Chapter 20

1.4K 38 1
                                    

Malalim na ang gabi mahimbing narin ang tulog ni Ellieoth pero si Angelecca ay hindi mapakali sa tabi ni Ellieoth. Minsa'y tatagilid o' titihaya ito, kinakabahan kasi siya ng hindi niya alam kung saan nang-gagaling ang kaba ng kaniyang dibdib.

Bumangon siya mula sa pag kakahiga at naupo sa kama. Hindi siya dinadalaw ng antok, kaya naisipan niyang lumabas na lamang ng kanilang kwarto. Tulog naman na si Ellieoth at ayaw niya na itong gisingin dahil malalim na ang tulog nito.

Nag palit ng damit si Angelecca isang kulay dilaw na dress ang kaniyang sinuot mahaba ito hanggang sakong niya ito.

Kailangan niyang mag paantok kaya na-isipan niya mag lalakad-lakad muna sa labas.

Lumabas ng kwarto si Angelecca at nag tungo sa pool area at naupo sa gilid ng swimming pool at tinampisaw ang paa sa malamig na tubig.

Abala si Angelecca sa pag lublob ng kaniyang paa sa tubig ng may maramdaman siyang presensiya sa kaniyang likuran.

Lumingon siya roon at nakita mula sa kaniyang likuran ang isang lalaking nakatayo malapit sa kaniya.

Kilala niya ang lalaki si Diego Deogracia malamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Naka tiim ang mapula at manipis na labi ng lalaki.

Gumihit ang simpleng ngiti sa lalaki bago mag salita.

"Nag iisa yata ang magandang binibini. Pwede ba kitang samahan? Pwede ba akong tumabi sa'yo." Malumanay na sabi ng lalaki.

Hindi pa nakaka pag salita si Angelecca pero naupo na ito sa kaniyang tabi.

Napatingin si Angelecca sa hawak ni Diego, may dala itong dalawang goblet nag lalaman ito ng wine.

Inalok sa kaniya ni Diego ang isang kopeta ayaw niya sana ito tanggapin pero nahiya siya kaya kinuha niya nalang. Baka isipin ng lalaki ay maarte siya siguro naman ay wala itong lason.

Nag umpisang inumin ni Diego ang wine sa goblet pinag masdan naman ito ni Angelecca.

Gwapo si Diego perpekto ang pangahan nitong mukha ang ilong at ang labi ay napaka perpekto ng hulma.

Kahit sino sigurong babae ay mag kakagusto rito dahil napaka gwapo nito. Pero sa awra ng lalaki ay naroon ang pagiging misteryuso nito.

"Alam mo bang mag kababata at matalik na mag kaibigan kami ni Ellieoth noon. Halos sabay na kaming lumaki close na close kaming dalawa para na nga kaming mag kapatid kung tutuusin." Umpisa ni Diego.

Si Angelecca ay nakikinig lang bagaman nabigla siya sa sinabi ng lalaki pero hindi niya ito pinahalata.

"Anong nangyari ? At bakit parang mag kagalit kayo sa isat-isa." Tanong ni Angelecca sa lalaki, dahil bigla siyang na curious.

Bumaling si Diego kay Angelecca at mapait na ngumiti.

"Hindi mo na kailangan pang malaman Angelecca, ayaw ko ng maalala pa o, balikan ang masakit na pang yayaring iyon. Ang malalim na sugat na iyon ang naging dahilan kung bakit nag karoon ng lamat ang aming pag kakaibigan ni Ellieoth. May bagarin akong nagawang hindi maganda kay Ellieoth. Dahil doon ay tuluyan nasira ang pagiging mag kaibigan naming dalawa. But don't worry, lahat ng sakit na nagawa sa akin ni Ellieoth ay may kapalit at kabayaran." Seryusong wika ni Diego. Kahit may laman ang sinabi ng lalaki ay binaliwala lang ito ni Angelecca.

"Please drink your wine." Anas ni Diego.

Dahil nakaramdam ng pag kauhaw si Angelecca ay nilagok niya ang wine sa goblet.

Inubos ito ni Angelecca halos itaktak niya pa nga ito sa kaniyang bibig pakiramdam niya ay na tuyo ang kaniyang lalamunan.

Gumuhit ang kakaibang ngiti sa labi ni Diego habang nakatitig kay Angelecca.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Where stories live. Discover now