WYBHBM ~~ Chapter 20 part 1

261K 2.5K 75
                                    

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

HEIRA POV


"heira, can we talk?"


"s-sige." sinundan ko si Anne palabas ng room.

Breaktime namin.


Pagdating na pagdating ko pa lang kanina sa classroom pakiramdam ko may mali talaga.


Si Rei at Ren hindi nagsasalita.

Si Cyfer ,magkaka-stiff neck na dahil sa bintana lang nakatingin buong klase.

Tapos si Anne nakayuko lang na parang iiyak anumang sandali.

Kami naman ni Luke sobrang nagtataka. Si Luke lang tuloy ang nakausap ko. Infairness naman, nakausap ko naman sya ng matino.


Pero ang pinagtataka ko is bakit ganun ang atmosphere sa pagitan nilang apat ? Tapos ngayon, kakausapin ako ni Anne.

Tungkol saan ?


Sa secret relationship nila ni Cyfer ? Akala ko tapos na ang issue namin don ? Wala naman akong pinagsabihan ah !

Nakakapagtaka talaga.


Andito na kami ngayon sa rooftop.

Sinigurado ko muna na walang tao bago ako nagsalita.


"Anne, tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?"

Hindi agad sya nagsalita. Umupo sya sa isa sa mga bench na nandon.Sumunod ako at umupo din sa tabi nya.


Ilang nakakailang na sandaliang lumipas bago sya nagsalita.

"Heira. . .kasi. . . kasi may problema. . ."


Problema ? Kinabahan ako bigla .


"M-may nakaalam na ba, Anne ? Wala akong pinagsabihan, promise !" defensive na sagot ko.

"hindi tungkol dun. . ."


Nakahinga ako ng maluwag. Haaay. Akala ko pa naman may nakaalam na ng sekreto nila ni Cyfer.

Kapag nangyari yon, hindi malabong mapagbintangan ako dahil ako lang naman ang nakakaalam ng bagay na yon.


Paglingon ko kay Anne ,namumula na ang mga mata nya.


"Anne? May problema ba? Bat parang naiiyak ka ? May masakit ba sayo." imbis na sumagot agad ay hinawakan nya lang ang kamay ko ng mahigpit.


"Heira kasi. . .si Cyfer. . ."


"anong meron kay Cyfer ?" tumingin sya saken .

Umiiyak na sya.


"he. . .he broke up with me. . ."


"WHAT?!"


-DISMISSAL-


Hinihintay kong lumabas ng main gate si Cyfer .

Kakausapin ko sya.


That jerk.


Nang makita ko na syang palabas, hinila ko sya.


"hey ,stupid girl! What do you think you're doing ?"


Hindi ako nagsalita. Sa totoo lang, gusto ko syang sapakin ng walangpali-paliwanag.

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon