Chapter 17

81 6 0
                                    

Esther's POV

Nagdadalawang-isip ako ngayon kung tatawagan ko ba si Yael o hayaan ko na lang muna. Gusto ko kasi talagang magpaliwanag at humingi ng tawad. May kasalanan ako kasi binigay ko kay Aless ang number n'ya ng walang paalam.

Tinanghali pa nga ako ng gising. Parang nakalutang ang ulo ko. Alas nuwebe na pero nag-aalmusal pa lang ako. Buti na lang at walang pasok ngayong araw kundi late na late na talaga ako.

“Anak, ayos ka lang ba?” tanong ni Mama. Kanina ay naka-focus pa s'ya sa panonood ng balita pero ngayon ay sa 'kin na s'ya nakatingin. “Ngayon ka lang ulit nagising ng ganitong oras. May pinagpupuyatan ka ba?”

“Opo,” tagilid ang ngiting sumilay sa mga labi ko. “Ongoing pa rin po kasi 'yong research namin. Medyo napapadalas po ang pagpupuyat ko.”

“Kung kailangan mo ng tulong, just ask me. Mas madalas na ko ngayon sa bahay. P'wede mo ring hingan ng tulong ang Papa mo. He was so good in making research papers.”

Tumango-tango ako sa mga sinabi ni Mama kahit hindi ko naintindihan lahat dahil lumilipad ang isip ko sa kung saan. Lutang na lutang ang pakiramdam ko. I need more sleep, but it's so hard to sleep in my situation. Hindi pa naman ako nagkaganito dati. The feeling is new and very anxiety inducing.

“May balak ka bang puntahan ngayon, 'nak?” tanong pa ni Mama.

“Wala naman po. Gusto n'yo bang samahan ko kayong mag-grocery?”

“No, that's not it. Papa mo ang sasama sa 'kin sa paggo-grocery. Uuwi s'ya mamaya ng mas maaga,” Uminom muna si Mama ng kape bago binalik ang tingin sa 'kin. “Gusto ko sanang i-invite 'yong lalaking sinasabi mo. 'Yong Yael.”

Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. “I-invite po saan?”

“Sa birthday mo. Two months from now is your birthday. Don't tell me that you forgot it.”

And I just realized that she's right, my 17th birthday is near. Imbes kasi na birthday ko ang maisip ko, ang naiisip ko ay 'yong papalapit naming research defense. Sumabay pa 'tong problema ko kay Aless at Yael.

“Sorry, Ma. Nawala po sa isip ko,” Napakamot na lang ako sa batok ko. “P'wede po bang huwag na tayong mag-party or anything na masyadong bongga?”

Tumaas ang isang kilay ni Mama. “Esther naman. Iyan din ang sinabi mo no'ng huling birthday mo. Pumayag naman ako pero pati ba naman this year? We should celebrate every birthday of yours.”

“Magse-celebrate pa rin naman po tayo pero dito na lang po sa bahay. Huwag na pong magarbo saka magastos.”

I can still remember what happened to my 14th birthday. Nag-ayos sila Papa ng magarbong birthday party. Nag-rent pa sila ng malaking lugar pero ang kaibigan ko lang naman na nandoon ay si Aless. Halos lahat ng bisita ay mga katrabaho na nila Mama at Papa. Na-appreciate ko 'yong effort nila pero hindi ako nag-enjoy. At the end of the day the only thing that's in my mind was it's a waste of money.

Alam kong isang beses lang akong magbe-birthday sa isang taon pero hindi naman kailangang gumastos ng sobra-sobra. 'Yong pera p'wede ng magamit sa ibang bagay na mas beneficial kaysa sa isang party na isang araw lang naman mangyayari. Plus, wala si Aless ngayon para pumunta sa birthday ko. Baka mag-video call lang kami so even a small party is not going to be lively.

Ayaw ko ring mag-invite ng mga kaklase ko. Not because I don't like them. It's because I am not comfortable with them.

My mother sighed. “Fine. But I want Yael here on your birthday.”

Napangiwi ako. “Bakit naman po? Busy pong tao 'yon.”

Ngumiti si Mama. “Because he seems to be a good person and I think you're finally making more friends.”

Our Author (Completed)Where stories live. Discover now