Pangalawang Kabanata

43 5 3
                                    


I was standing in the front mirror for 15 minutes na. Looking at myself, asking her if I can do it or not.

Ngayon na kasi yung speech namin and fortunately I already did my script. Sir Benj told us that the speech should be memorized, isa pa yun sa mga dahilan ng pagtibok ng kaba rito sa puso ko. I always get anxious when I am standing before the crowd, who doesn't, right? Siguro yung mga artista, sila di mahihiya o manginginig because they are already used to act.

Speaking of our speech, our president announced na we're going to do it on the school library. Nagayos na ako kanina sa CR, I put two clips on the right and left side of my hair to make me look presentable in my red fitted dress.

I felt a little bit of insecurity because my schoolmates are wearing blazzers and casual clothes, by seeing them makes me think they are so fit and pretty unlike me.

Kabalik ko sa classroom namin, nakita ko si Carlyn. Bestfriend ko since 1st year highschool.
Lumapit ako sakanya at sinabing...

"Bes..." nilingon niya ako, alam na ang nararamdaman ko dahil halata naman sa labi at kamay ko na nanginginig.

"Alam mo bes...kaya mo yan, okay?" tungo niya saakin ng nakangiti kahit alam kong kinakabahan rin itong babaeng ito.

"Okay...goodluck rin sayo bes!" nakangiti ako ng pilit kaya napatawa siya ng kaunti.

"Tara na, punta na tayo sa library, tayo nalang hinihintay!" at hinatak niya ako papunta sa library.

Nahihiya kaming pumasok dahil kami nalang ang wala sa section namin except for those absentees, ofcourse. Umupo na ako sa tabi nung kaibigan ko galing sa kabilang section, tapos itong si Carlyn umupo sa kaliwa ko dahil andito nga si Sammie sa kanan ko.

Tumayo si Sir Benj, nagtanong kung kumpleto na ba kaming lahat sa bawat section at kung hindi raw automatic na syempre, magattendace dapat ang secretary kung sino ang late at absent that moment. Memorize na ni Ms. Secretary yun.

After Sir Benj announced those who will speak in the front, the first student to speak was Hans, pumunta naman siya sa harap, naggreet at nagsalita na about his topic which is Racism.

"Racism and Inequality are relevant, for the reasons we judge people easily by their color. Without hesitations, we throw bad words that can affect them. We show that they do not belong. We do this without thinking and considering their feelings. These people are not robots, they are humans too."

Nakikinig ako ng tignan ko ang bestfriend ko, nakikinig rin naman titig na titig nga kay Hans eh. Kaya syempre ako, inasar ko siya.

"Bes" nilingon niya ako at tinignan ko siya nang makahulugan.

"Bakit, bes?" Wushu kunwari pa ito.

"Crush mo si Hans noh?" Diretso kong tanong. Kita ang gulat sa mga mata niya, tinakpan niya ang mukha niya at biglang nagtago sa kamay niya.

"Uy! Uy!" Sabi ko nang tinatago nito ang kanyang sarili. Nagtatago pa, halata naman.

"Ano crush mo nga?" pang-aasar ko sakaniya. Pakipot pa ito.

"Oo na, ang galing niya kasi magsalita eh. He's so attractive and intelligent." sambit nito, namumula pa ang pisngi, aba aba.

"Wushu... ikaw Carlyn ah, sumbong kita kay Tita." pananakot ko ngunit di naman siya natakot. Siguro dahil alam na ni Tita, makwento itong bestfriend ko eh.

"Hay, basta suportado ako kung saan ka masaya, okay? Bestfriends." niyakap naman niya ang braso ko dahil sa sinabi ko. I just gave her a pat in her head as a sign of support and comfort.

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon