CHAPTER 13

67 15 0
                                    

A/N: sorry for the long wait :((

Jia's POV

"Hindi ko namalayan na napabilis yung pagtakbo ko huli ko nang napansin--"

Umiling ang ako dahil sa sinabi niya. Hinayaan ko ang kamay kong pumatong sakanyang balikat.

"Tumahimik ka na, nangyari na." nasabi ko nalang at mukhang hindi niya inasahan ang sasabihin ko. Aaminin kong mayroon saakin ang naiinis pero hindi ko siya sinisisi dahil doon. Hindi naman niya sinasadya na mangyari yun. Ang kinaiinis ko lang ay bakit sumunod pa sila.

Lima na kami ngayong naglalakad sa madilim na daan. Mahigpit ang hawak nila Glass at Kylie sa kamay sa isat-isa. Habang ang katabi ko ay pinapakalma ko parin. Saglit kong binigyang pansin ang batang akbay akbay ko. Sinigurado ko pang mahigpit ang pagkakaakbay ko dito baka kasi bigla nalang siyang tumakbo.

Wala kaming ideya kung saan namin iuuwi ang batang 'to ni hindi nga siya makapagsalita kapag tinatanong namin kung sinong huling kasama niya at kung saan ang bahay nila.

Buti nalang magaling magpatahimik si Salamin kundi umiiyak parin tong batang to habang naglalakad kami. baka maiwan ko siya sa gitna ng kalsada.

Hindi namin alam kung saan kami tutungo basta ang tanging plano lang namin ay hanapin ang nawawala pa naming kasama at hindi namin magagawa yun kung hindi kami ulit susubok sa patayan.

Mabilis na nilingon ako ni Glass at gumaya rin naman ang kaholding hands nyang si Kylie. Samantalang si Jessilyn ay kanina pa nakatitig sakin.

"They killed Madeline." paalam ko sa dalawa na hindi pa alam. Balak ko sanang dagdagan ang sasabihin ko kaso may bata pala kaming kasama at pansin kong maling lokasyon to para sabihin ang tungkol kay Head Administer at sa tinatago niyang ID ni Madeline na may kataka-takang marka.

Pinagiisipan ko pang mabuti kung sasabihin ko rin ba sakanila ang napagusapan namin ng Young Gunners.

"A-are you sure na si--"

"We don't saw the one who killed her. Nakita nalang namin siyang walang buhay sa trash bin." pahayag ng katabi niya. "Sa tingin ko pa ay oras lang nila nagawa ang krimen." sabi ni Glass.

Nagtaka ako sa sinabi niya dahil hindi ko masyadong maintindihan.

Oras? pero medyo inaagnas na kagad ang bangkay niya nang makita namin.

"Paano?? kasama pa natin siya kahapon?" tanong ni Jess saamin ngunit hindi namin siya nabigyan ng sagot.

"Madeline is so nice to us that she didn't even see her parents for the first time to celebrate her birthday. I feel bad for her. Ang saklap lang bakit nangyayari pa satin to wala naman tayong kasalanan sakanila.." medyo naluluhang saad ni Kylie.

"We don't deserve this."

Bumagsak ang mga balikat nilang tatlo habang patuloy parin kami sa paglalakad. Palaisipan parin saakin kung bakit nasa Head administer ang ganoong ID niya.

Siya ba ang pumatay kay Madeline? siya ba ang nag-utos? ano relasyon niya sa mga Slayers???

Napakamot ako saglit sa ulo dahil sa paulit ulit na tanong na pumapasok sa isip ko.

"Hell shit."

Tumingin ako sa paligid at napansin ko nalang na nakabalik na kami sa nadaanan namin ni Glass kanina. Kung saan nasa gitna ng mismong kalsada ang cotseng sinakayan ng mga kalaban na humabol samin.

Traits Of A SlayersWhere stories live. Discover now