Pang-pitong Kabanata

24 4 0
                                    


Mahigit halos tatlong buwan na ang makalipas noong huli kaming nagusap ni Claude, dahil sa ginawa at sinabi niya... gusto ko nalang siya mawala.

Hindi ko na natiis ang konsensiya ko at kinabukasan katapos ng gabing iyon, tinawagan ko na si Sky at humingi ako ng pasensya na dapat naman talaga hingiin ko dahil hindi siya deserve na masaktan sa akala niya.

"Audrey, okay lang... Naiintindihan kita." ngumiti siya saakin sa video call, namiss ko kase ang mukha nito kaya sabi ko video call kami.

"Sorry parin sa mga nakita mo, Sky.. Hindi ko naman alam na ipopost pala ng gag*ng yun lahat ng mga pics namin, kita ko pa sa caption! Napakafeelingero!" reklamo ko sakanya na parang bata.

"Masakit lang na nagagawa niya yung mga bagay na gusto kong gawin sayo, katulad ng sinasamahan ka sa mga lakad mo, sasandalan mo kapag malungkot ka." bumabadya nanaman sakaniya ang lungkot, kita naman sa mga mata niya.

"Sky, diba sabi mo magkakasama rin tayo?" pagpapalakas ko sakaniya ng loob.

"Audrey... may isang salita ako, kapag sinabi ko, lalo na kapag pangako tinutupad ko." seryoso niyang banggit saakin na siyang ikinangiti ng aking mga labi.

"Sana nga matupad mo ang mga pangako mo, Sky" umaasa ako na hindi niya ito ipako, masakit kapag nangyari iyon...

"Oh wag masyado ngumiti, baka mainlove ako lalo sayo, sige ka..." ngumisi siya na ikinatawa ko naman. Grabe ang cute!

"Ano ba! Para kang ano...baliw!" tumawa nalang ako at di ko namalayan nakatitig na pala siya saakin.

"Audrey..." tawag niya bigla.

"Oh, yes Sky?" pagpapacute ko sakaniya.

"Ang ganda mo." seryoso niyang sambit saakin, may kung ano naman akong naramdaman sa tiyan ko! Huh, ano yun?

"Thank you, Sky!" ngiti ko sakanya na siyang ikinangiti niya rin.

"Mabuti pala napatawag ka ngayon, Audrey?" curious niyang tanong.

"Ayun nga, gusto kong magsorry talaga sayo, Sky... saka nais ko rin sabihin na friendship over na kami ni Claude.." diretso kong sabi sakanya habang inaayos ko mga gamit ko sa school.

"As in hindi na kayo naguusap?" tanong niya ng nakaiwas ng tingin.

"Oo, iniiwasan ko siya." sasabihin ko sana mga sinabi saakin ni Claude, kaso baka lumabas ito sa screen at upakan niya iyon eh.

"Mabuti naman..." ngumisi siya na ikinakunot ng noo ko.

"Hoy, ano yang ngisi na iyan, bakit ka nakaganyan?" pabalang kong sinabi dahil naaasar ako pag ngumingisi siya.

"Wala naman, Rein." napalitan nang maikling tawa ang mapanlaro niyang ngisi kanina.

"Wushu, wala ka jan!" pang-aasar ko na parang bata.

"Bati na tayo, Audrey?" tanong niyang malambing na ikinagulat ko.

Luh, nag-away ba kami?

"Nag-away ba tayo, Sky?" bigla kong tanong.

"Oo kagabi." huh?

"Inaway kita?" nakakapagtaka na siya ha.

"Sinabi ko sayong gusto kita tapos sabi mo tatawagan mo nalang ako ulit. Tapos di mo na ako tinawagan katapos nun, akala ko tuloy galit ka sakin or wala kang pakialam sa feelings ko..." nagfake cry pa siya.

"Noong part na binabaan kita ng tawag at sabi ko tatawag nalang ako ulit, kinausap ko na si Claude n'on." pageexplain ko, nakikinig naman siya na parang bata.

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon