CHAPTER 10

289 5 0
                                    

Nang matapos kaming kumain ako na ang nagasikaso sa mga gamit, at hinugasan ko na ang pinggan.

Sila Mama at Miller ay naguusap lang sa sala at ako naman ay nasa kusina at naghuhugas ng plato.

Habang naghuhugas pumasok si Miller sa kusina para siguro ilagay 'yung basong pinaginuman niya.

Habang nilalagay niya 'yung baso sa lababo gumilid muna ako para hindi kami magkadikit pero dahil maliit lang 'yung kusina namin hindi talaga maiiwasan na magkadikit ang mga balat namin.

Nang mailagay niya na tumingin siya sa'kin at saka ngumiti.

"Makatingin ka naman sa'kin, baka crush mo na ako, huh?" sabi niya saka pinisil 'yung ilong ko kaya nairita ako at ang ginawa ko ay hinampas siya sa kamay, at dahil may sabon 'yung kamay ko nalagyan din siya kaya naman natawa ako.

Nakita ko naman siya na masama ang tingin sa'kin kaya tumalikod na lang ako sa kan'ya.

Naglakad na siya palabas pero narinig ko siya napasinghap.

"Oh, gosh." nakasinghap na sabi niya kaya naman napatingin ako sa kan'ya na nakatingin sa likod ko pero agad ding umiwas ng makitang lumingon ako.

"Bakit? Anong meron sa likod ko?" tanong ko pero nakaiwas pa rin siya ng tingin.

"Uhm... Ano... M-meron d-dugo sa... Likod mo?" nauutal na sabi niya pero nakaiwas pa rin siya ng tingin sa'kin.

Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko naman na may dugo kaya napasigaw ako at tinawag si Mama.

"Waaahhh... Mama... May d-dugo M-mama?!" sigaw ko pa pero si Miller nakaiwas pa rin ng tingin pero naiilang na siya.

Agad naman pumasok si Mama sa kusina para tignan ang lagay dito.

"Anong meron? Anong nangyari? Nasugatan ka ba Anak? Ayos ka lang ba?" tarantang tanong ni Mama at tinignan na pa ang kabuuan ko.

"A-asan 'yung dugo?" tanong ni Mama.

"N-nasa likod Mama, m-may dugo." maiyak-iyak na sabi ko kaya naman napatingin si Mama sa likod ko at sabay tawa kaya naman nagtaka ako dahil tumawa siya.

"Hindi 'yan dugo, meron ka na Anak dalaga na ang Anak ko." masayang sabi naman ni Mama pero nag tataka pa rin ako dahil 'di ko maintindihan yung sinasabi niya.

"P-po?" tanong ko pa rin dahil 'di ko talaga maintindihan 'yung sinasabi niya.

"Menstruation Anak." sabi niya pero nag tataka pa rin ako pero parang may narinig akong umubo kaya naman napatingin kami ni Mama kay Miller.

"I gotta go, Bye Tita, bye Aria." English na sabi niya at nung binanggit niya 'yung pangalan ko parang natatawa pa siya pero 'di ko na lang 'yon pinansin.

"Sige hijo, ingat ka." sabi ni Mama kaya naman tumango naman si Miller at saka tumingin sa'kin na nagpapaalam tumango na lang ako saka tumingin kay Mama para tanungin ulit siya.

Nang makaalis na si Miller saka pa lamang tumingin sa'kin si Mama at saka ngumiti.

"Ano nga po ulit yung sinasabi niyo? Mensaration?" tanong ko kaya naman natawa si Mama sa sinabi ko.

"Menstruation." pag didiin niya kaya naman napakamot ako sa ulo ko dahil mali pala ako.

"Ang menstruation ay kapag dalaga ka na nagkakaroon ka na, hindi 'yan sugat at isang linggo ka lang sa isang buwan magkakaroon, kaya ngayon mag linis ka na at lalabas muna ako at bibili ng napkin mo para gamitin." sabi ni Mama kaya sumunod na lang ako kahit madami pa akong tanong.

Nang matapos na ako may nakita akong isang supot na... Ano bang tawag 'don? Napkin?

Kinuha ko na lang 'yon at saka tinawag si Mama para tanungin ulit siya.

"Ma." tawag ko kay Mama kaya naman agad siya pumasok sa kwarto.

"Bakit?" tanong naman niya.

"Paano po ba itong gamitin?" tanong ko.

Kinuha naman niya 'yon at saka pinakita kung paano 'yon gawin kaya naman pinanood ko siya ng maigi.

"Ganyan lang, sa susunod ganyan na ang gagawin mo, huh?" sabi naman niya kaya naman tumango na lang ako saka nag pasalamat.

Umalis naman siya kaya naman nag bihis na ako.

Nang matapos ako pumasok na rin si Mama sa kwarto para siguro matulog.

"Matutulog na ako, ikaw? Matulog ka na rin." sabi naman niya kaya naman tumango na lang ako saka humiga na sa higaan ko.

Nang makahiga ako saka pa lang ako napabuntong hininga dahil ang daming nangyari ngayon.

Nakakahiya dahil kailangan pa makita 'yon ni Miller.

Sa sobrang hiya ko ay napatalukbong ako ng kumot sa mukha ko at pumikit.

Hindi ko na lang 'yon inisip at natulog na lang para bukas naman ay maaga akong makapag tinda.

Umaga akong nagising para ako na ang magluto ng umagahan namin.

Lumabas na ako ng kwarto at naligo na.

Nang matapos akong maligo ginawa ko lang ulit kung ano ang ginawa ko kagabi.

Pumunta na ako sa kusina para makapagluto na.

Nag luto lang ako ng itlog, tuyo, hotdog, nag singag na rin ako ng kanin na natira kagabi dahil sayang lang kapag hindi nakain.

Habang nag luluto naramdaman kong may pumasok sa bahay kaya naman tumingin ako do'n at tama ako na si Miller lang 'yon.

"Good morning." sabi niya.

"Shh... natutulog pa si Mama kaya h'wag kang maingay d'yan." sita ko sa 'kanya kaya naman tumango siya saka nag sorry, hindi kona lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagluluto.

Nang matapos na ako nilapag ko na ang pagkain saka pumunta sa kwarto para gisingin si Mama.

"Mama gising na, kain na po tayo." gising ko sa kan'ya kaya naman napamulat siya at saka umunat na parang inaantok pa.

"Sige susunod ako mag hilamos lang ako." sabi niya kaya naman tumango na lang ako at saka pumunta na sa kusina.

Nag hintay lang ako sa lamesa hanggang sa dumating si Mama at nakasunod naman si Miller do'n kaya naman napairap ako.

"Oh, hijo halika sumabay ka na samin kumain!" pagaaya ni Mama kaya naman agad umupo si Miller sa tabi ng upuan ko para kumain.

"Bakit ba dito ka laging kumakain? Eh, ang yaman mo naman." sabi ko naman.

Ngumiti lang siya sa'kin.

"Wala lang, mas gusto ko yung luto niyo kaysa sa luto ng kasambahay namin." dahilan naman niya kaya napairap ako at kumain na lang at hindi na siya pinansin.

"Hayaan mo na muna siya, meron kasi siya kaya masungit siya ngayon, lalo na at una pa lang niya." bulong ni Mama kay Miller kaya naman natawa silang dalawa.

Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang ng tahimik.

Season 1: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now