CHAPTER 17

268 7 0
                                    

'Bakit blue rin ang mata niya?'

'Siya ba ang Papa ko?'

'Baka naman coincidence lang yun!"

Ang dami agad na tanong ang nasa isip ko.

Minulat ko ang aking mata at hindi pamilyar na lugar ang aking natuklasan.

Malaking ilaw ang nakita ko at nalaman kong pang mayaman lang 'yon.

Bumangon na ako sa pagkaka higa ko.

Ang hinihigaan ko ay isang napaka lambot na higaan.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero isa lang ang nasa isip ko kundi si Mama panigurado ay nag aalala na 'yon dahil hindi pa ako umuuwi.

Pumunta ako sa pinto at binuksan ito pero isa itong banyo kaya nilibot ko yung paningin ko at may nakita nanaman akong pinto kaya naman pumunta ako 'don at binuksan ulit ito.

Nang pag bukas ko ng pinto ay agad may bumungad na isang babaeng matanda na pero naka-uniform ito na parang kasambahay.

Ngumiti ito sa'kin kaya naman napilitan akong ngumiti rin.

"Uhm... A-asan po ako?" tanong ko naman.

"Hinihintay kana po ni Master!" 'yon lang ang sinabi niya.

Hindi na lang ako nag salita kahit ang daming tumatakbo sa isip kong mga tanong.

Sumunod na lang ako.

'Teka, sino yung master? Wow ang galing may master sila, sa teleserye ko lang napapanood ang mga ganoon.' sabi ko naman sa isipisip ko.

Habang nag lalakad kami ay namamangha ako sa bawat dinadaanan namin. Puro ito ginto na parang matatakot kang hawakan ito dahil baka magasgasan ito.

Ang tagal na namin nag lalakad pero hindi pa rin namin napupuntahan yung dapat namin puntahan.

Nang huminto yung kasambahay na kasama ko ay huminto na rin ako.

"Andito na po tayo!" magalang nitong sabi kaya naman napa tingin ako sa harap ko at nakita ko ito ay isang kusina pero hindi ganon sa kusina namin dahil ang kusina na ito ay sobrang laki.

Namangha naman ako sa nakita ko pero agad din nawala iyon ng makita ko yung lalaki kanina na muntik na mabangga ako.

"Mabuti naman at gising kana!" naka ngiti nitong sabi pero wala akong reksyon na binigay kaya naman nawala ang ngiti nito.

"Sino ka?" walang galang na tanong ko kaya naman biglang sumeryoso ang mukha nito. Pero hindi ako natakot at wala akong nararamdaman na takot ang tanging nararamdaman ko lang ay galit at inis kung siya nga ang Papa ko.

Hindi ko alam pero may nararamdaman akong siya ang Papa ko pero hindi ko agad 'yon masasabi dahil lang sa mata niya.

"I'm Anthony Davis! And kung nag tataka kung bakit ka nasa bahay ko ay dahil sa nahimatay ka nung muntik na kita mabangga and I'm sorry for that, hindi ko alam kung saan ka nakatira kaya wala akong choice kung hindi dalhin ka dito." mahabang paliwanag niya.

'Anthony Davis? Parang pamilyar, nabasa ko 'to pero hindi ko lang sure!' sabi ko naman sa isip-isip ko.

Habang nag-iisip, naalala ko si Mama kaya naman agad akong tumingin 'don sa lalaking nag dala sa'kin.

"Kailangan kona pong umuwi, anong lugar po ba ito?" tanong ko naman.

"Malapit lang 'to kung saan kita nakita, hahatid na kita!" presinta naman nito pero agad naman akong umiling sa turan niya.

"Hindi na po, kaya ko naman na saka sabi niyo naman po na malapit lang po ito kung saan niyo po ako nakita, kaya ayos na po kaya ko pong umuwi ng mag isa!" sabi ko naman.

Gusto pa sana nitong mag salita kaso kumaway na ako at lumabas na. Nakita ko rin naman agad yung pinto. Nung naka labas na ako namangha ulit ako sa labas.

Nay ganitong bahay din pala dito akala ko ying kila Miller lang yung malaki.

Bigla naman agad pumasok sa isip ko si Miller dahil ang alis niya ay sa Sunday na. Friday ngayon kaya ilang araw na lang siya dito. Pag naiisip kong aalis na siya nalulungy ako pero wala akong magagawa.

Mas mabuting lumayo na siya dahil pag alam kong nas malapit lang siya ay mahihirapan akong lumayo. Para sa kapakanan lang 'to ni Mama kaya umiiwas ako.

Kung hindi lang ako natakot sa sinabi ng Mom ni Miller ay siguro magkasama pa kami at nag lalaro kung saan. Si Mama ang pinah uusapan kaya kahit anong sakripisyo ay gagawin ko kahit na maka sakit ako masaktan ako.

Gusto ko lang maging ligtas si Mama.

Nang malapit na ako sa bahay nakita ko si Mama na nasa labas at paramg may hinihintay kaya naman napag alaman kong ako ang hinihintay niya. Hindi ko siya masisisi kasi gabi na ako dumating.

Nang makita niya ako agad naman siya tumayo sa kinakaupuan niya at saka lumapit sa'kin at agad niya akong niyakap, yumakap din naman ako pabalik.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay, saan kaba nag punta? Kung saan-saan na kami nag hahanap sa'yo!" umiiyak na sabi niya pero agad naman akong ng taka sa sinabi niya.

"K-kami? Sinong kami? May kasama ka pong nag hanap sa'kin?" tanong ko naman.

"Kay Miller, nag patulong akong mag hanap sa'yo bak kasi nag kita kayo pero hindi niya rin alam kung nasaan ka, hanggi ngayon ay wala pa siya kaya nag aalala na rin ako!" sabi naman niya.

Nang sabihin niya ito ay nag alala agad ako dahil baka kung saan siya nag punta.

Agad naman akong bumitaw sa pagyakap kay Mama kaya naman napa tingin ito sa'kin.

Tumingin din ako sa 'kanya n parang may pinahihiwatig. Bumuntong hininga muna siya bago ako niyakap ulit ng mahigpit.

"Sige na pumunta kana basta mg ingat ka okay?" sabi ni Mama kaya naman agad akong tumango at at ngumiti sa 'kanya.

"Opo!" sabi ko saka tumalikod na at tumakbo kung saan pwedeng pumunta si Miller.

Pumunta muna ako kila mang Makoy na taga tinda ng pugo na lagi kong binibilhan. Pag dating ko roon ay agad akong nag tanong.

"Dumaan po ba dito si Miller? yung lagi ko pong kasama?" tanong ko rito kaya naman nap isip siya.

"Ah, oo dumaan nga siya kanina tumatakbo nga na parang may hinahanap, eh ikaw 'ata yun tinanon ka rin niya kasi ikaw, eh!" sabi naman nito kaya nag lambot ako pero umayos din naman ako agad ng tayo at nag tanong ulit.

"Saan po siya gawi dumaan?" tanong ko naman.

"Ah, doon oo doon nga!" turo naman nito na mukhang papunta sa may tulay na lagi kong pinupuntahan.

"Salamat po!" sabi ko pero tumango lang ito.

Tumakbo na ulit ako at saka pumunta sa may tulay. Pero parang wala akong taong nakikita. Pero hindi pa rin ako nag paawat pumunta pa rin ako.

Ngayon lang ako inabot ng gantong oras dito sa my tulay dahil walang ilaw dito. Pag punta ko sa may tulay parang may narinig akong kaluskos kaya naman napa tingin ako sa may mga puno puno doon.

Pero nung pag tingin ko wala akong nakita tao kaya binaliwala kon lang 'yon at baka pusa lang ito.

Pero nung nag lakad ulit ako may narinig ulit akong kaluskos kaya tumingin ulit ako sa may puno pero hindi pa ako nakaka lingon ay bigla na lang may tumakip sa ilong ko at bigla na lang ako nawalan ng malay. Pero bago ko ipikit ang mata ko may nakita akong tattoo sa leeg na parang pa cros siya pero kulay pula ito.

Season 1: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now