Kabanata 2: Pagsilang sa Lumbini

331 1 0
                                    

Lumipas ang sampung buwan matapos ang mahiwagang panaginip, inaasahan na ng Reyna ang  nalalapit nyang panganganak kaya't sinabihan nya ang Hari.

"Mahal kong Hari, kailangan kong bumalik sa aking mga magulang. Malapit na akong manganak."

Isang kaugalian sa India na dapat manganak ang isang asawang babae sa bahay ng kanyang ama.

"Kung ganun, ipaghahanda ko ang lahat ng kakailanganin mo sa pagpunta mo sa iyong mga magulang," sagot ni Haring Suddhodana.

Inutusan ng Hari ang kanyang mga sundalo na siguruhing ligtas ang kalsadang daraanan at ang ilan naman sa kanila ay binabantayan ang Reyna habang sakay sya ng magarang palankin. Nilisan ni Reyna Maha Maya ang Kapilavatthu kasama ang mga sundalo at ang kanyang mga tagapaglingkod. Naglakbay sila patungo sa kabisera ng kaharian ng kanyang ama.

Sa kanilang paglalakbay patungo sa Koliya, nadaanan nila ang isang hardin na ang ngalan ay Lumbini. Ito ay malapit sa karatig bansang Nepal, sa may paanan ng bundok Himalayas. Noong mga panahong iyon, ang hardin ay puno ng mga mababangong bulaklak mula sa puno ng Sala at sari-saring ibon, bubuyog at iba pang insekto ang naninirahan sa nasabing puno.

Nahalina ang Reyna sa magandang tanawin na kanyang namasdan. Kaya naman inatasan nya ang mga tagapaglingkod na huminto muna sila sa paglalakbay upang manatili muna at magpahinga sa hardin.

Habang nagpapahinga ang Reyna sa ilalim ng puno ng Sala........

"Ahhh......uuunnnggghhhh........", biglang dumaing si Reyna Maha Maya.

"Mahal na Reyna, ano pong nangyayari sa inyo?", hindi mapakaling tanong ng isang tagapaglingkod.

"S-sumasakit na ang t-tiyan k-ko........uuunnnggghhh........", sagot ng Reyna na namimilipit sa sakit.

"Oh hinde! Manganganak na kayo Mahal na Reyna!", hiyaw ng tagapaglingkod.

Ang lahat ng tagalingkod ng Reyna ay naging abala upang mairaos nya nang maayos ang kanyang panganganak habang sila'y nasa hardin ng Lumbini.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!"

Isang napakagandang araw. Natapat ang panganganak ng Reyna sa kabilugan ng buwan Araw ng Vesak sa taong 623 B.C.

Sang-ayon sa mga alamat sa pagkakapanganak ng Buddha, sinasabing siya'y nakapaglakad agad nang pitong hakbang at sa bawat hakbang ay may isang bulaklak ng Lotus ang lumilitaw na kanyang nilalakaran.

Sa isa pang alamat, sinasabing nagsalita ang sanggol ng:

"Aggohamsmi Lokassa

Jettho Lamasmi Lakassa

Settho Hamasmi Lokassa

Aya mantima jati

Natthi dani punabhavo."

Sa Ingles:

"I am the Chief in the world

There is no equal to me

I am supreme

This is my last birth

No rebirth for me."

Sa Tagalog:

"Ako ang pinaka-Natatangi sa buong mundo

Walang sinuman ang makatutumbas sa akin

Ako ang pinakadakila

Ito ang aking huling pagsilang

At hindi na muling isisilang pang muli."

Buddha: Ang NaliwanaganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon