Chapter 5

303 14 0
                                    

Tulala ako habang nag-aalmusal. Lunes na Lunes, pero pagtulala ang inuuna ko kaysa pagmamadali dahil may pasok pa ko. Pakiramdam ko bangag na bangag ako sa antok at stress.

Exam week namin ngayon, importanteng week. Tapos ang ginagawa ko ay tumulala sa kawalan dahil hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa buhay ko.

Nahihirapan akong matulog at kumain. Anxious ako na baka lumabas na naman 'yong Alessandra na 'yon. Baka nga baliw ako, pero nakita ko talaga s'ya. Nakausap ko pa. P'wedeng baliw ako, pero hindi naman ako bulag.

Napayukyok ako sa dining table namin. Kumikirot ang ulo ko at gustong-gusto kong matulog, pero kapag nakatutulog na ko napapanaginipan ko ulit 'yong mga nangyari.

“Anak, may sakit ka ba?” tanong ni Mama habang nagkakape s'ya sa harap ko, pero nagta-type pa rin sa laptop n'ya. “Ang tamlay mo nitong mga nakaraang araw. Problemado ka ba dahil exams n'yo na ulit?”

Tumango na lang ako dahil hindi ko rin naman masasabi ang totoong dahilan. “Kayang-kaya mo 'yon, 'nak. Ang taas nga ng scores mo last grading, eh. Napuyat ka kaka-review kaya deserve mong makakuha ng mataas na score.”

Pinilit ko na lang kumain kahit tagilid ang sitwasyon ko sa mga oras na 'to. Wala sa tamang wisyo ang utak ko. Masakit talaga ang ulo ko, pero kailangan kong pumasok. Ayaw kong mag-absent dahil wala namang sapat na dahilan. Kasalanan kong 'di ako natulog ng maayos.

Nag-review naman ako, pero kung ire-recall ko ang mga napag-aralan ko, wala akong masasabi. Sa test ko na siguro maalala. Confident ako dahil bago pa man mangyari ang kabaliwang pagbuhay ko sa fictional characters ay nakapag-review na ko.

Wait a moment...

Is it safe to say that I really gave life to those characters if they aren't alive in this world? Ako lang ang nakakikita at p'wedeng makipag-usap sa kanila. I'm already using the plural thingy. I am expecting more characters like Alessandra to come. Ang dami na no'ng characters sa libro ko.

Sa pagkakaintindi ko, mabubuhay lang naman 'yong mga fictional characters na 'yon kapag may story na silang gaganapan kagaya ng kay Alessandra. Nagawan ko na ng unang parte ang kuwento kung saan s'ya kabilang kaya s'ya lumabas, pero hindi ko pa rin nakikita 'yong Jordan. I am now curious. Kapag ba tinuloy ko pa 'yong story ni Alessandra at Jordan, magpapakita na si Jordan?

I am very curious on what Jordan would look like. Si Alessandra kasi ay kamukhang-kamukha ng kung ano ang nasa isip ko. Noong binuo ko ang character ni Jordan, simpleng lalaki lang s'ya. Walang abs, 'di katangkaran, flawed, and raw.

“Esther, kumain ka na ng mabilis. Isang oras na lang simula na ng klase ninyo. Babiyahe ka pa. Puno pa 'yang plato mo.”

Napabalik ang isip ko sa reyalidad. I'm spacing out again like the past nights. I need to redeem myself, control my thoughts, and do my best for the exam. Kapag tapos na ang exams ay itutuloy ko ang kuwento ni Alessandra at Jordan. Susubukan ko kung totoo ba talagang may powers akong bumuhay ng fictional characters. Powers ba o baka baliw na ako? I badly want to know so I can visit a psychiatrist as soon as possible. I want to know more. I don't want to be clueless. I know something, but I want everything.

••••

“Estheeeer, tapos na ang exam week! Pakiramdam ko nawala na lahat ng tinik sa lalamunan ko. Buong linggo akong 'di nakapag-update ng stories ko para lang sa week na 'to!” komento ni Aless habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

Tapos na nga ang exam week, pero Thursday pa lang. Bukas kasi magsisimula ang pagche-check ng test papers namin. Gladly, kinaya ko naman. Hindi isang bagsak ang tests namin kaya nang umayos na ang pag-iisip ko tungkol sa mga bagay-bagay, nakapag-focus na ko sa pagre-review ng ibang subjects. Thankful ako na madadaling subjects ang nasa first day at kinaya ko naman. Lutang pa naman ako no'ng first day.

Our Author (Completed)Where stories live. Discover now