chapter 29

3 0 0
                                    

--ash pov--

3 yrs past..sobrang laki nang nagbago sa buhay ko simula nung dumating si ace.3 yrs old na si ace at alam kong meron na syang sariling isip pero sana wag nya naman hanapin yung totoo nyang tatay,alam na kase nyang hindi nya totoong tatay si kian kaya wag naman sana.

Dahil sinagot ko na noon si kian at sya narin ang kinilala nyang tatay simula pagkabata nya.

napakalupit nga ehh akalain mo magkabirthday pa talaga sila ng tatay nya.kung alam ko lang na yun yung araw ng paglabas ni ace sana tiniis ko nalang yung sakit sa pag labor..at talagang nakuha nya pa ang mukha ng tatay nya mula sa kinis ng balat, sa tangos ng ilong ,sa makapal na  kilay, sa sa mata nitong kulay abo.

Habang kumakain kami biglang dumating si ava.si ava ang secretary ko sya rin yung mas pinagkakatiwalaan ko sa mga bagay bagay at isa rin syang filipino katulad ko kaya mas nagkakaintindihan kami pagnag-uusap.

"Ahmm maam pinapatawag kapo ng daddy nyu sa office nya mamayang 2 pm."saad sakin ni ava kaya tumango ako para ipabatid sakanya na naunawaan ko na ang sinabi nya

agad naman umalis si ava dahil meron pa syang importanteng gagawin.

"Mommy labas po tayo please" Nakangiting saad ng anak ko.pero meron pa akong kailangan tapusin na trabaho at sobrang importante yun,alam kong malulungkot nanaman si ace dahil papasok nanaman ako sa work dahil wala akong time sakanya.ayoko man gawin ito pero kailangan ehh

"a-ahmm baby hindi mopo muna makakasama si mama dahil may importanteng pakong  gagawin...pero don't worry uuwi agad ako pagtapos nun." Nakangiting sabi ko

'𝒐𝒌'

pero kita ko ang lungkot sa mga mata nya kaya nakaramdam ako nang pagkaguilty dahil alam kong malulungkot sya kpag umalis ako.

wala nakong nagawa kundi ligpitin ang pinagkainan namin dahil nung sinabi ko yun ay bigla nalang syang umalis kahit kalahati palang ang pagkain nya.

pag-akyat ko sa taas dumeretso agad ako sa kwarto nya para kausapin sana sya ngunit pagtingin ko nakita ko syang natutulog ng mahimbing ...pero may
nahulog na luha sa mga mata nya.

naaawa man ako sa anak ko dahil hindi ko kayang ibigay yung gusto nyang oras  na kasama ako ay wala akong magawa dahil alam kong balang araw maiintindihan nya rin kung bakit ako nagsisikap na bigyan sya nang magandang buhay.

Agad ko naman itong hinalikan sa noo at sabay kinumutan ng maayos.tsaka ko napagpasyahan na lumabas upang hindi ko na sya maistorbo sa pagtulog.

'𝑃𝑎𝑛𝑔𝑎𝑘𝑜 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑤𝑖 𝑠𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑖 𝑚𝑎𝑚𝑎 '

5 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐁𝐄𝐅𝐎𝐑𝐄 𝐈 𝐋𝐄𝐓 𝐘𝐎𝐔 𝐅𝐑𝐄𝐄(𝚘𝚗 𝚐𝚘𝚒𝚗𝚐)Where stories live. Discover now