CHAPTER 15

267 7 0
                                    

Nag paalam muna ako kay Mama na hindi ulit ako mag titinda at pupunta ulit ako doon sa may tulay na naging comfort zone kona.

Sayang lang dahil balak kopa sana mag paturo ng English kay Miller kaso malabo na mangyari yun dahil kailangan kong lumayo sa 'kanya.

Naka upo ulit ako sa tulay at hindi kona inisip na ang init nanaman sa pinag uupuan ko.

Ilang taon pa lang ako pero ang dami ko ng problemang iniisip pero pag kasama ko si Mama nag papanggap ako na parang ayos lang ang lahat at wala akong iniisip na problema dahil lang sa ayaw ko siyang mag alala.

Ang gusto ko lang naman ay makilala ko di Papa at malaman ko kung ano ang nangyari sa 'kanya.

Isa pang gusto ko ay magkaroon ng kaibigan na tatanggap sa'kin kung sino 'man ako pero pati yun pinag kait sa'kin gusto pa nilang layuan ko ang mag iisa kong kaibigan.

Hindi ko maiitanggi na pogi si Miller at isa pa yung dahilan kung bakit ang daming galit sa'kin.

Maraming nagkaka gusto kay Miller kaya naiinggit sila sa'kin dahil close kami.

Nung minsan nga bumibili lang ako ng pugo, eh bigla na lang may sumugod sa'kin at pinag sasabunot pero dumating din naman agad si Miller para tulungan ako.

Madami na ring nagawa si Miller sa'kin katulad ng pag tutulong niya sa'kin na mag tinda kahit na alam kong mayaman siya at hindi siya sanay mag tinda pero tinutulungan niya pa rin ako.

Nung una kaming mag kita akala ko siya yung tipong walang paki sa paligid at masungit siya pero mali ako isa siyang mabuting kaibigan sa'kin.

Alam kong bata pa ako pero alam ko sa sarili kong may gusto na ako sa 'kanya kaso bawal lang talaga.

Isa pa mayaman siya at mahirap ako isa 'yon sa dahilan kung 'bat ayaw ako ng Mommy ni Miller.

Hindi kona nakayanan ang init kaya naman tumayo na ako pumunta ulit sa may duyan at doon ang magpalipas ng oras.

Humiga ako sa duyan at pumikit.

Ilang minuto pa ako naka pikit ng may maramdaman akong parang may binato sa'kin pero hindi naman siya mukhang bato kasi hindi ako nasaktan.

Dumilat ako at saka umupo na lang sa duyan at tinignan kung ano man 'yon at nakita ko nga na may naka bilot na papel doon kaya naman kinuha ko ito.

Tumingin muna ako sa paligid bago ko ito binuklat.

Nang binuklat ko ito may nakita akong naka sulat.

What- Ano
When- kailan
Where- saan
Who- sino

Marami pang naka sulat na naka English at naka translate sa tagalog kaya nalaman kong galing ito kay Miller dahil sa 'kanya lang naman ako nag paturo nito.

Binasa ko pa ang mga naka sulat doon.

Tinignan ko sa likod dahil may naka sulat pa dito.

'Aalis na ako, Uuwi na ako sa Manila kung saan ako naka tira.

Mag ingat ka dito.

Sana mag kita ulit tayo mahal kong kaibigan.'

Ayan ang naka sulat na ang dahilan kung bakit ako agad napa tayo.

Agad akong tumakbo sa bahay nila Miller kaso ayaw nila ako papasukin kahit yung guard na lagi kong kausap pag nag titinda ako ay wala siyang magawa.

Naka iwas lang ito ng tingin sa'kin kaya naman wala na akong nagawa kung hindi umalis na lang doon at pumunta ulit sa may tulay at doon nag labas ng sakit.

Nang maka rating ako sa may tulay saka ako sumigaw habang umiiyak.

"Bakit? Bakit ba ako nasasaktan? Kaibigan ko lang naman siya 'di ba?! Bakit? Bakit kailangan niya pa umalis?" sigaw kopa.

"Bakit naman ganito? Nilalayuan kona nga siya bakit kailangan niya pang ilayo sa'kin na hindi kona siya makikita? ayos lang sa'kin na layuan siya dahil alam kona nasa malapit lang siya pero bakit kailangan pang..." hindi kona natapos ang sinasbi ko dahil napa luhod na ako at sk umiyak ng umiyak.

Tumigil muna ako sa pag iyak at saka kinuha ko ulit yung sulat na binigay ni Miller at saka ko ulit binasa.

'Aalis na ako, Uuwi na ako sa Manila kung saan ako naka tira.

Mag ingat ka dito.

Sana mag kita ulit tayo mahal kong kaibigan.

Una pa lang alam kong gusto na kita kaso alam kong kaibigan lang ang turing mo sa'kin.

Nung una tayong mag kita hindi ko alam ang gagawin ko kaya inirapan na lang kita.

Ang dami kong gustong sabihin sa'yo pero kung gusto mong mag kita tayo.

Sa may likod mg school na pinapasukan mo andoon ako mamaya ng alas syete.

At gusto kong malaman mona na gusto kita.'

Dahil sa nabasa ko ay naiyak nanaman ako.

'Gusto rin kita kaso masyado pa tayong bata at maraming hadlang sating dalawa.'

Inayos ko muna ang sarili ko at saka umuwi na dahil baka mag alala nanaman si Mama.

Nang maka uwi ako at nasa likod si Mama at nag lalaba kaya naman pumunta muna ako sa kwarto at humiga na.

Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ang pagod ko samantalang wala naman akong ginawa.

Natulog ulit ako para naman mapa hinga ko na ang utak ko sa maraming tanong.

Nagising ako ng mga bandang ala sais kaya naman bumangon na ako at naligo ulit para pumunta kay Miller.

Nang maka ligo na ako ay palabas na ako ng bigla akong tinanong ni Mama.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mama na naka upo pala sa may sala kaya naman napa hinto ako para sagutin ang yanong niya.

"Uhm... Sa labas lang po, babalik din po ako agad!" sabi ko naman.

Tumayo si Mama at saka lumapit sa'kin.

"Mag iingat ka, huh?" sabi naman ni Mama at saka yumakap sa'kin kaya naman napa yakap na rin ako.

"Opo, sige po alis na ako!" paalam ko at saka tumalikod na at umalis na.

Nang maka rating na, nakita ko agad si Miller na naka upo doon sa may upuan na tabi ng bakod.

Agad naman siyang tumayo nang makita niya ako.

"A-akala ko hindi kana pupunta!" sabi naman niya.

"Ano yung sasabihin mo?" malamig na sabi ko kaya naman nawala anv kaninang ngiti niya.

"Aalis na ako!" sabi naman niya kaya naman umiwas ako ng tingin at saka tumango tango dahil alam ko naman na 'yon.

"E 'di umalis ka!" malamig na sabi ko.

'Tutal lahat naman sila iniiwan ako kasama na si Papa doon'

"H-hindi mo 'man lang ba ako pipigilan?" tanong naman niya.

"Para saan? Eh, aalis ka naman na, eh!" sabi ko naman.

"A-ano bang nangyayari sa'yo? ayos naman tayo, ah?"

"Saan ba pupunta 'tong usapan na 'to? Alam mo kung may sasabihin ka sabihin mona!" sabi ko naman.

Bigla naman sumeryoso ang mukha niya at saka malalim na tumingin sa'kin na parang inaalam kung ano ang nasa isip ko.

"Dahil ba sa sinabi ni Mom?" tanong niya na ikinagulat ko pero agad ko rin naman sa pagiging blanko ang emosyon ko.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi 'yon, ayaw lang talaga kita makita at gusto kong lumayo kana sa'kin!" sabi ko naman habang naka tingin ng deretso sa 'kanya.

"Aria gusto mo ba ako?" biglang tanong niya kaya naman tumingin ako sa 'kanya ng deretso.

"Hindi, hindi kita gusto at higit sa lahat hindi kita tinuring na kaibigan kaya ayos lang sa'kin na umalis kana!" sabi ko naman na siyang ikina tigil niya.

Season 1: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang