Pang-siyam na Kabanata

23 4 3
                                    

_______________________________________________________________________
Note:
Kung nabibitin po kayo sa bawat kabanata, please accept my apologies. But I hope you still enjoy my stories as I enjoy everyday writing Kabanatas for you to complete this story. I'll try to make longer Kabanatas for y'all, spread love! ;)

Happy Reading, Skies and Audreys! 💛
_______________________________________________________________________

Nagising ako ng naririto sa mukha ko ang cellphone ko, ano ba naman yan! Sinubukan kong pindutin ang home button ngunit hindi nag-on ang cellphone ko! Anak ng tipaklong! Nalowbat pa! Kaya tumayo ako at chinarge ang phone ko dahil baka may announcements sa GC namin tungkol sa school, malapit pa naman ang exams!

Nawala ang inis ko nang maalala ang nangyari kagabi! Grabe si Sky... hinarana pa ako virtually! Gusto kong matawa, ngunit mas nangibabaw ang paghanga ko kay Sky! Alam niya pang isa sa favorite ko ang Paraluman ni Adadiee. Sky never fails to mesmerize me... Ang galing niya tumugtog ng gitara at ang soft ng voice niya... kaboses pa niya si Adadiee!

Katapos niyang tumugtog kagabi, nakatulog na ako... Hala nakakahiya, tinulugan ko siya! Kinuha ko tuloy ang cellphone kong 14% palang ang charge. Hays bahala na, basta magsosorry ako kay Sky. Hindi man lang ako nakapagcomment tuloy sa pag-harana niya... binuksan ko na ang cellphone ko at alas nuebe palang pala... Sembreak namin kaya wala kaming pasok ng weekdays, ngunit tinatapos ko parin ang mga gagawin namin para sa school, running for with high honors ako eh!

Nagscroll scroll ako hanggang sa naisip kong magbasa ng conversation namin ni Sky...
Magbabasa na sana ako ngunit nagchat siya bigla!

Sky messaged you:
Grabe ang liwanag ng sikat ng araw, kasing-liwanag mo, malago!
Magandang umaga, Audrey ;)

Iyan nanaman sa "malago" word, ano ba kasing meaning niyan? It means ba na I'm really ugly? Ughh, ang aga aga, Stephan Kyle ha!

Audrey replied:
Hindi maganda ang umaga ko hangga't tinatawag mo akong malago! Alam ko naman ibig sabihin niyan eh, pangit ako? Edi pangit kasi ako! Btw... morning ~_~

Sineen lang naman niya, siguro nakonsesiya siya o ano... pero after few seconds aba tumatawag itong si Sky! Nagulat ako at nabitawan ko ang cellphone ko, mabuti nalang nasa kama pa ako.

Video call nanaman kaya inayos ko muna ang buhok kong gulo gulo dahil kakagising ko lang at pinunasan ang mukha ko sa towel dahil sa kadugyutan! Saka ko sinagot.

"Oh ano?" sungit kong sumbat sakaniya kaya napawi ang ngiti niya.

"The sun is shining, the birds are singing, why are you so grumpy in this beautiful morning?" sabi niya saakin kaya napangiti ako dahil pangjejemon ang boses niya habang sinabi ito.

"Ikaw kasi eh! Tinawag mo nanaman akong "malago", ibig sabihin no'n inaasar mo nanaman akong pangit ako noh!" napanguso naman ako na parang bata.

"Gusto mo malaman totoong meaning ng malago?" seryoso niyang sabi saakin kaya napangiti ako.

"Sasabihin mo ba?" tinaas ko ang isa kong kilay kaya napangisi siya. Tumango siya kaya napangiti ako lalo.

"Malago is a kapampangan word for beautiful." nakangiti niyang sabi saakin kaya kumunot ang noo ko.

So all this time, he calls me beautiful? Am I really?

"Wushu, malago ba ako?" inis na tanong ko sakanya, tumango tango naman siya na parang bata.

"Nakang sobra lagu, Rein" ano raw? Para siyang koreanong di ko maexplain. Natawa siya sa reaction ko kase para akong nagsosolve ng math problem. Kunot noong nalilito.

PromisesWhere stories live. Discover now