Chapter 1

28 4 0
                                    

LULAN siya ng isang maitim na sasakyan na binabaybay ang daan papuntang Forbes Park. She was sitting in the back seat habang nakatanaw sa mga lugar na nadadaanan. It has been five long years since she last stepped foot in the country. She had to cut ties with her family and leave everything behind so she can live peacefully the way she wanted.


Ilang minuto lamang ay humimpil ang sasakyan sa harap ng isang magarang bahay. It was her home, the same home she left before going to Italy.


Pinagbuksan siya ng driver ng pinto.


She was wearing a knee-length navy dress kaya dahan-dahan siyang umibis ng sasakyan. She ran her fingers through her shoulder-length dark brown hair to properly put them in place. Then she removed her sunglasses so she can have a good look of the place she once called home.


"Cami!" Napalingon siya sa sigaw ng isang matandang babae sa kaniyang kaliwa. Napangiti siya ng makilala ang may-ari ng tinig.


"Manang! Kumusta ho?" Nakangiting tanong niya sa matandang nagpalaki at nag-alaga sa kaniya simula't pagkabata.


Nang makalapit sa kaniya si Manang Inday ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa kaniya. Natatawa siya sa reaksiyon ng matanda subalit hindi niya ito masisisi. The day she left was the last time they've heard from her.


"Manang, huwag na po kayong umiyak. Nandito na po ang paborito niyong alaga." Natatawa niyang sabi dito whilst she patted the woman's head and gave her kisses.


Sa taas niyang 5'7" ay mas matangkad siya sa matanda. She was once a successful model in the Philippines and did a few events around Asia and Europe.


Bumitiw ang matanda at pagkatapos ay sinipat siya nito mula ulo hanggang paa. "Ang tagal nating hindi nagkita. Bakit hindi ka man lang tumawag dito sa bahay ikaw na bata ka." Nagtatampong sabi nito.


"Huwag na ho kayong magtampo Manang. Nanndito na ho ako. Kumusta ho ang mama? N-narinig ko sa balita ..." Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil parang may bikig sa kaniyang lalamunan.


Biglang lumamlam ang mga mata nito at hindi napigilang mapaluha. "I-iha, ang mabuti pa ay ang doktor na ang kausapin mo. Halika pasok tayo." Inakay siya ng matanda papasok sa loob ng magarang mansiyon.



"CANCER cells were found, iha. Nasa early stages pa naman because of the early detection. But we can't be complacent, we need to start the therapy. Mabilis itong kakalat kung hindi maagapan." Paliwanag sa kaniya ng matandang doktor.


Tiningnan niya ang natutulog na ina. Parang kinurot ang kaniyang puso habang nakatitig dito. Medyo nangayayat ito, hindi na tulad ng dati. Nang makita niya sa isang international news na biglang isinugod ang ina dahil nawalan ito ng malay sa isang charity event ay bigla siyang kinabahan. Kung ano-anong balita na ang nagsilabasan, madaming espekulasyon. With her status and popularity in the country, maraming tao ang gustong malaman kung ano ang nangyari sa ina.


Kung kaya ay hindi na siya nagdalawang-isip na umuwi para malaman ang totoong nangyari.


The Billionaire's Runaway WifeWhere stories live. Discover now