Chapter 7

2.1K 56 0
                                    

Pinag mamasdan ni Ellieoth ang kanyang asawa habang nag aayos ito sa harap ng salamin.

Ngayong sabado ng gabi ang okasiyon dahil ika-30th aniversary ng kompaniya nila Angelecca. Sa White cosmetics company lang gaganapin selibrasyon.

Dahil backless na dress ang suot ni Angelecca ay litaw ang maputi at makinis nitong likod. Kumunot ang noo ni Ellieoth dahil sa pasang nakita nito banda sa likod ng balikat ni Angelecca medyo may kalakihan ito.

Mula sa pag kaka-upo sa kama ay tumayo si Ellieoth at nag lalakad papalapit sa likuran ni Angelecca.

"Anong nangyari dito?" Tanong ni Ellieoth at sabay haplos kung nasaan ang pasa ni Angelecca. Hindi maiwasan mag alala ng lalaki.

"Ang alin?" Takang tanong ni Angelecca maski siya ay hindi alam na may-roon siyang pasa sa kanyang likod.

"Ito, saan mo nakuha ang pasang ito?" Seryusong tanong ni Ellieoth sa asawa.

Agad naman pumihit si Angelecca upang tingnan ang kaniyang likod sa salamin.

"Ah, yan ba naku nauntog kasi yung likod ko noong isang araw. Tumulong kasi ako sa pag lilinis doon sa pabrika." Alibi ni Angelecca at sabay kagat sa pang ibabang labi niya, alam niya naman kasi kung bakit siya nag kakaroon ng pasa dala ito ng sakit niya.

"Bakit kailangan mo pang tumulong may mga tauhan kana man at isa pa hindi ba sinabi ko na sa'yo na huwag mo na ipa-renovate ang pabrikang iyon, dahil dilikado na yun. Doon niyo nalang ilipat ang pagawaan sa dating pabrika namin." Kastigo ni Ellieoth asawa.

Matigas kasi ang ulo ni Angelecca l, ilang beses na siya sinabihan ni Ellieoth na huwag na babalik sa nasunog na pabrika. Nagalit din ang lalaki noong madaling araw na umalis siya na hindi nag papaalam labis nag- alala ang lalaki sa kanya.

"Sorry sweetie, sige hindi ko nalang ipapaayos ang pabrika." Malumanay na wika ni Angelecca.

"Next time mag iingat ka Angelecca, akin na nga ang concealer mo. Baka isipin ni papa binubogbog kita."

Sambit ni Ellieoth ang tinutukoy ng lalaki ay ang ama ni Angelecca.

Inabot naman ni Angelecca ang hinihingi ng asawa dahan-dahan nilagyan ni Ellieoth ang pasa ni Angelecca upang matakpan ito. "Masakit ba ?" Malamyos na turan nito.

"Hindi naman." Sagot ni Angelecca.

Nang matapos lagyan ni Ellieoth ang pasa ni Angelecca ay umuklo ito para patakan ng isang masuyong halik ang balikat ni Angelecca.

"I love you Angelecca!" Bulong ng lalaki sa tainga niya. Napangiti si Angelecca ang sarap pakingan ang salitang iyon parang itong isang musika sa kaniyang pandinig.

"I love you most Ellieoth!" Ganti ni Angelecca at hinaplos ang pisngi nito.

"Ahem!"

Natigil ang dalawa sa pag titigan nang may marinig silang tumikhim .

Sabay silang bumaling sa pinto ng kuwarto nila. Nakatayo mula roon si Ella at napaka sexy nito sa suot na green satin dress na hapit sa katawan nito.

"Hmm,, mamaya na kayo mag round one. Kailangan na natin mag punta sa kompaniya naroon na si papa, nag uumpisa na ang party."/Naka ngising turan ni Ella.

Agad naman nag init ang buong mukha ni Angelecca ano ba itong kapatid niya bigla-bigla nalang sumusulpot at bakit ba naririto ito.

"At bakit ka naman naririto? At uso din po ang kumatok ate!" Badtrip na saad ni Angelecca sa nakababatang kapatid. Parang noon lang na dalaga pa sila lagi itong sumusulpot sa kung saan para lang alaskahin siya kay Ellieoth lalo na kapag nahuhuli silang dalawa ni Ellieoth na nag hahalikan.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon