chapter 20

3 0 0
                                    

✨Scarlett ash pov✨

Habang nasa byahe kami ni kia marami kaming pinag-usapan syempre dahil wala rin kaming magawa kaya napuno ng tawanan ang usapan nmin.

hindi na kami nag-usap tungkol doon samin ni cedrick dahil gusto ko munang magpahinga,siguro mas ok nga yung ginawa ko na bumitaw nalang dahil kung patuloy lang akong makikipagsiksikan sa kanila baka madamay pa yung baby ko sa tummy ko at baka hindi ko kayanin yun.

sana hindi nalang toh nangyare hindi ko naman sinasabe na ayaw ko sa baby,alam ko kase pagdating ng panahon magtatanong yun kung nasaan ang papa nya at baka hindi ako makasagot kung ganon.

at kung dumating man ang oras na mangyare yun,na hahanapin nya ang kanyang ama ay siguro ipapaintindi ko nalang sakanya ng tama hindi yung magsasabe ako ng hindi totoo dahil ayokong sa huli ang anak ko ang masasaktan.

" Mukang ang lalim ng iniisip mo huh"pagtatakang tanong nya sabay tingin sakin ng mabilis at balik tingin sa daan dahil nga nagmamaneho sya.

"Uhmm.. nag-iisip lang ako kung ano ang ipapangalan ko sa baby ko" pagsisinungaling na sagot ko sakanya dahil ayokong mag-alala pa sya ng dahil lang sakin..

"Ahh sure ka?" Tanong nya uli kaya't natawa ako saka tumango kaya bumalik na ulit ang tingin nya sa daan.mukang naniwala nga sya.

Ayoko man magsinungaling sa kanya pero may mga bagay na parang gusto mo nalang sarilihin para hindi lang sya mag-alala para sakin..

Pumikit nalang muna ako dahil gusto ko muna matulog mahaba haba pa naman yung byahe..

✨Kianna pov✨

Habang nagd-drive ako sinulyapan ko saglit si scarlett ang lalim ng iniisip nya siguro iniisip nanaman nya yung mga problema nya.kaya tinanong ko sya..

" Mukang ang lalim ng iniisip mo huh"pagtatakang tanong ko sabay tingin sakanya  ng mabilis at balik tingin sa daan dahil nga nagmamaneho  ako.

"Uhmm.. nag-iisip lang ako kung ano ang ipapangalan ko sa baby ko" sagot  nya

"Ahh sure ka?" Tanong ko ulit.ngunit tumango lang sya kaya hindi ko na sya kinulit uli.

Alam kong hindi yun ang totoong iniisip nya dahil sobrang layo ng tingin niya.
Pero hindi ko nalang pinilit pang tanungin dahil alam kung ayaw nyang pag-usapan pa yun..

Kaya ang tanging ginawa ko nalang ay magpatuloy sa pagmamaneho dahil bawal kami ma late sa flight namin..

5 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐁𝐄𝐅𝐎𝐑𝐄 𝐈 𝐋𝐄𝐓 𝐘𝐎𝐔 𝐅𝐑𝐄𝐄(𝚘𝚗 𝚐𝚘𝚒𝚗𝚐)Where stories live. Discover now