CHAPTER 12

282 8 0
                                    

"Turon bili na po kayo!" sigaw ko.

Nagtitinda nanaman kami ni Miller pero ngayon ay sumisigaw na ako at hindi na kagaya nung nakaraan na parang tinatamad akong mag salita.

"Aria, buti naman at bumalik ka na, ano bang nangyari sa'yo nung mga nakaraang araw at wala ka sa mood magsu-sumigaw?" sabi naman ni Miller.

"Ewan ko." sagot ko lang at saka sumigaw na ulit para maglako ng tinda ko.

Habang nag titinda kami biglang tumunog ang cellphone ni Miller.

Buti pa siya merong cellphone. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaunting inggit sa kan'ya.

"Wait lang, huh?" paalam niya kaya naman tumango ako.

"Yes Dad?" tanong nito sa kausap.

Kahit na malayo siya naririnig ko ang mga sinasabi niya.

"What do you mean Dad? I-I Don't understand."

"Uhm... Okay dad I just asked her if she want to eat with us."

Hindi ko 'man lang naintindihan lahat ng pinagsasabi niya kaya kahit naririnig ko wala naman akong maintindihan.

Ang hirap talaga kapag 'di ka nakikinig sa teacher.

At mahirap talaga maging bobo.

Nang maibaba niya na ang tawag ay lumapit siya sa'kin at saka ngumiti.

"Ano 'yon?" tanong ko na dahil gusto kong malaman kung ano 'yung pinagusapan nila ng Dad niya.

"Inaaya ka ni Dad na pumunta sa bahay at do'n na lang kumain ng hapunan--kung gusto mo lang naman." nahihiyang sabi niya pa at napapakamot pa siya sa kan'yang ulo.

"Totoo? Okay sige matagal ko ng gusto makapunta sa bahay niyo, eh." sabi ko naman kaya napangiti siya at lumapit siya sa'kin at saka ginulo ang buhok ko kaya naman agad kong inalis ang kamay niya do'n at masama siyang tinignan pero nakangiti lang siya, inayos ko na lang ang sarili ko at nagtinda na lang ulit.

"Pagtapos na lang natin mag tinda saka tayo pumunta." sabi ko naman kaya tumango siya.

"Ay, Miller pwedeng favor?" tanong ko ng may maisip.

Napahinto naman siya kaya huminto rin ako para sabihin kung ano 'yung hihingin kong favor sa kan'ya.

"Ano 'yon?" tanong nito kaya bumuntong hininga muna ako para masabi ko 'yung gusto kong sabihin.

"P-pwede mo bang..." sabi ko habang nakatingin sa baba dahil nahihiya ako.

"Hmm?" parang naiinip na tanong niya.

"Pwede mo ba akong turuan mag-English?" sabi ko habang nakatingin sa baba at hinihintay kung anong reaksyon niya.

Pero wala akong narinig na kahit anong reaksyon niya o kung natatawa siya.

Tumingin na ako sa kan'ya at nakita ko siya nakangiti.

"Sure." sabi naman niya kaya naman sa sobrang tuwa ko napayakap ako sa kan'ya.

Bumitaw din naman ako agad at saka ko kinuha na 'yung ititinda namin at saka sumigaw na ulit at nag tinda na.

Nakita ko pa siya na parang nakatulala kaya naman tinawag ko na siya para makatapos kami ng maaga.

"Hoy, ano pang tinutulala mo d'yan? Tara na." sabi ko kaya naman natauhan din naman siya at saka tumakbo palapit sa'kin.

Nang matapos kami umuwi muna ako at kasama na rin si Miller do'n dahil gano'n naman siya kapag natapos kaming magtinda sumasama muna siya sa'kin pauwing bahay para raw tumambay.

Season 1: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now