Chapter 57

4K 221 17
                                    

A/N: errors alert

Chapter 57 : TBSP

Klein's POV

Nagtatakang nakatingin lang ako sa apat na hanggang ngayon ay walang imik mula nang makalabas kami sa horror booth.

Pugto rin ang mata ni Riz, halatang umiyak.

"Ano sa tingin mo ang nangyari?" napaigtad ako ng may bumulong sa'kin!

"Tangina naman, Clyden!" singhal ko pero seryoso lang ang gago

"P're, nakakapagtaka kasi e. Ang tahimik nilang apat tapos pugto pa ang mata ni Riz. Tingin mo pinaiyak nila si Riz?"

"Bobo ng mindset mo. Tingin mo ba mapapaiyak nila si Riz, ng basta basta?"

Napaisip naman siya at napasuntok pa sa hangin.

"Oo nga 'no?!"

"Engot."

Iniwan ko na siya at nagpaalam muna na bibili lang ako ng juice sa may stall na nandito rin sa loob ng school.

"Hi, sir. What's your order, sir? Or who?" nangaakit na sabi ng babae kaya napataas ang kilay ko bago matamis na ngumiti

"One lemonade, please." sagot ko parang napapahiya naman siya'ng tumango at pairap na tinalikuran ako

Whew.

"I-Isang lemonade."

Mabilis pa sa alas kwatrong lumingon ako sa gilid ko nang marinig ang boses na 'yon!

"S-Sierra."

Kahit siya ay parang nagugulat ding nakatingin sa'kin.

"C-Cian."

Damn!

Napakagat na lang ako sa labi ko habang nakatitig sa kaniya at naiilang naman siya na iniiwasan ang mata ko.

"Sir, do you want a special service?" nangaakit na tanong ulit sa'kin nito'ng babae sa harap mas nailang tuloy si Sierra

"No. . .ahm. . .no thanks." naiilang na sagot ko dahil pailalim ang tingin ni Sierra sa'kin

This girl! Nakakatakot siya kapag nagseselos.

Well kahit hindi niya aminin alam ko'ng nagseselos siya. Hindi naman sa pagmamayabang pero madami kasi'ng naghahabol sa'kin e.

Muli pa'ng nagsalita ang babae.

"Are you sure, Sir? I'm free later." ipinatong pa nito ang braso sa may lamesa na nakaharang kaya mas lumuwa amg naglalakihang dibdib niya

Get away from me, tukso!

"Yung lemonade ko, Miss." mariing sabat ni Sierra pero kahit ganon ay mala-anghel pa rin ang boses niya lalo na ang mukha

Iritang hinarap siya nito'ng babae tsaka ibinigay sa kay Sierra ang lemonade.

Naglapag lang si Sierra ng 50 pesos sa lamesa bago nakangiting hinarap ang babae.

"Magkaroon ka naman sana ng hiya para sa sarili mo, Miss." nakangiting sabi ni Sierra sa kaniya bago lumapit sa babae at inilapit ang mukha sa tenga nito at may kung anong ibinulong dahilan para mamutla ang babae pero bakas pa rin ang pagkairita

Nang makaalis si Sierra ay tsaka ko lang nakuha ang lemonade ko.

"Are you in a relationship with that girl?" biglang tanong ng babae

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now