Introduction

36 4 0
                                    

Ba't ko nga ba 'to sinimulan? Hindi ko alam. Katulad na lang ng hindi ko rin alam kung ano ang kahahantungan.

Basta bigla na lang ako nagkaroon ng kagustuhang magsulat tungkol sa'yo... Tungkol sa'yo at sa kung anumang muni-muni ang sumusulpot sa isipan ko kada makakabasa ako ng akda mo.

Marami-rami na rin ang nabasa ko. Pero, katulad nga ng binanggit ko sa'yo doon sa...alam mo na, balak kong ulitin lahat ng libro mo.

Siya at Ako.

Ang titulo ng kuwentong sinimulan kong basahin kani-kanina lang at naging rason ng pagsimula rin ng kung anumang kahibangan to—kahibangan sa paraang wala naman talagang klarong patutunguhan o... Ano na nga ang Tagalog na term ng goal?

Hay.

Sabi ko walang English dapat 'to eh... Ay sabagay, "Introduction" nga ang title nito.

Ewan, kapag purong Filipino kasi parang napakamakata lang pakinggan.

Pero ayun. Since nasimulan naman na, bahala na?

Haha. Pasensya na.

Kasinggulo ng buhay ko ang isip ko.

Pero dahil nga heto na rin naman na tayo, sana magustuhan mo.

Ay wait, okay lang pala kahit 'di mo magustuhan. Kasi kahit ako rin naman, hindi ko alam...

Pero sana mabasa mo. Tulad na lang ng pinaglaanan mo ng panahon basahin ang lahat ng... 'yon.

Salamat 💓

🍑🍑🍑

ika-6 ng Abril, dos mil bente dos
10:24

of peaches and jasmines Where stories live. Discover now