Chapter 8

1.8K 48 2
                                    

"Good morning!"

Nakangiting bati ni Dianna ng makapasok sa dining area si Ellieoth. Naka suot na ito ng pang opisina  naka kunot ang noo ni Ellieoth at napatingin sa mahabang kabesera marami na ang pagkain ang naka handa roon.

"Mia!"

Tawag ni Ellieoth sa babaeng mayordoma. Patakbong lumabas sa kitchen si Mia at lumapit kay Ellieoth.

"Ano po iyon sir Ellieoth?" Tanong ni Mia sa amo.

"Sino ang nag handa lahat ng pagkain na ito." Sabay turo ni Ellieoth sa kabesera.

"Siya po sir nag pupumilit kasi, gusto yatang mag pasikat." Nakasimangot na sabi ni Mia habang nakatitig kay Dianna.

"Hindi mo naman kailangan gawin ito Dianna may mga katulong kami rito." Sambit ni Ellieoth.

"Kailangan Ellieoth hindi naman pwedeng naka hilata lang ako sa kuwarto at saka nakakahiya sa asawa mo."

Nakayukong saad ni Dianna.

"Tsk, Fine gawin mo kung ano gusto mong gawin."

Inis na sabi ni Ellieoth at akmang tatalikod na para lumabas ng pinto.

"Ah, hindi kaba kakain man lang or inumin ang kapeng itinimpla ko para sa'yo." Wika ni Dianna.

"No, luto lang ng asawa ko ang gusto kong kainin at isa pa hindi ako umiinom kape na hindi si Angelecca ang nag timpla."

Pag kasabi ni Ellieoth ay tuluyan na siyang lumabas ng bulwagan.

"Yan kasi masyadong pabida, kahit anong gawin mo hindi mo matatapatan si Ma'am Angelecca nag iisa lang kasi siya. At pwede ba wag kang mag ambisyon na makuha si sir Ellieoth dahil kay ma'am Angelecca lang umiikot ang mundo niya."

Pang uuyam ni Mia sa babae. Matalim naman siyang tiningnan ni Dianna.

"Oo nga pala kung ako sa'yo kainin mo lahat ng niluto mo kasi kahit ang mga bata hindi kakain niyan." Usal muli ni Mia at muling bumalik sa kusina.

"B**llshit!"

Mariin na mura ni Dianna at bahagyang sinipa ang silyang nasa harapan niya.

Muling bumalik si Ellieoth sa kuwarto nila sakto naman kakalabas lang ng cr ni Angelecca buti nalang ay gising na ito.

Nakatapis lang si Angelecca ng puting tuwalya at nag tuloy-tuloy sa pag lalakad habang pinupunsan ang basang buhok naka yuko ito kaya hindi niya napansin ang pag pasok ni Ellieoth.

Naupo si Ellieoth sa kama at pinag masdan ang galaw ng asawa.

Binuksan ni Angelecca ang closet at kumuha ng panty at bra.

Tinanggal niya ang tapis sa kanyang katawan at hinayaang bumagsak ang puting tuwalya sa sahig.

Lumapad ang pag kakangiti ni Ellieoth dahil sa kanyang nakita, para sa kanya ito yata ang pinaka masarap na almusal na nakita niya.

"Damn it ang sexy niya talaga ! maganda na mabait pa." Mahinang usal ni Ellieoth.

Tumayo siya sa pag kakaupo sa kama at nag lakad papunta sa asawa.

Nakatalikod ang babae at pumipili ng damit na kaniyang isusuot. Isang kulay blue over all jumpsuit ang suot niya.

Hirap naman si Angelecca abutin ang zipper sa kaniyang likuran agad naman sumulpot si Ellieot at biglang siyang hinayakap sa baywang mula sa kaniyang likuran.

Napasinghap si Angelecca dahil sa gulat.

"Sweetie ano ba, aatakihin ako sa puso dahil sa ginagawa mo." Saway niya sa kanyang asawa at humarap sa lalaki.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Where stories live. Discover now