Chapter 56

4K 215 23
                                    

A/N: errors alert

Chapter 56 : TBSP

Aeriz's POV

Napapangiwi lang ako dahil panay ang pagyayabang ni Nate sa'kin.

“Galing ko kumanta 'no? Di'ba? Di'ba?”

“Masakit sa tenga.” sabi ko sa kaniya at inirapan siya

“Anong masakit sa tenga? E sabi nga ni Haven, maganda raw boses ko e.” humaba naman ang nguso niya

“Si Haven yun. Hindi ako.”

Maganda naman talaga ang boses ng batang 'to at hindi mahahalatang isip bata, iyon nga lang ay masakit sa tenga ang boses niya kapag nag-isip-bata-mode-on siya.

“Napakasama ng ugali mo, Aeriz Jade!” nakangusong sabi niya at nangingilid na ang luha

“Hala ka, Riz! Pinaiyak mo si Nate!” pananakot ni Mac sa'kin tsaka hinagod hagod ang likuran ni Nate kaya ayun umatungal na kahit walang pumapatak na luha

Yung tipong mapapa-buntong hininga ka na lang sa sobrang inis na nararamdaman sa kanila.

“Manahimik nga kayo. Ang titinis ng boses niyo.”

Kung kanina ay si Nate lang ang umaatungal ngayon naman ay parehas na sila.

Bakit ko ba nagagawang tiisin makisama sa dalawang 'to?

And then suddenly. . .

*Flashback*

I am really having hard time para sawayin ang dalawang isip bata na hindi matigil-tigil sa pagtatalo.

“Sinabi ng mas magaling si Ash, kay pikachu!”

“Bobo! Mas magaling si pikachu!”

“Hindi lalabas si pikachu kung wala si Ash!”

“Hindi mabubuo ang pokemon, kung wala si pikachu!”

Napabuntong hininga na lang ako sa walang ka-kwenta kwenta nila'ng pinagtatalunan.

Kapagkuwanan ay napatingin ako sa lalaking easy easy lang na nakatitig sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay pero umiling lang siya.

“Ano, Jade? Kaya mo pa ba'ng sayawin yung dalawa?” tatawa tawang tanong nung isa pa na nakaupo sa sahig habang may hawak na beer

“Kingina hindi ko talaga maintindihan ang trip ng dalawang 'to.” naiiling na sabi ko natawa naman siya

“Sigawan mo, pihadong titigil ang dalawang 'yan sa pagbabangayan.”

Mahina akong natawa sa suhesyon niya pero ginawa ko rin naman, ang kaso ay bigla'ng pumalahaw ng iyak yung dalawa.

The Black Section's Princess (PART ONE) [EDITING]Where stories live. Discover now