Chapter 6

34 4 0
                                    

Hinarap ko si Brittany.

"Hey piece of trash! You smell gross!" inamoy ko naman ang aking sarili ng palihim pero wala namang kakaibang amoy.

"Ang arte mo." maikling sabi ko.

"You really smells like a garbage! Ewww get lost!" nandidiring sabi nito.

"Hoy impakta, ang kaartehan ay inaayon sa ganda, hindi yung arte ka ng arte eh mukha ka namang paa." nakangising sambit ko.

"What did you say? Impakta?! I'm not an impakta! I'm beautiful like a diwata!" nakakunot ang kanyang noo.

"Maganda sa'n banda? Uwi ka na sa inyo your not feeling well." mas lalo pa itong nagalit dahil sa sinabi ko eh totoo naman.

"Ewww panget! Ang panget mo! Get lost! Aurgh!" nagdadabog na an'ya.

"Panget pa nga ako parang mahihimatay kana, pano pa kaya kapag gumanda nako? Baka ikamatay mopa." patuloy na pang-aasar ko sa kanya.

"Aurgh! Zeddrick! Stop her! She's getting into my nerves!" parang batang nagsusumbong siya kay Zeddrick.

"Ana sto-" pinutol ko na ang sinabi niya.

"Oh bakit galit kana ba? Sige magalit ka nalang, gusto mo icheer pa kita?" gusto kong matawa dahil sa pagmumukha niya, pulang-pula na ito ngayon.

"Ana." sambit ni Zeddrick, pero iniwan ko ito at naglakad na.

So magpinsan nga sila? Bakit di niya sinabi? Bakit niya naman sasabihin? Oo nga naman.

May biglang humablot sa braso ko.

"Ana, galit kaba? I can explain every-" di kona siya pinatuloy sa pagsasalita.

"Hindi ako galit, bakit naman ako magagalit? May dapat ba 'kong ikagalit?" tanong ko na nakapamewang.

"Nagtatampo lang ako." nakanguso kong sabi.

"Nagtatampo?" tanong niya.

Agad naman akong tumango, "Oo nagtatampo ako kasi sana noon sinabi muna para di na kita nililibre! Nasayang pera ko dun huhu." naiiyak kong sambit, tumawa naman ito ng napakalakas.

"Baliw kana." sinapak ko naman siya ng pabiro sa kanyang braso.

Nag-asaran pa kami lalo, rinig na rinig namin ang tawanan namin sa buong hallway. Sa totoo lang pinagtitinginan na kami pero di namin pinapansin.

Nang mag lunch ay ganun parin kami.

Habang kumakain ay biglang nagring yung cellphone niya kaya sinagot niya ito.

"Hello? Ah yes. Mom? I'll ask her. She's with me. I'm not. Nahhh. Anything. Yeah, I know mom. Yeah yeah. Okay, bye"

"Sino yun?" di ko siya sinulyapan dahil abala ako sa pagkain.

"Si mommy, she wants to meet you daw." napatingin naman ako sa kanya nang sabihin niya 'yon.

"Bakit daw? Hoy wala akong atraso sayo ah." tumawa naman ito sa aking sinabi.

"Lagi niya 'kong ginugulo dahil sayo, she really wants to meet you. So are you in?" tanong niya na nakakamot sa batok niya.

"Sige, halfday lang naman tayo ngayon diba? May trabaho pako mamaya." sabi ko na ikinatango niya.

Habang naglalakad kami ay nagtatanong ako sa kan'ya.

"Diba 2 years gap natin? Eh, bakit pareho tayo ng grade? I mean ng school year alam mona." tanong ko.

"Actually, I'm done taking college. When I was just 18 I finished my study."

"Eh? Edi 2 years ago na? Bakit bumalik kapa sa pag-aaral? Ayaw moba magtrabaho?" umiling naman ito.

Deal with the Bullies ( Bully Series #1 )Where stories live. Discover now