Chapter 9

28 1 0
                                    

KUMAIN siya ng pananghalian. Hindi niya nakita ang lalaki sa loob ng mansiyon. He must be out busy with his business and monkey business.


Dahil wala siyang ibang planong gawin ng araw na iyon ay naisipan niyang ayusin ang kuwarto ng anak. Inutusan niya ang isa sa mga katulong na ayusin ang isa sa mga guest rooms at ipasok doon ang mga bagong damit ng anak na kaniyang binili.


Puno ng pagtatanong ang mukha ng katulong pero hindi na iyon isinatinig. Sinunod nito ang kaniyang utos at maayos na isinalansan doon ang mga damit. Ilang oras nilang ginawa iyon at nang matapos ay bumalik siya sa kuwarto para sana ay magpahinga.


Papasok na sana siya sa loob ng kaniyang inookupang kuwarto nang makita si Tristan. Nagmamadali itong naglakad papunta sa kaniyang direksiyon.


Nang makalapit ito ay may pag-aalala sa mukha ng lalaki.


"Maam, Mr Medici was involved in an accident. He's currently in the hospital and you need to come with me to sign the DNR form. It was Mr Medici's request according to his lawyer when we called him."


Kinabahan siya, bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Anong nangyari sa kaniyang asawa?


"H-ha, what happened to him? Are you certain about this? Do Not Resuscitate Form? What for? Tell me ano ba talaga nangyari." Hindi na siya mapakali. She felt nervous. Kahit hindi sila in good terms ng lalaki ay may pinagsamahan din naman sila. And they had a son together. Ama pa din ito ng kaniyang anak.


"Please come with Mrs Medici. The chopper is getting ready to fly." Pormal tugon ng lalaki.


"W-what chopper?" She can't think clearly at that moment. Halo-halo na ang nasa kaniyang isip. She was worried and there were too many questions she needed answered.


"Yes maam. The chopper that will transfer you to his location is getting ready as we speak." Tumingon ito sa suot na relo. "We need to be there in the next thirty minutes." Sagot nito sa kaniya.


Tumango na lamang siya at sumunod na dito sa lalaki. Hindi na siya nag-abala pang magbihis. She was panicking and silently praying her husband was okay.


Hawak niya ang kaniyang mobile phone pero hindi niya alam ang numero nito.


Habang lulan ng sasakyan ay madami siyang tanong sa isip. Ngunit alam niyang mas mabuting marating niya ang hospital at doon na iyon itanong. Kaya hindi na siya kumibo. They travelled in silence.


Nang marating ang helipad ay kumunot ang kaniyang noo nang mapansing nagpaiwan si Tristan malapit sa sasakyan. May kausap ito sa mobile phone nito. Inalalayan siya ng isa sa mga staff na nandoon na makapasok sa helicopter at maisuot ang headset.


Para siyang lutang noong mga panahong iyon. Napakabilis ng mga pangyayari. She was organising her son's room a few hours ago. Now, she's in the helicopter to go to the hospital and sign the DNR form!


She was already thinking of making up to him. She will tell them about their son. What if she didn't leave before and confronted her husband with what she saw on their honeymoon night? The outcome would have been different. What if she stayed with him? Too many what ifs.


Kinakabahan siya. Ayaw niyang may mangyari sa asawa. God, please let him live.



DALAWANG oras silang nasa himpapawid bago niya nakita ang isang maliit na isla. Naramdaman niyang dahan-dahang bumababa ang chopper sa isang helipad na nandoon.


Kumunot ang kaniyang noo at nagsalita sa headset.


"Are we at the correct location?" Paninigurong tanong niya sa piloto.


"Yes maam." Matipid nitong sagot.


"I thought we're going to the hospital?" Naguguluhan pa din niyang tanong.


Ngunit hindi ito sumagot. Nang makababa sila ay mabilis itong lumabas ng chopper at tinulungan siyang umibis ng chopper. She was confused.


Nang nasa labas na siya ay tinulungan siya nitong maglakad sa isang bahagi na malayo sa chopper. When she was in a safe area ay nagmamadaling bumalik ang piloto sa chopper at pinaandar ulit iyon at tuluyan ng umalis.


She can only look at it disappear from her very eyes. Confused, she looked around. Ngunit mukhang walang ibang tao sa lugar na iyon. Mukhang nasa gitnang bahagi siya ng isla. Marami siyang nakitang niyog sa paligid at iba pang mga klase ng puno at halaman.


It looked like the perfect haven. Nang mapadako ang kaniyang tingin sa isang bahagi ay napansin niya ang isang cottage. It was a two-story cottage house. The first floor of the cottage was made in stone, whilst the second floor was made in wood.


She decided to walk towards the cottage. There must be some people inside or maybe her husband was there? She was not sure but bravely walked towards the door.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Billionaire's Runaway WifeWhere stories live. Discover now