Chapter 43

4K 198 34
                                    

A/N: errors alert

Chapter 43 : TBSP

Aeros's POV

Nang maimulat ko ang mata ko ay bumungad sa'kin ang puting kisame. Inilibot ko naman ang mata ko sa buong kwarto.

Nasa hospital ako?

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas 'yon.

“Oh God! Aeros! Gising ka na!” tuwang tuwang sabi ni mama at mabilis na lumapit sa'kin

Nasa likod niya ay si Chea na naluluha habang nakatingin sa'kin. Ngumiti ako sa kaniya ganun din siya.

“Teka lang tatawag ako ng doktor, Chea, ikaw na muna bahala kay Jeisz, ha?”

“Yes po, tita.”

Nang makaalis si mama ay inalalayan ako ni Chea para makaupo bago siya naupo sa gilid ng kama.

“How are you? 2 days ka'ng walang malay.” nakangiti pero nagaalalang sabi niya

“I'm fine, you don't have to worry.”

She nodded and gave me a sweet smile.

“Ang dami naming nagalala sa'yo.” sabi nito at pinisil ang kamay ko “Pero alam ko'ng mas nagalala siya sa'yo kesa sa'min.” dagdag niya na ikinapagtaka ko

“What do you mean?”

Umiling siya.

“Sinong. . .nagdala sa'kin dito?” umaasang tanong ko sa kaniya

Dahil hanggang ngayon umaasa ako na sana si Aeriz ang dumating nung araw na 'yon.

“Si kuya Ryle.”

“Siya rin yung nag ligtas sa'kin?”

Biglang umiwas ng tingin si Chea at tumikhim.

“Y-Yes.”

Hindi totoo yun. . .

Bago ako mawalan ng malay nung sinubukan ko ulit tumakas pero nahampas ako ng kung sino sa ulo ay narinig ko ang boses ni Aeriz.

“Please, wag ka muna'ng mamatay. Hindi pa tayo nagkakabati e. Hindi ka pa pwede'ng mamatay, kuya.”

“Babe?”

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Chea.

“S-Si Aeriz. . .nasaan siya?” tanong ko sa kaniya

Nakita ko ang pagkabigla niya sa tanong ko umiwas ulit siya ng tingin pero naging matunog ang paglunok niya.

“N-Nasa school.”

School?

Dinalaw niya ba ko?”

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now