Chapter 24

4.5K 238 52
                                    

A/N: errors alert

Chapter 24 : TBSP

Aeriz's POV

Annyeonghaseo.” bati sa'kin ng babaeng nakapang-korean na damit pagpasok ko pa lang sa korean resto.

“Aeriz.”

Kaagad akong tumingin sa tumawag sa'kin nakita ko naman ang pagka-gwapo gwapong mukha ni Mr. Jin Montero.

Putcha! Kung hindi lang matanda 'to ako na mismo nanligaw sa kaniya.

Naupo na ako sa harap niya at sinalubong niya naman ako ng isang napakaaaaagandang ngiti kaya ngumiti rin ako.

“Nag order na 'ko. I'm sure magugustuhan mo iyon.”

Wow ah! Paano ko magugustuhan e hindi ko naman alam kung ano anong inorder niya?

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang pagkain kaagad niya naman akong sinenyasang kumain na kaya naman syempre masunurin ako kaya kumain nako.

“Bakit mo pala ako niyayang kumain?” tanong ko sa kaniya sa kalagitnaan ng pagkain

Hoy gumalang ka naman, Aeriz!

Napakawalang galang ko talaga pero napatulala lang si Mr. Montero sa'kin at maya maya ay natawa.

“Si Zach kasi talaga dapat ang iimbitahan ko. . .kaso nagkataon naman na wala siya at ikaw ang nakasagot ng tawag ko kaya ikaw ngayon ang narito.”

“Edi maganda pa lang wala si kuya Ryle kasi nakakakain ako.”

Tumawa na naman siya sa sinabi ko! Jusko bakit ba feel ko ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya kahit no'ng nakaraan lang naman kami nagkakilala.

“How old are you, by the way?”

Umangat ang nagtatakang tingin ko sa kaniya bago sumagot.

“17 ho.”

Napaamang naman siya at nag iwas ng tingin. Trip neto? Medyo natulala kasi siya na parang may inaalalang kung ano, maya-maya ay napabuntong hininga siya.

“Kelan ka mage-18 kung ganon?” tanong niya ulit ng may napakagandang ngiti kaya napangiti rin ako

“Sa birthday ko ho.”

Nagpatuloy lang kami sa pagkain at nagusap usap din kahit papaano. May mga nabanggit siya sa'kin na kesyo ilang beses na raw siya tinanggihan ni kuya Ryle na maging mag business partner sila.

Bakit naman kaya?

***

Ryle's POV

“Mage-eleven pm na! Wala pa rin siya. Tingin niyo ba normal 'yon?!” galit na tanong ko kay Aeros

Tinawagan ako ni mama dahil wala raw si Aeriz, dito sa bahay and according to Aeros, may kausap siya kanina. We also asked our maid kung sino ang kausap ni Riz, pero mas lalo lang no'n pinakaba ang dibdib namin.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now