Chapter 8

16 1 0
                                    

KINAGABIHAN ay may naging bisita si Camilla sa kanilang mansiyon.


"My oh my, I didn't believe it when someone told me you're back in the country!" Salubong ng isang simpatikong lalaki. Ngumiti ito showing his pearly white teeth.


"George!" She was surprised to see him. She's not seen him for years pero sa tingin niya ay mas lalong gumuwapo ang lalaki.


George was wearing long sleeves shirt and maong pants but he was oozing with sex appeal. Bakas na bakas sa suot nito ang mga muscles. Maputi, matangos ang ilong, well defined jaws and kissable lips. Kahit saan ito magpunta ay palaging nililingon.


Tumaas ang kilay nito. "Is that all you can say, just 'George'? Lukaret ka, hindi ka man lang nagparamdam. We were all worried for you. Kung hindi pa nabalitaan ni Jessica na nakita ka ng kakilala niya sa boutique ay hindi pa namin malalaman." Umarteng nagdaramandam ang kaibigan.


Kung hindi mo marinig na magsalita ng ganoon ang lalaki ay aakalain mong straight ito. He was a closet gay. Hindi ito makapagladlad dahil sa career nito. He was working as a model in one of the popular modelling agencies in Asia.


Nakilala niya ito when she was still active in the industry. They hanged out and became close friends.


Sa tabi nito ay si Jessica na isa ring modelo pero ang pamilya nito ay galing sa isang polictical clan sa Davao.


"Jessie! I can't believe it. Sorry guys, wala pa akong binabalitaan na dumating na ako dito sa Pilipinas. I just arrived a few days ago." Paliwanag sa mga ito habang nakangiti pa din. She missed her friends so much.


"Oh girl, c'mon give me a hug! God, we missed you!" Isang mahigpit na yakap ang binigay nito sa kaniya.


Bigla namang bumukas ang pinto ng mansiyon. Pumasok doon si Marco.


Nang makita nito na may kayakap siyang lalaki ay mas lalong dumilim ang anyo ng asawa.


Nakatayo lamang ito habang mataman silang tinitigan. Biglang tumikhim si Jessie at nang lingunin niya ito ay nakita niyang itinuturo nito si Marco.


Bigla siyang natigilan. Nang mapansin iyon ni George ay bigla itong tumuwid ng tayo at marahang naglakad palapit kay Marco.


"Hi, I'm George. I'm not sure if you remember me. We met at your wedding here in the Philippines." Buo ang tinig ng kabigang paliwanag nito sa kaniyang asawa. He projected himself as straight at hindi mo aakalaing bakla ito. Inilahad ni George ang kamay sa lalaki.


Tumikhim ang lalaki at tumango. Tinanggap nito ang pakikipagkamay. "Marco."


"This is Jessica." Turo niya sa kaibigan. Tumango lamang ang lalaki at umakyat na ito sa hagdan.


Nang makaalis ang asawa ay biglang lumaki ang mga mata ng kaibigan at nilapitan siya.


"Giirrrrrrllll! So gorgeous!!! Ang higpit niyang kumamay ha." Anito sa mababang tono para huwag marinig ng iba. "Puwede bang hiramin ang asawa mo kahit isang gabi." Pahabol nitong tanong at saka humagik-ik.


"Loko!" Natawa silang tatlo sa tanong iyon ng kaibigan.





HABANG paakyat ng hagdan ay narinig niya ang tatlo na masayang nagtatawanan. Tumiim ang kaniyang bagang.


He spent the full day at work and he was not expecting his wife to be with another man. Nang makapasok sa loob ng kuwartong inookupa ay mabilis niyang inalis ang suot na suit at niluwagan ang neck tie.


Kinuha niya ang mobile phone at may idinayal na numero.


"Alex, pare. Just called to ask if that island you mentioned to me is free from tomorrow afternoon? I'd like to rent it for 3 days if possible?" Tanong niya sa Russian-Filipino na kaibigan na maraming pag-aaring properties sa bansa.


Ang tinutukoy niyang lugar ay isang isla na malapit sa Siargao. It's a small private island na pinatayuan nito ng cottage at nilagyan ng ibang amenities. When he saw the photos, he thought it was the perfect place to unwind and de-stress. The only way to get to that island is by boat or helicopter. The perfect place to execute his plan.


He need to strike now whilst the iron is hot. He knew his wife still had feelings for him. Her body won't react the way she did on their lovemaking kung wala.


Tumawa ang nasa kabilang linya. "Pare, you don't have to rent it! Consider it as my late honeymoon gift. You can stay there longer too, wala namang gumagamit niyon. Let me contact the housekeeper to stock the cottage with supplies good enough for a week. Okay na ba iyon?"


"Sounds great! Thank you, pare. I owe you one on this." Sinsero niyang sabi sa kaibigan.


"Well, I can't wait to have a godson from you. Do it fast my friend, hindi ka na bumabata." Natatawa nitong kantiyaw.


Umiling na lamang siya. His friend was right, maybe a child with Camilla will help soften his wife's heart and decide to be with him for good.


Nagbihis siya ng suot, he needed to talk to his mother-in-law so he can execute his plan tomorrow.





KINABUKASAN ay late nang nagising si Camilla. The catch-up with her friends lasted until midnight.


Naligo at nagbihis siya pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto. Naabutan niya ang ina na nagkakape sa veranda.


"Good morning, ma." Masaya niyang bati dito.


"Good morning, iha." Masayang tugon nito. Her mother looked a lot better today. It's the first time she was outside her room since she collapsed.


"Are you feeling a lot better now, ma?" Kumusta niya dito.


"Yes, iha. I felt rejuvenated. I need to go out of that room, mas lalo akong nanghihina. I called the doctor and booked an appointment today. I wanted to discuss my treatment plan. The sooner, the better." Masigla nitong balita.


"Sasamahan ko na ho kayo." Alok niya dito. She was meant to meet with the doctor but her mother seemed to have the strong will to recover from cancer.


"No need, iha. Your aunt will accompany me today. Just stay here, okay. I can't believe I will meet my apo soon. I'm very excited." Parang maiiyak na saad nito.


The news of her son must have given her mother the will to live.


Tumango na lamang siya. Ang importante ay gusto nitong gumaling.


"Oh siya, aakyat na muna ako sa kuwarto at para makapagbihis na din. She will be here shortly. At baka sa kaniya na muna ako tumuloy in the next few days at uuwi ako pag nandito na si Matteo." Balita nito sa kaniya.


"Okay ma, enjoy and send my regards to Auntie Mikaela. I'll keep my self busy meeting friends and sorting Matteo's room."


Tumango ito at tumayo na. Her mother gave her a warm hug and a kiss on the cheek.


"Will do, you take care, iha. See you in the next few days." Nakangiting nitong sabi. Parang may ibang ibig sabihin ito pero binalewala niya iyon, maybe she was only overthinking it.

The Billionaire's Runaway WifeWhere stories live. Discover now