Panglabing-isang Kabanata

16 4 1
                                    


Sumikat na ang sinag ng araw, nagalarm na ang phone ko so it's already 5:30 in the morning kaya pinatay ko muna ito ngunit hinihila pa rin ako kalambutan ng kama kaya nakatulog pa rin ako.

Nagising ulit ako ngunit this time dahil sa pakiramdam kong may nakatitig sa akin. Kaya iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Sky na nakasalak-baba sa gilid ng kama, titig na titig sa akin. Ang lapit ng mukha niya! Lumiwanag ang mga mata ko at nagulat. Napasigaw tuloy ako at napatayo siya. 

"Geez, ginulat mo ako Audrey Rein!" sigaw niya kaya tinakpan ko ang mukha ko dahil sa nangyari.

Umupo na ako sa kama habang tinatakpan ang mukha ko sa hiya! Paano naman kasi! Itong si Sky ang aga aga, ang kulit kulit na! Ano ano nalalaman, may pa ganun ganun pa!

"I-ikaw kaya itong.. n-nilalapit ang mukha mo sa mukha ko... natutulog ako eh.." sabi ko sakaniya nang nakatakip pa rin ang mukha.

"Tinititigan ko lang ang mukha mo, ang cute mo kasi matulog." sabi niya pa habang tumatawa kaya kumunot ang noo ko.

"So kapag tulog, doon lang ako cute?" pagsusungit ko sakaniya kaya tumawa siya lalo.

"Syempre.." kaya tumayo ako at hinampas hampas ko siya ng unan.

"Bwisit ka! Bwisit ka! Bwisit ka!" naiinis kong sabi habang patuloy kong hinampas ito sa braso niya,

"T-teka.. teka lang naman.." natatawa pa niyang sabi kaya tumigil ako sa kakahampas sakaniya at tinignan siya nang masama.

"Hindi pa ako tapos eh..." napakamot siya ng ulo at akma ko sana siyang hahampasin ulit nang umiwas na siya gamit nang kaniyang mga kamay... parang tuloy siyang bata...

"So cute lang ako pag tulog? Ha?!" sigaw ko sakanya kaya umiling-iling siya.

"Ang sabi ko cute ka kapag tulog, pero syempre... hindi lang doon! Cute ka palagi kahit ngayong busangot ang mukha mo, cute ka parin!" ngumiti siya sakin pero ako inisnob ko lang siya.

"Ang cute, cute, cute moooo!" ang next niyang ginawa na ikinainis ko lalo, pinisil niya ang pisngi ko hanggang sa inalis ko na ang kamay niya dahil masakit sa pisngi.

"Ano ba naman yan, Stephan Kyle! Ang aga aga namumuwisit ka!" sigaw ko sakanya naiirita na ako sa bwisit na'to eh!

"Ayaw mo bang nilalambing kita, Rein?" kinindatan pako, pfft! Akala mo mafafall ako sayo, never!

"Bahala ka nga diyan!" tapos lalagpasan ko sana siya ngunit hinawakan niya ang kamay ko, hinigit niya ako papalapit kaya nawalan ako ng balanse at nahulog ako sa dibdib niya. Niyakap ako ni Sky kahit naiinis parin ako sakaniya. Hinaplos haplos niya ang buhok ko saka siya bumulong..

"Sorry na, Audrey... Ewan ko ba, masaya sa pakiramdam kapag pinipikon kita, ang cute mo eh!" tumingin ako sakaniya ng nakakunot-noo kaso sobrang lapit ng mukha niyang nakangiti sa mukha ko kaya nawala ang pagkakakunot nang noo ko. Nilapit niya pa lalo ang mukha niya kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko... nararamdaman ko pa ang bawat paghinga niya.

Lumiwanag naman ang mata ko nang maalala kong kakagising ko palang pala! Napatigil tuloy ako at tinulak ko siya ng mahina kaya nabitawan niya ang kamay ko, dumiretso ako sa CR at nagtoothbrush! Grabe ang aga aga, ni wala pa ako hilamos at ang baho pa ng hininga ko, paano kung maamoy niya iyon? Napatingin naman ako sa salamin ng banyo noong kumatok siya at sumigaw,

"Kahit anong amoy mo, gusto parin kita!" tumawa siya kaya napadabog nalang ako, hays! Nakakainis! Ang kulit kulit ni Sky, bakit ba...

"Ewan ko sayo, ampanget mo!" sigaw ko pabalik, narinig ko rin ang tawa niya ngunit nawala na rin... bumaba na siguro siya.

PromisesWhere stories live. Discover now