Chapter 28

6.5K 92 33
                                    

******'WARNING**** RATED SPG!!





Tatlong araw bago ang King's Fair......





Naglilinis si Nanay Zheny ng bahay ng may nagdoorbell.





"Sandali lang," sigaw nito mula sa hagdanan habang pababa ito para buksan ang pinto.





Pagbukas niya ay laking gulat niya ng makita ang manugang.



"Oh Xian, napadalaw ka. Kasama mo ba si Kim," gulat na sabi nito.





"Magandang hapon po Nay Zheny," bati ni Xian at saka ito nagmano sa kanya, "ah hindi po ako lang po magisa."





"Ah ganoon ba, halika pasok ka sa loob, maupo ka at magmeryenda ka muna. Pauwi na din si Chen," yaya nito.





"Salamat po Nay," sagot naman ni Xian.





"Ano nga pala pinunta mo dito? May problema ba?" nagaalalang tanong ni Nanay Zheny. First time kasi ni Xian na magpunta sa bahay nila. Although ilang beses na din sila nakapagdinner eh lagi naman kasi sila nagpupunta sa isang restaurant.





"Wala po Nay, galing po kasi ako kina Mr. Sapno who lives just a few blocks away from you po kaya I decided to give you po a visit. And to remind you po sa upcoming King's Fair. Yung naikwento po namin sa inyo ni Kim. Sa Saturday na po iyon."





"Oo nga noh, buti napaalala mo ang tungkol sa Fair. Siyempre pupunta kaming maganak makakatanggi pa ba naman kami sa inyo ni Kim," sabi ni Nanay Zheny.





"Ohh sandali lang ahh, make yourself at home, maghahanda lang ako ng meryenda natin." paalam ni Nanay Zheny kay Xian at saka naglakad na ito papuntang kitchen.



"Sige po Nay, Salamat," sabi naman ni Xian.





Habang nakaupo si Xian ay hindi niya mapigilan ang magmasid sa sala. Sari sari pictures nilang maganak ang nakasabit. Meron din silang isang cabinet na puno ng mga trophies, medals at Certificates.





Napatayo si Xian at tinignan niya ang isang table sa may hallway na madaming nakalagay na picture frames. Mga family pictures nila, from nung maliliit sila hanggang sa graduation ni Kim at Enchong. Ang dami ring mga pictures nilang magkuya at meron din pictures nung mga baby pa sila.





Nakaagaw pansin naman kay Xian ang kacutan ng asawa niya ng baby pa ito - singkit, chubby at ang mga ngiti nito sa litrato na wagas. Sa isip-isip niya 'Magiging kamukha kaya ni Kim ang mga anak namin. Siguro baka mix....'





"O Xian halika meryenda muna," tawag naman ni Nanay Zheny sa kanya. Nilapag muna ni Nanay Zheny ang tray na lamang pagkain saka lumapit kay Xian.







"Ang cute ni Kim noh," sabi ni Nanay Zheny sa kanya ng makita niya na hawak hawak nito ang picture ni Kim.







"Oo nga po eh, pasensiya na po nagulo ko po yung ayos niyo dito," sabi naman ni Xian.





"Naku Xian wag kang magpasensiya, ayos lang yan. Hindi ka naman nagmamadali di ba? Halika madami pa kaming mga albums diyan ipapakita ko sa iyo habang inaantay natin ang Tatay Chen niyo." Yaya naman ni Nanay Zheny.





Malugod naman na pinaunlakan iyon ni Xian. Habang nagmemeryenda sila pinakita ni Nanay Zheny ang mga pictures ni Kim. Ang bawat kwento sa likod ng mga litrato. Tuwang tuwa naman si Xian sa mga nadidiscover niya tungkol sa asawa.





"At itong picture na ito, eto yung nagaway silang magkapatid dahil sa chocolate crinkles na binigay ng Tatay nila. Talagang hinabol ni Kim ang kuya niya dahil sa pangaasar nito. Nakakatuwa nga silang tignan eh, kaso napikon na ng sobra si Kim kaya ayun umiyak ng umiyak at nagwala dahil inubos ng kuya niya etong mga chocolate crinkles na ito. Kaya napalo namin si Enchong ng gabing iyon. And from then on, we always make sure na dalawang box ang binibili namin. Mahirap na mamaya magwala pa uli itong si Kimmy" pagkwekwento ni Nanay Zheny.





Aliw na aliw at tawa ng tawa si Xian sa mga kwento ng biyenan. Hindi ito naubusan ng mga kwento. Madami tuloy itong nalaman patungkol sa asawa. Maliban sa kinababaliwan nito ang chocolate crinkles, mahilig din itong magshopping at sobra itong close sa mga magulang niya. Mahilig din ito sumali sa iba't ibang nga academic competition sa school maski mapaintenschool at lagi itong nanalo.







Di katagalan ay dumating na din si Tatay Chen. Nagkwentuhan sila ni Xian ng kaunti. Pagkatapos nuon ay sinabi niya ba ang patungkol sa King's Fair.





"Nay, Tay duon na lang din po kayo magstay sa palasyo hanggang pasko. Tutal naman po a day after ng King's Fair po iyon. Para hindi na rin ho kayo mahirapan pa na bumiyahe sa gabi at magmadali. Alam ko pong matutuwa din si Kim na makasama po kayo sa pasko dahil kauna unahang pasko niya po ito na malayo sa kinalakihan niya," imbitasyon ni Xian sa mga in-laws niya.







"Eh makakatanggi pa ba kami niyan sa napakabait naming manugang. Sige sige iho, pupunta kami. Sigurado ngang matutuwa si Kim pagnagkataon. Magiging masayang pasko din ito dahil nadagdagan na ang aming pamilya." sabi ni Tatay Chen.







Ilang sandali pa ng kwentuhan at pagkatapos ng dinner ay nagpaalam na din si Xian. Duon na siya naghapunan dahil ng tumawag si Xian kay manong Murdock ipagpaalam daw sa kanya pagtumawag o umuwi ito na nagyaya ng dinner ang mga faculty members ng St. Nicholas Academy parang isang impromptu Christmas Party at di naman makatanggi si Kim. Maaga naman daw ito uuwi..





"Maraming salamat Xian sa pagdalaw ha, at sana nagenjoy ka sa hapunan at sa meryenda," Sabi ni Nanay Zheny ng inihahatid na nila si Xian patungo sa sasakyan nito.





"Naku Nay Zheny baka mapadalas ho ang dalaw ko dito sa inyo. Eh ang sarap ba naman ng ng luto niyo eh," sabi ni Xian kay nanay Zheny.







"Ay okay lang kahit araw arawin mo ang pagdalaw dito sa amin iho. Ayos lang sa amin. Oh etong chocolate crinkles ha paki bigay na lang kay Kimmy," sabi naman ni Nanay Zheny at saka inabot ang isang box.







"Maraming salamat po uli," saka bumeso si Xian kay Nay Zheny at kinamayan si Tatay Chen.



"Drive safely iho," pahabol ni tatay Chen.





Tinanaw nila si Xian hanggang sa makaalis ito.



"Nakakatuwa naman si Xian, Chen. He made an effort para makapunta dito at imbitahin tayo. Pati na sa pasko at talagang inaalala niya si Kim. Alam kong matutuwa at masosorpresa si Kim nito,"sabi ni Nanay Zheny ng makapasok na sila.







"Hindi talaga tayo nagkamali ng pinayagan natin si Kim na makasal sa kanya. Maayos ang pagpapalaki ng mahal na hari at reyna kay Xian. A person with such a character is very rare. Kaya maswerte si Kim sa kanya." sabi naman ni Tatay Chen. "Alam ko din na he's making an effort para kay Kim. Hindi magtatagal magiging lolo at lola na tayo." natatawang dagdag pa ni tatay Chen.







--------

Nagdrive lang magisa si Xian pauwi sa palasyo. Hindi kasi siya nagpadrive nung araw na iyon kay Manong Ryan. Masaya siya dahil sobrang hospitable ng mga in-laws niya. Getting to know them more was such a pleasure. Papasok na siya ng palasyo ng makita siya nagdrive-in sa driveway si Kim kaya inantay niya na lang ito.



"Hi Mimay, how was the party?" bumeso si Xian sa kanya at saka kinamusta siya.



"It was good, it was good to see some of my old colleagues. Ikaw kamusta ang araw mo? pasensiya ka na if I didn't call you. Baka kasi nasa meeting ka or something so I just told manang and Manong," sabi naman ni Kim.



"It's fine," sabi ni Xian at saka nagsimula na sila maglakad papasok sa palasyo. "I went to your house, after the meeting they invited me na din for dinner. I called manong sana so that he can dropped u off sa bahay niyo and thats when he told me na nagpunta ka sa impromptu Christmas dinner niyo."



"Ay ganun ba, sayang naman. Miss ko na rin sila Nanay at Tatay at si Kuya," medyo nalulungkot na sabi ni Kim, "Wait did u drive today?" dagdag na tanong ni Kim ng mapansin ang pinaglalaruan na Car keys ni Xian sa isang kamay niya.





"Haha yep i drove today. Parang gulat na gulat ka naman ata. And by the way may pinapadala si Nanay para sa iyo daw, so wag ka nang malungkot kung di ka nakasama kanina," sabi ni Xian at saka inabot sa kanya ang box.



"Its just na you told me before na bihira ka lang magdrive. So I was surprised." sagot naman ni Kim at saka binaling ang atensiyon sa inabot na box ni Xian. Nanlaki ang mga mata ni Kim ng makita ang nasa loob ng box. "CHOCOLATE CRINKLES!!" Bulalas nito.





"Sabi ni Nanay Zheny, your crazy about them. Halatang halata nga," natatawang sabi naman ni Xian.







"These are delicious!!! hmmmmm...." sabi ni Kim nang sumubo siya ng isa. "You want one?" tanong naman ni Kim kay Xian.







"Sure," sagot naman nito.





Nang akmang kukuha na sana si Xian. "Ooops hep hep hep, isa lang ha," babala nito sa asawa.





"Oo isa nga lang," natatawang sagot ni Xian sa asawa.





--------------------------------------





"Nay, Tay, Kuya!! Ano pong ginagawa niyo dito di ba bukas pa yung King's Fair? At saka ano yang mga dala niyo?" Sigaw ni Kim ng makita silang pumapasok sa palasyo Kasama nila si Xian na tumutulong sa pagbubuhat ng mga dala nila.







Nang maikwento kasi ni Xian sa mga magulang niya ang paginvite sa parents at kuya ni Kim to spend Christmas sa kanila after the King's Fair ay sinuggest ng Hari na why not until New Year na lang din. Kaya halos two weeks na din silang magstay sa Palasyo. Tuwang tuwa naman ang pamilya Chiu na iaccept ang offer na iyon. Tutal naman din wala silang mga trabaho o pasok till after New Year.







"Surprise Mimay! They'll be spending Christmas and New Year with us. Sabi din kasi ni Mama and Papa they can stay here with us para din makasama mo sila," sabi ni Xian habang tumutulong na ipasok ang iba sa kanilang mga dala.







Walang kaalam alam si Kim na they'll be spending Christmas and New Year here. Kaya naman litong lito ito ng makita ang mga magulang niya at ang mga gamit nila.





"Ahh ganoon ba, wala man lang nabanggit sa akin si Xian patungkol dito," gulong gulo pa ring sabi ni Kim.





"Kaya nga surprise di ba Mimay?" sabi naman ni Enchong.



"Oo nga anak, halika nga dito namiss ka namin,"sabi ni Nanay Zheny kay Kim saka niyakap ito.



"Namiss ko din kayo Nay," sabi naman ni Kim at saka gumanti ng yakap.



Natuwa naman si Xian ng makita kung gaano kasaya si Kim na makasama ang pamilya niya. Hindi niya mapigilan ang mangiti nang makita niya ang yakap ni Kim sa ina nito.



"Manong paki akyat na nga po ito sa mga kwarto nila," utos ni Xian sa isa sa mga staff nila sa palasyo nang makita ito.





"Tara Kim, ipakita muna natin sa kanila ang mga kwarto nila," yaya ni Xian sa kanila. At saka umakyat na sila para ipakita ang mga rooms nila.



-----------------------------

Nang maipakita sa kanila ang mga kwarto nila ay sinamahan muna ni Kim ang nanay niya sa kwarto para makipagkwentuhan. Niyaya kasi ni Xian si Enchong at si Tatay Chen para ipakita ang ibat ibang makikita sa may palasyo at para naman din daw makapagbonding silang magina.





"Anak kamusta naman kayo ni Xian? Kita ko mas malapit na kayo ngayon sa isa't isa compared nung last time na nakita ko kayo magkasama. Nung birthday ko pa ata iyon na medyo nagakakailangan pa kayo," bungad na sabi ni Nanay Zheny.





"Ayos naman po kami nanay, at yun okay naman kami," sabi ni Kim na medyo napapangiti sa nanay niya.





"May nangyari na ba anak?" walang palugay lugay na tanong ni Zheny sa anak.



"Ho? Nay?!" nagmamaang maangan na tanong ni Kim.



"Hay naku Kimberly parang di mo alam ang tinutukoy ko...Naibigay mo na ba sa kanya ang hiningi niya sa iyo?" tanong uli ni Nanay Zheny. Naikwento kasi ni Kim sa kanya ang patungkol sa pagtanong sa kanya ni Xian at ang pagsabi nito na magiintay siya.



****FLASHBACK*****



"Anak, alam mo bihira ang lalaking katulad ni Xian. Nirerespeto ka niya at willing siyang magnatay na ibigay mo ang sarili mo sa kanya. Pero anak sa mahigit na 6 months niyo nang magasawa this is his first time to ask you that. Don't you think its about time na you give it a go anak. Nakikita ko naman ang pagkasincere ni Xian. " Sabi ni Zheny sa anak ng ikwento niya ito



*****END OF FLASHBACK*****



Marahan na tumango si Kim bilang sagot sa Ina. Naexcite naman masyado si Nanay Zheny na parang teenager na kinikilig.



"ANAK!! So paano nangyari?" kinikilig na tanong ni Nanay Zheny.



"Nay?!! anong paano nangyari? Eh di kung paano din yung sa inyo ni Tatay," sagot naman ni Kim sa Ina.



"Ano ka ba anak hindi iyon ang ibig kong sabihin. I mean Inaapproach ka ba ni Xian uli tapos pumayag ka na or what?" seryosong tanong naman ni Zheny.



Kinuwento naman ni Kim kung paano niya napagisip isip na ito na ang time para ibigay niya kay Xian ang sarili. Kinuwento niya ang paglabas nila pati na rin ang mga napagkwentuhan nila, Hindi naman masyado nahihiya si Kim na magkwento sa ina dahil ever since nanay niya na ang pinagsasabihan niya ng lahat lahat. Ang pinakamatalik niyang kaibigan.



"Anak naman, bakit naman nakashorts at Baggy Tshirt ka lang. Kimberly naman dapat kahit paano maging attractive kang tignan sa asawa mo. Hay alam mo ba I have somthing here for you. Alam mo ba pagkatapos mo ikasal i bought this. I knew one day kasi darating ang araw na ito." sabi ni Nanay Zheny at saka inabot sa kanya ang isang paper bag.



Nagulat si Kim ng buksan niya ang laman ng paperbag. Bumulaga sa kanya ang isang pink Lingirie na see through. Isang confuse na tingin naman ang binigay ni Kim sa ina.



"NAY!!! ano ito? ipapasuot niyo sa akin ito?" nagtatakang sabi ni Kim.





"Anak dapat ganyan ang sinuot mo nuon hindi shorts at Tshirt lamang. Ganyan ang mga sinusuot pagnaghohoneymoon anak," sabi ni Zheny sa kanya.





"Yieee Nay!! nakakahiya naman at saka baka mapulmunya pa ako pagsinuot ko to. Nakakahiya naman kay Xian." katwiran ni Kim.





"Hay naku anak, paniwalaan mo ang nanay. Hindi nakakahiya yan. Para naman ganahan pa si Xian." biro naman nito.



"Ehhhh si nanay talaga," suko na lang ni Kim sa ina.





-----------------

Sama sama silang nagearly dinner sa dining Hall. Maaga kasi ang start ng King's Fair kinabukasan kaya para na din maaga sila makapagpahinga. Nasa kwarto na din ang magasawang Kim at Xian. Kalalabas lang ni Kim mula sa bathroom. Nakarobe ito at sa ilalim nito ay ang kanyang nightgown at ang binigay sa kanya ng kanyang Ina kanina.





"Xian, maraming salamat sa pagiimbita kina Tatay ahh," sabi ni Kim kay Xian ng pumupuwesto na ito upang mahiga sa side niya.





"Walang anuman yun Kim. Masaya ako na masaya ka sa sorpresa namin." sabi ni Xian.



"Sobrang saya! Nakakamiss din kasi yung.mga kakulitan nila eh. Saka yung mga panunukso nila," sabi naman ni Kim.



"Salamat talaga Xi," dagdag pa ni Kim at saka hahalikan niya sana ito sa pisngi ng biglang lumingon si Xian at magtama ang mga labi nila.





Ang isang dampi ng halik ay biglang napalitan ng mararahan na halik na pinagsaluhan nilang dalawa hanggang sa lumalim ito ng lumalim. Ang mga kamay naman ni Xian ay malilikot na unti unting tinanggal ang robe na suot ni Kim pati na rin ang night gown nito. At tinanggal na rin nito pati na ang mga suot niya.



Napangiti naman si Xian ng makita ang suot ni Kim na panloob. Napansin naman iyon ni Kim at biglang namula ang mga pisngi niya.



"Xian nahihiya ako......"sabi ni Kim.



"Please Don't be Mimay....." sabi nito at saka sinakop muli ng mga labi niya ang labi nito. At unti unti. niyo binaba ang mga halik niya hanggang sa marating ang hinahanap nito.



Saka marahang itong umibabaw kay Kim at silang dalawa ay naging isa. At Sa buong gabing iyon tanging mga tunog mula sa kanilang pagiisa ang maririnig.







************************************"***********

SO ANO PONG MASASABI NIYO SA.CHAPTER NA ITO???? ABANGAN SA MGA SUSUNOD NA KABANATA ANG MANGYAYARI SA MAGASAWA.....TULOY TULOY NA BA KAYA ANG MAGANDANG SAMAHAN NILA???







Sana nagustuhan niyo po ang chapter na ito. At sana kinilig din po kayo ng todo katulad ng pagkakilig ko nung sinusulat ko po ito. Thank you sa lahat ng suporta niyo.



inspirasyon ko kayong lahat ng mga KimXis please comment po, suggest or magSONA po kayo i appreciate all of them po.....Maraming Salamat po...



Please vote, and comment po :)



PLEASE FOLLOW ME ALSO FOR KIMXI KABALIWAGAN AND MORE UPDATES ON TWITTER @MsDIXi2330



-----Dianne--- :)

The Princess (KimXi Fan-Fiction) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon