ang stalk?

Hindi rhetorical question 'yan, curious talaga ako kung meron. Kung meron man at alam mo, pwedeng pakisagot?

Oo na, papansin lang 'yan. Baka sakaling makita kita sa inline comments. Tama ba? Inline comments yung term?

Ang dami kong hindi alam tungkol sa'yo. Pero salamat kasi nitong mga nakaraan ay may pinaalam ka sa aking parte ng pagkatao mo. Hindi bilang Peach, ang hinahangaang writer ng lahat. Kundi bilang _________, isang taong binigyan mo ako ng tyansang makilala kahit papaano, at isang taong mas hinahangaan ko pa lalo sa likod ng kanyang mga akda at kwento.

🍑🍑🍑

ika-6 ng Abril, dos mil bente dos
10:55

of peaches and jasmines Where stories live. Discover now