Chapter 27

5.9K 95 28
                                    

Pagkadilat ni Kim ng mga mata niya, naalala niya ang mga nangyari kagabi. Hindi nga panaginip ang mga iyon totoo yun. Wala siya sa kama niya at nasa kwarto siya ni Xian. Nakiramdam muna siya sa katabi bago dahan dahan na umikot para tignan kung nanduon pa ang asawa pero wala na ito. Isang note ang naiwan sa may unan nito.

'Good Morning Mimay, pasensiya ka na at di na kita nagising nung umalis ako. I hate to get out of bed lalo na kung ikaw ang una kong masisilayan sa umaga, kaso I have an early meeting na hindi ko pwede ipareschedule. I'll see you for dinner tonight take care :)' laman ng sulat na iniwan ni Xian.

Napangiti naman si Kim sa sulat na iyon ng asawa. Isang maiinit na gabi ang pinagsaluhan nila. Mabilis na nangyari ang lahat at nangako naman si Xian na hindi niya sasabihin ang mga salitang 'mahal kita' sa kanya hanggat hindi pa ito buong buo.

------------

Alasingko ng umaga ng magising si Xian. Napangiti siya ng masilayan si Kim na tulog na tulog sa tabi niya na nakasiksik sa kanya. Isang marahang halik ang binigay nito sa noo niya at saka binulong, "Salamat Kim, pangako sa araw na sabihin kong mahal kita buong buo na muli ang puso ko na ibibigay sa iyo."

Tumayo na siya sa kama ng dahan dahan para magprepare na para sa meeting niya with the council ngayong araw na ito. Mga 2 hours drive kasi iyon at 9 am ang start kaya kailangan niyang maaga magising. Para namang hinihila ang mga paa niya mula sa kama, dahil kung pwede lang gusto niya pang tabihan si Kim. Kaso nga lang hindi na pwede ipareschedule ang meeting na iyon.

Nang matapos si Xian maghanda ay sumulat siya ng note na iiwan niya kay Kim. Ayaw niya naman kasing isipin nito na after ng mangyari sa kanila kagabi ay gigising ito ng wala na sa tabi niya. Hindi ito isang 'One-Night-Stand' lamang. Mamayang gabi din kasi paguwi niya, tatanungin niya si Kim na lumipat na ng kwarto kasama niya at sa bed na nito matutulog gabi gabi.

Sinilayan niya uli ang tulog na tulog na si Kim bago lumabas ng kwarto. Tulog pa din sina Manong Murdock at Manang Julie pagkaalis niya kaya nagiwan din ito ng note para sa kanila.

---------

"Mahal," tawag ni Julie sa asawa nitong si Murdock, "Tignan mo tong note na iniwan ni Alexander."

Lumapit m si Murdock sa asawa para tignan ang tinutukoy nito.

'Good morning Manong Murdock at Manang Julie. Maaga po ako ngayong aalis para sa meeting ko. Nasa kwarto ko po natutulog si Kim manang, hayaan niyo po muna siya magpahinga." sabi ni Xian.

Nagtinginan ang dalawa at saka napangiti.

"Mahal, tignan mo nga itong dalawang ito. Sa tingin mo ito na kaya ang simula," nakangiti at kinikilig na sabi ni Manang Julie sa asawa.

"Siguro mahal, these past few days nakikita ko na nagkakamabutihan na ang magasawa," sabi ni Murdock, "Alam naman nating lahat na hindi madali para sa kanilang dalawa ang naging sitwasyon nila. At natutuwa ako na nagsisimula na silang mabuhay kung paano mamuhay ang magasawa."

"Tama ka jan mahal, at alam din nating pareho na si Kim ang dahilan ng pagbabalik sigla ni Xian. Ang pagbabalik ng tawa at ngiti sa mga labi nito. Sana magtuloy tuloy na. Gusto ko na din magalaga ng mga little princess and prince dito sa palasyo. Matagal tagal na din mula ng nagkaroon ng baby dito sa palasyo. Si Xian pa nga ang baby na iyon," sabi naman ni Manang Julie.

"I'm sure malapit na yan," nakangiting sagot ni Manong Murdock.

------------------------

Dahil Christmas vacation na next week, last day ngayon ni Kim for this year na kailangan pumunta sa Children's hospital. Tatapusin niya ang lahat ng kailangan niyang pirmahan para fresh lahat ng work niya for next year.

The Princess (KimXi Fan-Fiction) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon