Ikalawa

18 1 0
                                    

Hooked na naman ako. Anong magagawa ko, eh ang kulit na naman ng character sa kwento mo.

Nandito na naman ako, nagsusulat, dahil may napadpad na naman sa isip ko habang binabasa ko 'yong Siya at Ako. Marahil ay matatagalan akong tapusing basahin 'to. Wala eh, gusto ko na talagang isulat ang mga muni-muni ko tungkol sa'yo.

Kung noon, I mean, the past few days? O weeks? Ay pinili kong isulat ang mga supposedly inline comments ko sa notes at i-send sa'yo, level up na ngayon.

Charan!  May kung anong akda na ang nabubuo.

Muntanga lang, 'no? 'Wag mo akong sisihin, kasalanan mo kung ba't ako nagkakaganito HAHAHA.

Hindi ko na itatanong kung sa mga kwento mo ba ay may parte ng pagkatao mo na nakatago sa likod ng mga tauhan. Dahil bilang isang lowkey poet at writer na puro kadaldalan lang naman ang alam (Hep hep, ako tinutukoy ko dito ah, para klaro lang) sa tingin ko naman ay oo, meron nga.

Ang gusto ko sanang itanong ay, aling parte? Sino sa kanila? O 'di naman kaya ay... Sinu-sino? Aling mga opinyon ang totoong sa'yo at hindi lang personalidad na binigay mo sa tauhan ng kwento mo? Aling mga perspektibo, moralidad, paninindigan, kagustuhan, pangarap, pagkabigo, at pagkatuto ang totoong sa iyo?

Mali bang nangangati akong malaman at makilala ang tao sa likod nitong mga pagmamahal at pagkabigo?

At dahil heto na naman ako sa umaagos na emosyong nararamdaman ko sa tuwing magbabasa ako ng akda mo...

Alam kong nasabi ko na sa'yo to noon pero...

Putspa ka, Peach.

Putspa ka.

At...

Yabow na din...

Nga pala, nandito pa lang ako sa unang kabanata ng Siya...

Just so you know para malaman mo rin na ang aga pa para mabaliw ako sa isa mo na namang akda, 'nyeta T^T

Partida, ni wala pa nga ako sa gitna...

🍑🍑🍑

ika-6 pa rin ng Abril, dos mil bente dos
11:22, gutom na ako

of peaches and jasmines Where stories live. Discover now