Chapter 26

5.8K 74 41
                                    

"Walang pressure Kim, magaantay ako hanggang ready ka na na maging intimate tayo," yan ang mga salita ni Xian na tumatak sa isip ni Kim mula ng usapan nila ng madaling araw na iyon.

Alam ni Kim na darating din ang araw na tatanungin siya ni Xian patungkol sa ganitong bagay. Di niya naman inexpect na sooner pala ito than what she expected. Hindi niya alam ang isasagot kay Xian ng sinabi niya iyon kaya isang "Thank you Xian sa pagintindi ang nasabi niya."

Tuwing bumibisita siya sa bahay nila lagi naman din ang tanong ng nanay Zheny niya patungkol doon. Pero tanging 'Hindi pa kami dumating sa point na iyon Nay ang sagot ni Kim.'

Madaming tanong ang bumalot ngayon sa isip ni Kim. Lalaki siya at may pangangailagan din siya, handa na ba siyang ibigay iyon sa asawa? Kaya na ba niya at anong mangyayari? Takot at kaba ang bumalot kay Kim. Pero alam sa loob loob niya gusto niya na rin magkaroon ng anak at pamilya.

'Bahala na pagdumating, yun na yun' tudyo ng utak ni Kim.

Dahil wala naman siyang nakaschedule ng umaga na iyon ay 10 am na siya bumangon. Sinabi sa kanya ni Manang Julie na nasa opisina na daw si Xian. Pagkatapos ng kanyang late breakfast ay nagbake na lang si Kimmy ng cookies para dalhin niya kay Lola Nita mamayang hapon pagpunta niya sa kanya.

Maagang nagising si Xian. Nawala na rin ang sakit ng ulo niya. Gusto niya kasing tapusin lahat ng trabaho niya bago magChristmas break para fresh na ang mga trabaho niya next year. Pagkatapos ng agahan niya ay nagtungo na siya sa office niya.

Buong umagang iyon ay di pa niya nakikita si Kim. Sabi naman sa kanya ni Manong Murdock na sa hapon pa naman daw ang schedule nito kaya baka tulog pa ito.

Habang abala si Xian sa pagbabasa at pagpipirma ng mga papeles ay nakita niya ang picture ni Yvette at ang honeymoon picture nila na nakalagay pa rin sa may ibabaw ng lamesa niya. Bahagyang tumigil si Xian sa ginagawa niya at saka kinuha ang dalawang litratong iyon.

"Time to really let you go Yvette," sabi ni Xian habang trinitrace ang larawan. "Miss na miss kita, pero its about time to start my new life with my new wife."

"Madaya kasi ang panahon eh, mabilis akong iniwan ng bestfriend na pinakasalan ko," saka hinalikan ni Xian ang picture "Goodbye Yvette."

At pumatak ang luha na kanina pa lumilingid sa mga mata niya. Nilagay niya ang parehong picture sa may laptop bag niya para maitabi niya. Nang hapon na iyon pagkaakyat niya sa may kwarto niya ay nilagay niya ang parehong picture sa loob ng wardrobe niya. Tinabi niya na rin ang iba pang mga pictures na nakadisplay sa kwarto nila.

"Time to let you go Yvette, Si Kim kailangan niya na ako, siya na ang asawa ko ngayon. I'm her husband now and she's now my wife and I better start acting as one. Thank you sa memories."

------------------------

Kinabukasan ay determinadong gawin iyon ni Xian. Paglabas niya ng kwarto nita ay palabas na din si Kim sa kwarto niya.

"Good Morning Mimay!" sabi ni Xian paglabas ni Kim.

"Good morning din," sagot naman ni Kim.

"Pwede ba kitang sabayan bumaba," nakangiting tanong ni Xian.

"Oo naman," natatawang sagot ni Kim, "bakit naman hindi."

"Wala lang by the way Remember the thing I told you the other night," sabi ni Xian habang naglakad sila papunta sa kitchen.

Ninerbeyos naman si Kim bigla. She can still vividly remember yung mga sinabi sa kanya ni Xian, '.... magaantay ako hanggang ready ka na na maging intimate tayo'. 'Eto na ba ang sign na yun Lord, tatanungin niya na ba ako,' sabi ng isip nito.

The Princess (KimXi Fan-Fiction) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon