Chapter 17

1.5K 52 1
                                    

"What! paanong nakatakas ?"

Bulalas ni Ellieoth, kausap nito ngayon si Styles sa kabilang linya.

Nakatakas kasi si Voss sa kulungan kagabi.

Napahilot si Ellieoth sa kanyang sintido, paano kung manggulo ang lalaking iyon.  Nalaman rin kasi nila Ellieoth na si Voss ang may pakana ng pag kaka-aksidente ni Angelecca.

Dahil sa inis ni Ellieoth ay malakas niyang ibinato ang cellphone nito sa marmol na sahig.

Agad lumabas ang lalaki sa opisina, plano niyang puntahan ang kanyang asawa. Kailangan niyang masiguro ang kaligtasan ng babae. Hindi malabong balikan ni Voss si Angelecca.

Malaki ang galit ni Voss para kay Angelecca kaya kailangan niyang bantayan ang siguridad ng babae.

Pinakansela lahat ni Ellieoth ang lahat ng appointments at meetings niya sa kaniyang secretary na lalaki.

Nagtungo si Ellieoth sa WC company, sa elevator ay nakasabay niya ang secretary ni Gray na si Krista.

Seryuso lang ang mukha ni Ellieoth at deretsong nakatingin sa pasarang pinto ng elevator.

"Ang init."

Mahinang usal ng babae at tinanggal ang ilang butones ng suot nitong red long sleeve blouse.

Hindi tuloy maiwasan makita ang malaking dibdib ng babae. Hindi naman ito nakawala sa maningin ni Ellieoth. Mag katabi lang sila ng babae at halos idikit ng babae ang balat nito kay Ellieoth.

Alam ni Ellieoth kung ano ang gusto ng babae sa dami ng nakarelasyon niya ay alam niya na ang galawan ng mga babaeng katulad nitong nasa tabi niya.

"Kung gusto mong tumagal sa kompaniyang ito ayusin mo yang damit mo Ms.Garcia." Seryusong wika ng Ellieoth.  "Kung sa palagay mo ay papatulan kita dahil sa pang aakit mo sa akin ay nag kakamali ka. Para sa akin ang asawa ko lang ang kaakit-akit sa aking paningin. "

Dagdag pa ni Ellieoth, matalim na tingin ang pinukol ni Ellieoth sa babae.

Yung babae naman ay bahagyang lumayo kay Ellieoth. Napayuko ito hiyang-hiya ito sa kanyang ginawa.

Nang makarating siya sa palapag ng opisina ni Angelecca ay agad ito lumabas ng elevator.

Sinalubong siya ng bagong secretary ni Angelecca at binati.

"Magandang umaga po sir Ellieoth, si ma'am Angelecca po ay naroon sa conference room."  Wika ng dalaga.

Tumango lang si Ellieoth at tumuloy sa pag lalakad.

Nasa tapat na siya ng pinto ng conference room  at dahil gawa sa salamin ang pinto ay kita niya ang tao sa loob.

Mula sa kaniyang kinatatayuan ay natanaw niya si Angelecca. Kung paano ito makipag kwentuhan sa mga employment. Nakikipag tawanan pa ito sa mga impleyado habang kumakain ng pizza.

Mukhang nag pakain na naman ang kaniyang asawa. Ganito ito noon sa mga impleyado, masyado ito mabait at mapag bigay.

Tinulak niya papasok ang glass door kaya lahat ay napalingon sa gawi ni Ellieoth kasama na roon si Angelecca.

Matamis siyang ngumiti sa babae at nag lakad papalapit rito.

"Sweetie, you are here ?"

Sambit ni Angelecca,nag tataka lang ang babae kung bakit ang aga ng lalaki nag punta rito sa komoaniya. Hindi pa naman tanghalian tumingin siya sa kaniyang wrist watch 9:30 am palang naman.

"May problema ba, sweetie ?"

Hindi mawala sa mukha ni Angelecca ang mag alala. Bakas kasi sa mukha ng lalaki na parang may bumabagabag sa kalooban nito.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Where stories live. Discover now