chapter 38

3 0 0
                                    

•still her pov•

pagkagising ko agad kong ginising si austine dahil gaya nga ng pinag usapan namin kagabi ay aalis kami at gusto niya daw sa mall kami muna para bumili ng toys nya.

pagmulat ng mata niya ay agad niya kong nginitian sabay bati ng good morning at halik sakin.

agad namn akong nagligpit at saka na namin napagpasyahan na bumaba para mag almusal dahil tinatawag na kami ni mama.

pagtapos namin mag almusal at maligo kanina nagpaalam na muna kami ni austine na aalis, gusto pa nga namin isama si mama kaso ang sabe niya wag na dahil bonding namin mag ina yun napaka swerte ko dahil nagkaroon ako ng ina na napaka supportive.

Gusto nyu ba malaman kung paano ko nahanap ang aking tunay na ina ganito kase yung nangyare....

••• flashback •••

Nung araw na paalis kami papunta sa u.s ay nalaman ko na hindi pala ako tunay na anak ni mommy Marguerite at hindi ko biological mother si mommy  at paano ko nalaman yun??...

Dahil nahanap ko sa cabinet ni mommy na hindi pala talaga ako ang totoong anak niya at nung araw na huling buhay niya nanghingi siya ng favor at dahil malaki ang utang na loob ko sa mommy ko ay pumayag ako.

Ang una, ay ang magpakasal ako kay  JUSTINE CEDRICK ANDERSON a.k.a Cedrick.

second,is saka ko nalang kunin ang nasa loob ng kahon sa oras na tapos na siyang ilibing at ang laman nga ng kahon ay ang kasulatan na hindi ako ang tunay na anak ni mommy at saakin lahat ipinamana ang kanyang mga ari arian.

pero..yung iba niyang mga house,
hospital,company ay naibenta kona dahil nga ISA lang ako at hindi ko kayang pagsabay sabayin yun.

  masakit man para sakin na hindi pala niya ko tunay na anak pero, kailangan ko parin tatagan ang loob ko dahil nung panahon na yun ay ang alam ko lang sa sarili ko ay ako nalang ang nag iisa,na kailangan ko nang tumayo sa sarili kong mga paa at kailangan ko nang tahakin ang landas kung san man ako pupunta.

at sinimulan ko nang hanapin noon yung tunay kong ina at nung oras na nahanap ko na ang aking totoong nanay ay nalaman ko ipinadukot pala ako para ilayo ako sa magulang ko.

ang sakit nohh kakahiwalay pa nga lang nmin ni justine noon,nalaman ko pang hindi ko pala tunay na ina si mommy...

'sobra na talaga si author mapanakit masyado huhuhu'

A - hoyy!! hindi kaya ako mapanakit kutusan ko atay mo jan ehh!!..

(back to story)...

  sa una ay nagalit ako dahil ang nasa isip ko noon ay bakit hindi niya ko hinanap sa matagal na panahon?...

pero nang malinawan ako sa mga sinasabe niya ay parang may  kung ano ang nabuo sakin yun para bang nawala kahit papaano ang aking nararamdaman na sakit.

Habang nagdadrive ako biglaang may tumawag sakin kaya sinagot kona ito dahil kanina pa ito nagriring.

"hello love pasensya na hindi agad ako makakauwe meron pa kaseng problema sa company kailangan ko asikasuhin."- he

Hindi ko pala nasabi na hindi na sya nakasama nun dahil biglaan nagka
problema but, ang alam ko malapit narin sya makauwe dito sa pinas dahil narin miss na sya ni austine.

" ok.basta umuwi ka ha hinihintay kana ni austine nung nakaraan hinahanap ka nya nasaan na daw si tito daddy nya". Napangiti ako ng maalala ko yun yun kase tawag niya kay kian.

Pagkatapos namin mag usap ay agad ko nang ni end yung call dahil kailangan ko ng magfocus sa pag drive.

hindi na sila nakapag usap ni austine dahil kanina pa tulog dito sa tabi ko at ayaw ko namn na istorbohin sya dahil ang himbing ng tulog ng bata.

to be continued.....

5 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐁𝐄𝐅𝐎𝐑𝐄 𝐈 𝐋𝐄𝐓 𝐘𝐎𝐔 𝐅𝐑𝐄𝐄(𝚘𝚗 𝚐𝚘𝚒𝚗𝚐)Where stories live. Discover now