CHAPTER 9

298 7 0
                                    

Ilang linggo ang lumipas at lagi na kaming magkasama ni Miller.

Minsan pa ay tinutulungan niya ako magtinda, pumapayag na lang ako dahil mapilit siya.

Minsan din ay siya ang umubos sa mga paninda ko pag unti na lang ang natitira siya na ang bumibili.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na maasahan.

Dahil mula noon ay wala ako ni isang kaibigan 'man lang.

Pero ngayon masaya ako na nagkaroon ako ng kaibigan at tanggap ako kung sino ako at wala siyang pakialam sa mga sasabihin ng tao sa kan'ya.

Tumingin ako sa kan'ya na nagbubuhat na lalagyanan ng tinda ko.

Tinulungan niya nanaman akong magtinda ngayon.

Siya raw ang mag bubuhat niyon at ako naman ang taga hawak ng perang pinagtindahan.

Nagkakilala na sila ni Mama at natuwa naman si Mama dahil ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan.

"Oh, bakit mo ko tinitignan? Crush mo'ko 'no?" biglang sabi niya kaya naman natauhan ako saka ko siya hinampas sa likod dahil sa sinabi niya.

"Sira, tumigil ka nga, mag tinda ka na lang d'yan." sabi ko saka tumingin sa kabila para maghanap ng pwedeng alukin sa tinda ko.

"Sus, eh bakit ka umiiwas ng tingin? naiilang ka 'no?" mapanuksong sabi niya kaya napaharap ako sa kan'ya.

"Anong umiiwas? Eh, nag hahanap ako ng pwede kong alukin sa tinda ko 'no? h'wag kang feeling Miller, sarap mong sakalin." iritang sabi ko pero hindi pa rin mawala ang mapanuksong ngiti niya pero 'di ko na lang siya pinansin.

"Bili na po kayo, limang piso isa lang, ate bili na kayo." sabi ko do'n sa babaeng dumadaan.

"Sige, tatlong ganyan." sabi niya kaya naman agad akong lumapit kay Miller para kumuha ng turon.

"Pahingi ng supot." bulong ko sa kan'ya kaya agad niyang inabot 'yon at kinuha ko naman din agad at saka kumuha ng tatlong turon at nilagay sa plastic.

Nang mailagay ko na saka ako lumapit doon sa babaeng bumibili at saka ko ito inabot.

"Ito na po, oh." abot ko sa kan'ya kaya niya naman ito kinuha at saka binigay sa'kin 'yung bayad niya kaya kinuha ko rin ito at nilagay sa bag na nakalagay sa balikat ko.

"Oh, 'di ba? Nakatinda agad ako, kaya ikaw wag ka kukupad-kupad, gayahin mo ko" pagyayabang ko kaya naman nakita ko siyang umirap dahil sa sinabi ko.

"Whatever." bulong niya pero hindi 'yon nakatakas sa pandinig ko.

"Ano? anong whatever? sapakin kaya kita?" sabi ko pero bumubulong bulong pa rin siya at ngayon at hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya dahil English nanaman 'yung sinasabi niya.

"Ano bang pinagsasabi mo d'yan? Mamaya pinagdarasal mo na akong mamatay d'yan, ah?" sabi ko pero 'di niya ako pinansin at naglakad na.

Hinabol ko naman siya kung saan 'man siya pupunta.

"H-hoy saan ka pupunta?!" habol na sigaw ko sa kan'ya pero para siyang walang naririnig at naglakad-lakad lang siya.

Huminto muna ako para magpahinga at hinabol na lang siya ng tingin kung saan siya pupunta.

Habang nakatayo nakita ko siya humito doon sa may mga taong tambay sa may tindahan.

Nakita ng mga dalawang mata ko kung paano sunod-sunod bumili 'yung tao doon.

Kaya agad akong lumapit sa kan'ya para tignan kung anong nangyayari doon.

"Lima sa'kin."

"Tatlo lang 'yung sa'kin."

"Isa lang po 'yung sa'kin!"

"Ito po ang bayad ko."

"Asan na 'yung akin?"

Ilan lang 'yan sa naririnig ko, hindi ko alam kung paano nangyari 'yon.

Tumingin sa'kin si Miller at ngumiti ng nagyayabang.

"Aria lapit ka dito at kunin mo 'yung mga bayad nila." sabi naman niya kaya wala naman akong nagawa kung hindi sumunod at kuhanin ang mga bayad na inaabot nila sa'kin.

Nang matapos na at naubos na lahat ng tinda ko ay umupo muna ako sa gilid at nagpahinga.

Si Miller naman ay pumunta sa tindahan para bumili ng tubig.

Nang dumating na siya inabot niya sa'kin 'yon kaya agad ko naman ito kinuha at ininom.

"Oh, ano ka? Akala mo ikaw lang ang kayang gawin 'yon? Nagkakamali ka." sabi niya kaya naman ako ang napairap ngayon.

"Tumahimik ka Miller, at saka ano ba ang sinabi mo at nagsibilihan sila?" tanong ko dahil hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako.

Ngumiti lang siya sa'kin ng malaki at saka umiling ng nakangiti.

"Sekretong malupit." sabi niya kaya lalo lang ako napairap sa mga sinasabi niya.

"Hay 'nako umuwi na nga tayo at pagabi na rin." pag aaya ko saka aamba na sanang tumayo kaso nilahad niya ang kamay niya na parang tinutulungan niya ako para tumayo.

Inabot ko naman ito pero agad niya itong iniwas saka tumawa.

"Yung tubig 'yung hinihingi ko, pero... kung gusto mo naman mahawakan ang kamay ko sabihin mo lang kahit ilang oras mo 'to hawakan." sabi niya saka kumindat kaya lalo akong nainis.

Inabot ko na lang ang tubig at saka tumayo ng magisa at nag patiuna ng mag lakad at hinayaan na lang siya na mag buhat ng lahat ng gamit do'n.

Habang papalayo ako naririnig ko pa rin 'yung tawa niya kaya hindi ko na lang siya pinansin at binilisan pa ang pag lalakad.

Nang makarating na ako sa bahay agad akong pumasok sa bahay at umupo ng padabog sa upuan na nasa sala.

"Oh, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Mama na nasa kusina na nakasilip sa'kin.

"Wala po." sabi ko saka umupo na lang ng maayos at saka pumikit para mag pahinga.

"Aria, ba't mo naman ako iniwan?" sabi ni Miller ng dumating siya pero 'di ko siya pinansin at nakapikit pa rin ako.

"Hi Tita, ito na po ang lahat ng napagtindahan ng turon." narinig kong sabi ni Miller.

"Ay, salamat naman hijo, saka nga pala anong nangyari kay Elle at nagkaganyan?" tanong ni Mama.

"Ewan ko po d'yan sa anak niyo, hindi niya po 'ata matanggap na ako ang dahilan ng pagkaubos ng tinda." sabi niya kaya naman agad akong dumilat at saka kinuha ang maliit na unan na nasa tabi ko at hinagis sa kan'ya, at ayon sapul.

"Tita tignan mo nga 'yang anak mo ang sadista." pagsusumbong niya kay Mama kaya lalo lang ako nairita.

Hindi ko alam kung bakit nawala ako sa mood.

"Hay 'nako tumigil na nga kayong dalawa at baka magkasakitan pa kayo, halina't kayo at kumain na, at hijo dito ka na ulit kumain." pagaaya ni Mama.

Wala na rin akong nagawa at kumain na lang.

Season 1: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now