PROLOGUE

538 31 12
                                    

"Sino na naman kaya'yan?.." bulong ng kaibigan kong babae.

"Wala lang siguro. "sagot ko. Palagi nalang may mga ganiyang ganap sa LU.

"Baka may gwapong transferre?" Pamimula pa ng isa ko pang kaibigan na babae. Taka kaming napatingin sakanya. Napataas ang isang kilay niya nang mapansin iyon.

"Alam nyo na yung feeling badboy tapos heartthrob na kulang nalang patayin yung mga haliparut jan sa makamandag na titig nila. F4 parang ganon?" sabi niya at nagkatinginan kaming tatlo.

Sabay sabay kaming Umiling.

F4 in real life, seriously? matagal na ko sa school na 'to pero wala pa akong nakikitang pogi.

Nauna akong naglakad sakanilang tatlo papunta sa mga estudyanteng nag-kukumpulan sa labas ng Unibersidad. Sisingit na sana ako sa mga tao nang may bumunggo s'akin na taong hindi ko kilala.

"P-pasenya na.." Pagpapaumanhin niya at nagmadaling umalis. Halata namang sinadya niyang gawin 'yon, e kung upakan ko siya?

Saglit ko syang sinundan ng tingin dahil may kakaiba sa nakita ko. Saan galing yung kulay pulang nasa kamay niya? dugo ba 'yon?

"Jia, sino yun?" Tanong ng isa kong kaklase. Malay ko.

I have this bad feeling..

Sana lang mali ang akala ko.

Nang matunton ko ang dahilan ng pinag kakaguluhan nila, naramdaman ko nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko . Napahawak na ko sa dibdib ko dahil nahirapan akong huminga sa nakita.

Isang babaeng walang buhay na nasa kalsada.

Base sa uniporme niya, isa rin siya sa mag-aaral dito.

Nagkalat ang dugo sa lupa galing sa kan'yang wasak na ulo at isa pa wala rin siyang pang-itaas na damit na naging dahilan upang malaman ko kung ano ang ginawa sakanya.

Hindi ito ang unang beses na makakita ako ng gan'to pero hindi ko pa rin mapigilang kabahan. Lalo na't nang dahan dahan akong tumingin sa lalaking naka tayo sa tabi niya.

Nang sandaling iyon ay nakalimutan ko kung paano huminga.

Nandoon ang ebidensyang siya ang pumatay sa babaeng nakahandusay ngayon sa harapan niya.

Pinaikot niya ang baril sa kamay niya. May iilang talsik pa ng dugo na natira sa kanyang mukha.

Napa-atras ang lahat nang i-angat niya ang kanyang tingin saamin.

Napahawak naman ako sa braso nitong katabi ko.

"Oh my God!

"U-umalis na tayo.. baka tayo naman ang isunod niya.."

Nang sabihin yun ng kung sino, hindi na sila nag-alinlangan pa na tumakbo pabalik sa loob.

Meron pa akong nakitang tumakbo sa labas at nagsi-sakayan sa kanya-kanyang sasakyan.

Nilingon ko ang mga kaibigan ko nang tawagin nila ko at sinabing umalis na.
Pero nanatili lang akong nakatayo sa harapan ng bangkay.

Nginisihan ako ng pulis at naglakad papunta sakin. Kinuyom ko ang kamao ko habang sinasamaan siya ng tingin.

Itinutok niya sakin ang hawak niya at pinadulas ito sa pisngi ko. "Hindi pa kami nagsisimula...pero napahanga na namin kayo.." Bulong niya sakin. "Ngayong nakita nyo ang ginawa ko, may tiwala pa rin ba kayo sa mga pulisya?"





-Vote and comment, hehe.

Traits Of A SlayersWhere stories live. Discover now