Chapter 4

2.9K 84 0
                                    


"Tang**na niyo napaka supportive niyong mga kaibigan."  Inis na sambit ni Ellieoth naririto muli sila sa gilid ng swimming pool naka upo habang ang paa ay naka tampisaw sa pool.

Kanina pa siya ina-alaska ng mga kaibigan niya.

"Masakit ba sa puson pare?" Natatawang tanong ni Kole.

"Damn you! Kung tadyakan kaya kita ngayon." Singhal niya sa kaniyang kaibigan.

"Hay naku Kole tantanan mo nga si Ellie, bad trip pa yan alam mo na nabitin kagabi." Dagdag pa ni Luke at tumawa ng malakas.

Malayo palang si Tyron ay naka busangot na ang mukha nito halatang hindi maganda ang gising.

Umupo ito sa tabi ni Ellieoth.

"Bakit ganiyan ang mukha mo para kang natataeng iwan?" Litaniya ni Ellieoth.

"Mga siraulo kasi yang mga kaibigan natin. Langya nandun na e, na bitin pa ako." Saad ni Tyron at masamang tinitigan si Kole, Ed at Luke

Wala pa si Styles dahil natutulog pa ito kasama ni Eve pero si Ella at Angelecca ay nag hahanda ng mga pagkain upang makapag almusal na sila.

Umusog si Tyron upang bumulong kay Ellieot , ngumisi naman si Ellie dahil sa sinabi ng kaibigan.

Sabay tumayo ang dalawa at nag lakad patungo sa likuran ng mga kaibigan, at bigla nilang dalawa tinulak ang tatlo sa pool.

"Pucha! Ang lamig!" Sigaw ni Luke at nag mamadaling lumangoy upang umahon.

"Yawa kayong dalawa, balak niyo ba kaming gawing yelo ang aga-aga pa kaya ang lamig ng tubig." Bulyaw ni Kole at ngumuso.

"Bagay lang yan sainyo mga panira ng gabi!" Sabay bigkas ng dalawa.

"Guys, tama nayan kakain na." Mahinang tawag ni Angelecca sa mga lalaki.

Habang masaya kumakain ang lahat ay biglang nakaramdam ng pag kahilo si Ecca bahgyang sumakit rin ang ulo ng babae kaya napahawak ito sa kanyang ulo.

"Hey! What's wrong are you okay?"

Nag aalalang tanong ni Ellieoth sa asawa at sabay hawak sa kamay nito.

"Yes, siguro ay napagod lang ako." Baliwalang sagot ni Ecca at ngumiti sa asawa.

Muli siyang kumain pero si Ellieoth ay nanatiling  nakatitig sa kanya.

Kinahapunan ay nag paalam na ang mag kakaibigan upang umuwi sa kani-kanilang mansion.

Nasa kotse na si Ellieoth kasama si Ecca at ang kanilang mga anak .

Abala sa pag mamaneho si Ellieoth si Ecca naman ay nasa backseat katabi ang apat na anak.

Tulog na tulog si Angelecca pero ang mga anak nila ay gising at ang iingay mg mga ito. Panakanakang tumitingin si Ellieoth sa reviewer mirror parang silipin ang asawa.

Hanggang sa makarating sila sa mansion alas otso ng gabi ay tulog parin si Ecca. Ginising ito ni Ellieoth dahil ilang oras nadin itong tulog.

"Sweetie wake up!" Bigkas ng lalaki at marahang inuga si Angelecca silang dalawa nalang natira sa sasakyan dahil bumaba na ang mga paslit.

"Uhmm," ungol ni Ecca at unti-unting nag mulat ng kanyang mata.

"You look pale, are you sure your okay?" Nangangambang turan ni Ellieoth.

"Yeah, sweetie ilang araw din kasi ako na puyat dahil marami akong trabahong ginawa sa kompaniya." Wika ni Angelecca pero ang totoo ay napagod at napuyat siya sa araw-araw na kasusunod niya sa kanyang asawa.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon