Chapter 26

85 6 0
                                    

Esther's POV

“Good morning, Papa,” pagbati ko kay Papa nang makita ko s'ya sa kusina na nagkakape at kumakain ng paborito n'yang sinangag at itlog.

“Good morning, Esty. Nauna ng umalis ang Mama mo. Maaga 'yong isa n'yang meeting ngayon,” pag-imporma sa 'kin ni Papa.

Kahit na maagang umalis si Mama ay nakapagluto pa rin s'ya ng almusal. Kumuha agad ako ng isang toast at pinalamanan 'yon ng itlog.

“Papa, anong oras ka po aalis ngayong araw?”

“Mamayang ala una pa ko aalis. Bakit?”

“Pupunta po kasi si Yael para—”

“Na naman?” Kumunot ang noo ni Papa. “Nandito pa lang s'ya kahapon, ah.”

“Susunduin n'ya po ako kasi pupunta kami sa apartment n'ya,” pagtutuloy ko sa sinabi kong pinutol ni Papa kanina.

“Apartment n'ya?” mas lalong kumunot ang noo ni Papa. “Esty, babae ka at lalaki s'ya. Hindi ka p'wedeng pumunta.”

“Papa naman,” I pouted. “Susunduin n'ya naman ako rito para pormal na magpaalam sa inyo. Saka mabait po si Yael.”

“Nako, lahat naman ng lalaki ay mabait kapag may kailangan sa'yo,” Pinukol ako ng matalim na tingin ni Papa. “Hindi ako papayag. Papayag lang ako kapag pumayag ang Mama mo at siguradong tututol din s'ya.”

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking pajama. Tinext ko si Mama para hindi s'ya gaanong maabala.

And when Mama replied, my smile widened. Agad kong hinarap kay Papa ang reply ni Mama. “Sabi raw po ni Mama okay lang kasi magpapaalam naman daw po si Yael sa inyo saka susunduin n'ya pa ako.”

I heard Papa sigh in defeat. “Kainis, akala ko pa naman hindi rin papayag ang Mama mo.”

Kinagatan ko ang isang toast. “Maya-maya pa naman po dadating si Yael saka I promise, 3pm nandito na ko sa bahay.”

Sumimangot si Papa. “2pm dapat nandito na ko sa bahay.”

May pinalidad ang boses n'ya kaya mabilis akong tumango bilang pangsang-ayon. Baka mag-iba pa ang isip ni Papa, eh.

Matapos mag-almusal ay nagluto na ako ng pagkain na dadalhin ko sa apartment ni Yael. Menudo ang linuto ko tapos naghanda na rin ako ng kanin.

Naligo na ako at nagbihis. Sling bag lang ang dala ko na ang laman ay pitaka, panyo, at cellphone ko lang tapos maliit na tote bag kung saan nakalagay ang mga pagkain. Sinuot ko rin ang dress at rubber shoes na kabibigay lang ni Yael kahapon. I want him to see that appreciated his gift so much.

“That looks new,” puna ni Papa nang lumabas ako sa kuwarto ko. “Iyan ba ang regalo ni Yael sa'yo kahapon?”

“Opo. Ang ganda-ganda nga po, eh,” ngiting-ngiti kong tugon dahil maganda naman talaga ang regalo ni Yael. Gusto ko ang kulay pati na rin ang istilo ng dress tapos ang komportable pa no'ng sapatos.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa sling bag dahil naramdaman kong nag-vibrate iyon. I saw Yael's text message and he said that he's already outside of our house. Ang bilis naman n'ya.

“Papa, nasa labas na raw po si Yael,” sabi ko kay Papa. Tumango si Papa saka ako iginiya palabas ng bahay.

Nang makita ko si Yael sa labas ng gate namin ay napangiti agad ako. Ang gwapo n'ya kasi kahit simpleng cargo shorts at t-shirt lang ang suot n'ya.

And while looking at his face, his words before he went home yesterday popped up in my mind. The way he said that he likes me, that he likes my personality, it made me smile even more. Dati sa mga artista lang ako kinikilig. Ito pala 'yong feeling kapag nararamdaman mo na sa ibang tao.

Our Author (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon