Chapter 30

42 5 0
                                    

Mabilis siyang nag hilamos bago bumalik sa pag babasa ng libro. Sinusubukan gisingin ang kaniyang diwa. Balak niya kasing mag apply ulit ng scholarship. Pero hindi naman kompleto ang libro na mayroon siya. Kaya bumili siya sa divisoria ng mura at lumang kopya.

"Shane, gumusing ka. Hindi mo pa nga na mememorize 'to." Tinapik niya ang sariling pisngi.

Pero kahit ganoon ay hindi pa rin niya nalabanan ang antok. Nakatulog pa rin siya. Tanghali na siyang nagising dahil sa puyat. Kaya naman ganoon nalang ang pag mamadali niya.

Nag bihis siya ng lumang pantalon at t-shirt. Agad naman siyang naka rating sa eskuwelahan na pag aapply-an niya ng scholarship. Bigla siyang na pa atras.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang mga nandoon. Lahat sila maaayos ang damit. Magaganda ang mukha. May mga bagong bag. Samantalang siya....ay wala.

Kumirot ang puso niya dahil sa iniisip. Simula ng mangyari 'yon ay na giging insecure na siya. Wala na ang dating Shane na walang pakielam kung ano ang sasabihin o iisipin ng ibang tao. Her old self vanished.

"Next po." Sabi ng nag babantay.

Pumasok siya sa room kasama ang iba. Pinaka dulong upuan ang pinili niya, kung saan wala gaanong tao. Inamoy niya pa ang sarili kung mabaho ba ang damit niya. Pero wala namang amoy. Nahihiya kasi siya sa iba. Umaalingasaw ang mga pabango nila sa buong room.

Ibinigay ang test paper sa kanila. Nanlamig siya dahil nakita niya ang mga tanong. Una palang mahirap na. Paano pa ang iba?

Mula sa lumang sling bag na lagi niyang suot ay kinuha niya ang ballpen. Nag simula siyang mag sagot. Na nginginig ang tuhod niya habang nag babasa ng mga tanong.

Hindi pa man din ay para na siyang iiyak. Pinag aralan ko ba 'to? Nasa libro ba 'to? Kulang ba ang libro? Maling libro ba nabili ko? Hindi niya alam kung paano kakalmahin ang sarili niya.

Matapos ang isang oras ay kinolekta na lahat ng test papers. Umuwi siyang bagsak ang balikat. Mag dedeliver pa siya ng gatas. Parang ayaw na niya, pero kailangan.

"Good mor- afternoon po pala." Nahihiyang bati niya.

"Oh, tanghali kana. Kaya mo na ba mag deliver?" tanong ng nag rerepack.

"Opo. Pero siguro po benteng kahon lang po muna."

"O, siya sige. Pag pablik mo ng deliver ay ibibigay na ni boss ang sweldo mo. Nga pala yung nabasag kahapon bawas yon sa sweldo mo."

Tumango lang siya bilang sagot. Kahit pa ayaw niya. Alam niya rin na siya ang may kasalanan.

Kinuha niya muli ang bisekleta at nag lagay sa likod na basket ng tatlong kahon. Mabagal lang ang pag pidal niya. Medyo masakit pa kasi ang tuhod, may pasa rin sa binti.

Hapon na at pang huling deliver nananaman niya. Natigil siya dahil parang kanina pa siyang may nararamdamang prisensya sa likuran. Ngunit tuwing lumilingon siya ay wala namang tao.

Nag simula na siyang kabahan. Muling bumabalik ang ala ala ng bangungot niya. Pilit siyang nag darasal sa isip. Na sana walang mangyaring masama sa kaniya.

Matapos maibigay ang sahod ay dumiretso siya sa tinutuluyan. Ni lock niya ang pintuan. Kung tutuusin ay isang sipaan lang.

Nag luto siya ng itlog na may kamatis para sa hapunan. May kumatok dahilan para kabahan siya.

"S-sino po 'yan?" halos pabulong na ang tanong dahil sa panginginig ng labi.

"Hoy, bansot pag buksan mo ko!" pag mamaktol ni Abdul sa labas.

Nakahinga siya ng maluwag. Pinag buksan niya ito ng pinto. Nakita niyang may dala itong prutas at tasty.

"Bakit nanaman ba?" inis na tanong ni Shane.

The Heartthrob That Can't WalkWhere stories live. Discover now