Chapter 16

29 2 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw dahil Friday na ngayon, kasalukuyan akong inayusan ng mga bakla na ito. Dalawa ang kakantahin naming kanta ni Drake, parang nagcoconcert lang ang peg.

Nakasuot ako ngayon ng navy blue spaghetti strap dress. Sinasayaw ng hangin ang ang palda ng dress kaya nagsuot ako ng short sa ilalim. Nakasuot rin ako ng black na heels galing rin ito kay Drake, nakakahiya dahil siya ang gumastos lahat.

Ngayon, inaayusan nila ang mukha ko. Ilang sandali pa ay natapos na kami na siya namang ikinatuwa ko dahil naiirita ako sa make-up.

"Done?" rinig kong tanong ni Drake kaya lumingon ako sa kanya.

Napatulo ata ang laway ko charot lang. Nakasuot siya nang t-shirt na kulay blue tapos pinartner niya sa jacket niyang kulay itim.

Habang palapit kami sa stage ay rinig ko ang sigawan ng mga kapwa ko estudyante.

Nang malapit na malapit na talaga kami ay dumoble ang kaba na nararamdaman ko, mukhang napansin yun ni Drake dahil hinawakan niya ang aking kamay, mas lalong kumabog ang dibdib ko. Shet! Ang lakas ng tibok.

Hawak kamay kaming tumapak sa entablado, nang makalabas kami ay naghiyawan ang mga tao.

"You and me, we got along just fine

But I know deep inside

I know there is more"

Pagkanta ko, binitawan ko ang kanyang kamay para pumunta sa unahang gilid ng stage ganoon rin siya.

"Right next to you

I know you're the right one"

Pagkanta niya rin, rinig ko naman ang tili ng mga nanonood.

"I don't wanna let this moment go"

Humarap ako sa kanya at dahan-dahang naglakad ganoon rin siya.

"In my heart I feel

That this is something real

I don't wanna let this moment go"

Nang malapit nang matapos ang kanta ay hinawakan niya ang aking mukha at ngumiti bago namin kinanta ang huling linya.

"I'm falling inlove with you"

Tumili naman ang mga manonood. Nag-bow muna kami bago pumunta sa backstage.

Ngayon naman ibang kanta na ang kakantahin namin. Iba na rin ang suot ko.

Nakasuot ako ngayon ng ripped jeans tsaka pinartneran ng white spaghetti crop top, may checkered jacket naman na nakapulupot sa'king bewang samantala si Drake naman ay naka white shirt pinartneran ng ripped jeans at may checkered jacket rin na nakapulupot sa kanya bewang.

Nang lumabas kami ay agad kaming nagtatalon-talon, sasayaw muna kami bago kumunta.

Nang matapos ang pagsasayaw namin ay pumunta na kami sa pwesto namin which is yung centro ng stage. May nag-bigay sa'min ng microphone kaya naman tinanggap namin. This time kakanta na kami.

Hinapit ni Drake ang aking bewang, magkaharap kami ngayon pinulupot ko naman ang isa kong kamay sa leeg niya at itinaas ng konti ang aking paa papunta sa legs niya. Kung hindi niya 'ko hawak ay malamang kanina pa'ko natumba.

Nagsitilian naman ang mga manonood dahil sa aming posisyon. Ngumisi muna siya sa kanila bago bumaling sa'kin. Malakas ang kabog ng aking dibdib at alam kong di na yun dahil sa kaba kundi kay Drake.

"When you hold me in the street

And you kiss me on the dancefloor

I wish that it could be like that

Deal with the Bullies ( Bully Series #1 )Where stories live. Discover now