Unang Kabanata

78 7 4
                                    


Kakagising ko lang sa panibagong umagang kay ganda. Kay ganda ko, charot!
"Goodmorning Rage, Faye!"
Sinalubong ako ni Rage at Faye, ang dalawang cute na aso namin, si Faye na dilat ng dilat sa paa ko, habang si Rage naman na ubod ang saya dahil sa wakas magtatanghali na at nagising na rin ako. Hinaplos ko sila bago ako lumabas para batiin ang mga magulang ko...

"Dad! Goodmorning!"
Hinagkan at hinalikan ko na rin si Dad na pogi at matangkad pa sakin.
"Sa wakas! Nagising ka na rin! Goodmorning!" response ni Dad saakin habang hinagkan ako pabalik.
Napansin kong nagluluto na si mom sa labas ng tanghalian...
"Hi Mommy, Goodmorning!"
Naamoy ko ang niluluto niya...hmm... Sinigang!
"Goodmorning Rein!"

Tinulungan ko siyang maghapag ng pagkain at mga plato't kutsara sa lamesa, tinawag ko na rin ang Papa lolo ko upang makasabay na siya kumain.

Puno ng tawanan ang hapagkainan habang kavideocall namin ang Mama lola ko na nasa America ngayon, mahigit taon na siya roon kaya namimiss na namin siya...

"Ahh.. Mommy, ako na po ang maghuhugas ng pinggan, okay?" sabi ko sakanya habang patapos na akong kumain.

Nakita ko naman tumango ang mommy ko at nginitian ko siya, sabay na ngiti niya sa Daddy ko.
Ang sarap makita na nakangiti ang mga magulang mo sa isa't isa, nakakagaan ng loob.

Katapos ko maghugas ng mga pinagkainan, tinapon ko ito, charot! Pumasok na ako sa aking kwarto at nagscroll scroll sa aking Ipad. Di ko napansing may chat notification pala ako kaninang umaga ng isang pangalang hindi ko naman kilala;

Stephan Kyle Ramirez messaged you:
Hello lods hehe

Oo nga pala, nagadd friend ito sa akin noong isang araw. Stephan Kyle, cool name huh.
Noong una akala ko tambay kasi kita sa mukha niya nakangiti tapos nakataas pa ang isang paa! Natawa ako nang makita ang profile nya sa Bookface, my curiousity drive me more kaya di ko naiwasang istalk ito! Taga Pampanga pala siya, malayo layo naman pala from Manila.

Pero teka... bakit ko nga ba iniistalk tong lalaking toh! Minsan ayaw ko nalang macurious sa mga taong gusto ako makilala eh, kase ang weird. Like for example, right now I find myself wanting to know about this guy.

Tinry ko replayan, ang kaso di ko alam ano irereply ko, hays bahala na.

Audrey Rein Zamora replied:
Ay hello po slr hehe

After ilang minutes, nagreply na! Aba fast replier tong si kuya ah, charot.

Stephan Kyle Ramirez replied:
Okay lang hehe
Pwede makiclose? Hehe

Ang hilig neto sa "hehe", baka mahanginan to hehehehe nalang masabi, charot again!
Natawa ako sa sarili kong joke. Para akong baliw, bwisit.

Audrey Rein Zamora replied:
Sureee sureee hehe

Katapos hindi na nagreply, baka boring ako kausap or what?

Lumipas ang mga araw, panay "hi at hello" tong si Stephan Kyle or should I say Sky,
Sabi niya kasi saakin sa chat palayaw sakanya ng mga friends niya is Sky at ang mga magulang niya lang ang tumatawag sakanya ng Stephan Kyle.

Minsan lang kami magusap ni Sky, ngunit nakakapagtaka dahil kung makaakto siya parang...
parang hindi siya kaibigan, more like I should say he's like an older brother to me.

Kung kasi magchat siya ng
"kumain ka na?"
"Usap naman tayo, please"
"Wag ka magpapalipas ng gutom ah."
and many more.

Ngunit nagstop ang paguusap namin sa chat dahil tough ang schedule ko sa school, mas lalo akong naging busy sa mga schoolworks ko kaya madalas hindi ko na siya nakakausap.

PromisesWhere stories live. Discover now