Chapter 4

340 14 6
                                    

Esther's POV

"Paanong nangyari 'to? You're just a fictional character. You're not real!"

"Masyado ka namang masakit magsalita. You know that my destiny is in your hands. My story is in your mind. Ikaw ang may gawa sa 'kin kaya huwag ka ngang magulat. This is just natural. Nothing special."

Napaatras ako lalo. "Ginawa kita? H-How? I am not doing anything!"

She motioned her hand like she's leading the aroma of the food to her nostrils. "Ang bango nitong linuluto mo, pero I beg to disagree. You did something. You just wrote the chapter 1 of our story. Paunat-unat ka pa nga ng braso mo pagkatapos mong mag-type."

"How is that even possible? Gumawa lang ako ng isang chapter. Isang chapter lang, okay?! Lahat ba ng writer kapag nakagawa na ng chapter nabubuhay na 'yong mga character nila at nagpapakita sa kanila sa totoong buhay?!"

"You're overthinking things. Let's just say that this is meant for you. Hindi ka ba nagbabasa ng fictional novels? Marami ng ganito. Hindi ka naman naiiba. Isa ka sa mga napili and such. Kapag gumawa ka pa ng maraming stories, mas dadami kaming p'wede mong tawagin."

"I never called you!"

Pinatay n'ya ang kalan at lumapit sa akin. Nagulat ako nang hatakin n'ya ko papunta sa sala. Kinuha n'ya ang libro ko saka binigay sa 'kin. "Kita mo 'tong libro na 'to? Dito mo ko unang sinulat. Dito ko unang nabigyan ng pagkakataon. Nang magsimula ka ng magsulat ng kabanata, binigyan mo na ko ng buhay."

"A-Are you really alive? Breathing and really speaking?" nangangatal kong tanong. Baka nga tulog ako ngayon at nananaginip lang ako.

"I am not alive. You're the only one who can see me, hear me, and obviously talk to me. Hindi lang sa 'kin. Kapag gumawa ka pa ng mas maraming character at ginawan mo na sila ng kuwento, bibisitahin ka rin nila. Kung gusto mong mawala kami agad-agad p'wede mo namang gawin ang isang bagay. 'Yon ang—"

"Esty! Esty! Esty, wake up!"

Napabangon ako sa sobrang gulat. Mabilis ang tibok ng puso ko at agad kong tiningnan ang kabuuan ng kwarto ko.

Ng kwarto ko...

Ng kwarto ko?

Bakit ako nasa kwarto ko? Nasa may sala ako kanina tapos kausap ko 'yong Alessandra McArthur na character na ako ang may gawa. Paano ako napunta sa kwarto ko? Panaginip lang ba 'yon? Nababaliw na ba ko dahil sa sobrang stress at nagsisimula na ang hallucinations?

Napatingin ako kay Papa. Gulat din s'ya. "Are you okay, Esty? Binangungot ka ba? Pagkadating ko rito sa bahay tulog ka sa may sala kaya dinala kita rito sa kwarto mo. Kumain lang ako saglit tapos pagpasok ko pawis na pawis ka na kahit bukas ang aircon. Parang hinihingal ka pa. May sakit ka ba? May nangyari ba rito habang wala ako?"

Hindi agad na-process ng utak ko ang mga sinasabi ni Papa dahil wala pa yata ako sa wastong ulirat. "Anong oras ka po nakauwi, Papa? H-Hindi ko man lang napansin."

"Mag-aalas otso na ko nakauwi, pero importante pa ba 'yon? May masakit ba sa'yo? Kukuha lang muna ako ng tubig. Dito ka lang."

Umayos ako nang pagkakaupo matapos lumabas ni Papa sa kwarto. Pumipintig ang sentido ko. Pawis na pawis nga rin ako. Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyari, pero for sure, panaginip lang lahat ng 'yon. Masyado lang akong napagod sa paggawa ng chapter kaya nadala ko hanggang sa panaginip ko 'yong characters. Gano'n lang siguro. Sana nga gano'n lang.

Matapos kong makakalma ay sinundan ko na agad si Papa. Habang nagsasalin s'ya ng tubig sa baso ay hawak n'ya ang cellphone n'ya. "Can you go home now, honey? Feeling ko kailangan kong dalhin sa ospital si Esty."

Our Author (Completed)Where stories live. Discover now