chapter 26

3 0 0
                                    

✨Scarlette ash pov✨

  Pagkatapos namin pumasok sa loob isa isa kaming nagpakilala para sa susunod na makakasalubong namin ang isa't isa ay hindi na kami maiilang.meron naman agad akong nakakasundo dahil nga kilala ko na sila.

Yung mga kasama pala ni kian na sumundo samin ay si cyrus at kevin.at itong cyrus pala ay matagal nang nanliligaw kay kianna ohh diba haba ng hair.ngayun niya lang ata sinagot yun..

kaya pala laging may kausap sa phone at sa tuwing tatanungin ko ay hindi makasagot ng maayus.pero ok lang naman sakin yun desisyun naman niya yun ehh..

Nagpaalam nako sakanila na matutulog nako dahil kanina pako inaantok nung una pa nga sabe sakin ni kian ay siya na raw maghahatid sakin sa kwarto dahil baka daw madulas pako.pero ang sabe ko kaya kona kaya pumayag nalang siya dahil  wala naman siyang magagawa makulit ako eh haha..

Pagpasok ko sa kwarto naghalf bath nalang ako dahil malamig naman ngayun yung panahon..pagkatapos kung maghalf bath dumeretso nako sa kama para magpahinga..

At dahil hindi ako makatulog dahil alas tres na nag-open ako ng acc. Ko pero pag-open ko doon  nakita kong maraming nag-add friend sakin kaya nag-accept ako ng mga kilala ko lang.
pero nahagip ko yung isang friend request sa baba si kian lang pala kaya ni
Accept ko nalang tutal kilala ko nanaman siya...

Pag-accept ko sakanya nagulat ako dahil biglang nag chat ang akala ko tulog na silang lahat pero gising pa pala siya.pag-open ko non nabasa ko ang chat niya..

'bakit dika pa natutulog madaling araw na?'... Tanong niya sa chat kaya nireplyan ko nalang dahil wala naman akong makausap ngayun..

'hindi kase ako makatulog'..reply ko sakanya

'gutom ka ba?' tanong niya.
Pero paano niya nalaman na gutom ako ehh hindi ko naman sinabe sakanya.

'ahh oo ehh hindi kase ako makatayo dito dahil madilim natatakot ako at baka madapa ako'...paliwanag ko.

Maya maya hindi na sya nag seen kaya naglog-out nalang ako dahil baka tulog na yun..matutulog na sana ako ng biglang may kumatok syempre ang ginawa ko kumapa ako sa dilim kahit na natatakot tsaka binuksan yung ilaw.

  pagbukas ko nang ilaw agad kong binuksan ang pinto at sinilip kung sino ba yung kumatok.pero laking gulat ko nang makita ko si kian na nakatayo sa harap ko at may bitbit pang pagkain.

"Ano ginagawa mo dito may kailangan ka ba?" Tanong ko sakanya.pero nginitian lang ako at biglang pumasok kusa sa kwarto ko kaya nangunot yung noo ko dahil hindi ko naman alam ang gagawin niya at tyaka lalaki pa sya nohh..

"Diba sabi mo nagugutom ka edi bumili ako sa labas para may makain ka.halika na dito baka lalo kapang magutom"..saad niya sakin ng nakangiti sabay ayos ng pagkain para kainin nalang.

Hanep..lumabas pa talaga siya para lang bumili ng makakain at pumunta pa dito..

"Wehh totoo bakit lumabas kapa diba malamig na sa labas?"takang tanong ko dahil sobrang lamig na talaga sa labas tapos lalabas pa siya para lang bumili ng makakain..

"Haha oo nga  cge na kumain kana jan"
Sabi niya sabay tawa ng mahina.kaya wala nakong nagawa kundi kumain nalang.

Pagkatapos nmin kumain niligpit nanamin yung kalat.tsaka umalis na si kian at nagpaalam muna bago umalis sinabi pa nga niya na kung may kailangan padaw ako i chat ko nalang daw sya..kaya tumango nalang ako sa sinabe niya...

Dahil inaantok na yung mata ko ay napagpasyahan ko nang matulog dahil busog nanaman.pero bago yun nagchat muna ako sakanya ng pasasalamat,saka natulog na...

'𝒂𝒏𝒅 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒘𝒆𝒏𝒕 𝒃𝒍𝒐𝒄𝒌'

5 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐁𝐄𝐅𝐎𝐑𝐄 𝐈 𝐋𝐄𝐓 𝐘𝐎𝐔 𝐅𝐑𝐄𝐄(𝚘𝚗 𝚐𝚘𝚒𝚗𝚐)Where stories live. Discover now