Chapter 7

31 3 0
                                    

"S-sir." sambit ko nang marating namin ang opisina niya.

"Sorry po sir, unang araw ko palang sa trabaho ay may nagawa na'kong gulo." sabi ko sabay yuko dito.

Nakakahiya dahil unang araw ko palang nakagawa na'ko ng gulo. Napailing na lamang ako na para bang disappointed sa sarili.

"It's okay, you don't have to say sorry. It's the bastards fault." nakatingin ito sa'kin nang sabihin iyon.

"Are you okay?" nagulat ako sa tanong niya.

"Opo, okay lang naman ako." tumango naman ito sa aking sagot.

"You can go home now." tumango naman ako sa sinabi nito. Gusto kona ring magpahinga.

Sumakay na ako ng jeep at umuwi sa amin.

Tumawag kanina si mama baka daw malapit na siyang umuwi kasi medjo magaling na daw si tita. At mabuting bagay iyon para sa'kin. May makakasama na ulit ako.

Nagbihis kaagad ako bago natulog, kinamaugahan ay nagluto na'ko para sa umagahan ko.

Nang matapos ay agad akong pumunta sa school, hindi halatang puyat ako dahil wala namang dark circles na nakapalibot sa mata ko, as in wala.

Habang nasa hallway ay nakasalubong ko si Drake, pero di ko ito pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.

"Hey." bati nito pero tumango lamang ako.

"Hey?" tawag nito ulit. Oh bakit di mo sagutin Leighn? Wala namang ginagawang masama ang tao sayo.

"Ah hi." bati ko nalang pero di ako tumingin sa kan'ya.

Naiilang ako sa totoo lang kanina pa kami pinagtitinginan, baka isipin nilang nilalandi ko ang isang 'to.

"Ah see you at lunch?" nagulat ako sa tanong nito, iniimbitahan niya ba akong maglunch?

"Ha?" tanging tugon ko.

"Let's have lunch together." umalis na kaagad ito nang sabihin niya iyon.

Tulala ako buong umaga, di naman sa inaantok kundi sa sinabi ni Drake kanina di naman big deal yun sa totoo lang pero nakakapanibago, yung una at huli naming pagkikita ay hindi maganda kaya nakakapagtaka lang kung bakit niya ako niyaya.

Nang matapos na ang last class ko sa umaga ay tumayo na kaagad ako, di nako nag-abalang pang ayusan ang sarili, wala naman sa'kin kung huhusgahan nila ako.

Pagkalabas ko nang pinto ay agad bumungad sa'kin ang mga estudyanteng tumitili at nakatingin sa gilid ng pinto namin kaya napatingin narin ako. Si Drake lang pala- ano si Drake?! Ano namang ginagawa niya dito? Baka ako yung pinuntahan niya para sa lunch na sinasabi niya? Wag ka ngang assuming Leighn.

"Let's go." akala ko di ako yung kausap niya kaya nagsimula na'kong maglakad.

"I said let's go." hinila niya ang aking braso kaya di ako nakapagreact sa gulat.

Matutuloy yung lunch na sinasabi niya? Di naman ako umasa kasi baka pinagtritripan lang niya ako. Ayaw ko siyang kasama pero nakakahiyang tumanggi. Kung kailan absent si Zeddrick tsaka pa siya lumitaw.

Nakaupo lang ako ngayon sa isa sa mga upuan dito sa cafeteria, pinagtitinginan na naman ako. Sino ba namang hindi? Kasama ko yung Drake na yun. Nakaupo lang ako dahil sabi niya siya na daw ang mag-oorder.

Nang dumating siya ay tumayo ako para tulungan siya sa paglagay ng mga pagkain sa lamesa, ang dami nang binili niya.

Maglalakad na sana ako pabalik sa inuupuan ko nang may biglang pumatid sakin dahilan upang matapon ko ang juice sa mukha ni Drake at ang malala nabagsakan kopa siya.

Deal with the Bullies ( Bully Series #1 )Where stories live. Discover now