Chapter 3

454 16 7
                                    

Gwen’s POV

“Geeo, anong tingin mo sa writing skills ng anak natin?” tanong ko sa asawa ko habang hinihilot n'ya ang likod ko. Ito na 'yong pinaka bonding namin kapag hindi busy sa trabaho. Nakare-relax pa. Ganito talaga kapag tumatanda na.

“That's a random question, but if I am going to be honest, her writing skills are low. She's already sixteen, but still having a hard time on writing her own essay. Alam ko naman na hindi lahat magaling sa gano'n kaya ayos lang sa ‘kin kahit hindi s'ya magaling sa gano'n,” sagot n'ya.

Tumango-tango lang ako. My husband is right, but knowing that my daughter's interest in writing is starting to blossom is makes me happy. Hindi ko naman s'ya pinipilit na matuto, pero gusto ko pa rin s'yang matuto. Creativity in writing is important when Esther enters college.

“Do you want her to take any course that's related to writing?” Geeo asked after putting pressure on the right part of my back. “Baka mas matuto s'ya sa gano'n. I dunno, but I want your opinion. I still want our daughter to take the course that she wants.”

“Ayaw ko. Mas mai-stress lang s'ya sa gano'n. Baka mas ayawan n'ya pa, but I have a very good news.”

Dali-dali s'yang umupo sa tabi ko kahit puro langis pa ang kamay n'ya tapos pinunas n'ya pa sa kumot. S'ya paglalabahin ko, eh. “Ano 'yon? Tungkol ba kay Esty 'yan o may bago kang project?”

Natawa ako sa huling sinabi n'ya. Lagi kasi s'yang nag-aabang sa new projects ko. Inaabangan ko rin ang mga television dramas at movies na s'ya ang nagsulat o isa s'ya sa mga scriptwriter. Pero dati ayaw kasi talaga n'ya noon sa mga stage plays. Noong college kami cringe ang mga gano'n sa kaniya, not until he watched a stage play that I wrote because my stories are meant to be played on stage.

Yumakap ako sa baywang n'ya. “Esther started writing a week ago. Her fictional characters are amazing. Binigyan ko s'ya ng blank book para roon s'ya magsusulat. Gano'n ako noon, 'di ba? Sinubukan ko lang kung gagana sa kaniya and I think it worked.”

Napangiti si Geeo. “That's nice. P'wede natin s'yang turuan, then she can be an article writer or a novelist.”

“Nah,” umiling-iling ako. “Let's let her grow on her own. Maganda kapag natututo s'yang gumawa ng mga bagong bagay without her guidance. It's called independence, honey. Tutulungan natin s'ya kapag kailangan n'ya o kaya kapag s'ya mismo ang nanghingi ng tulong. Do you agree with that?”

Ngumuso s'ya. “I'm okay if you're okay with that and as long as our daughter is okay. She can do anything she wants basta hindi s'ya masasaktan at hindi s'ya makasasakit ng iba. Huwag lang tungkol sa pagjojowa. I might turn into the strict cliche father on films.”

“You know that our daughter is not that interested with that kind of things. I never heard her talk about a boy. Mas gusto n'ya pang magkaroon ng maraming oras para matulog kaysa kiligin.”

“I hope na tama ka. You know her better because you too hang out a lot.”

Esther's POV

“Esther, ang galing mo talaga! Perfect mo 'yong special quiz ni ma'am. Ang hilig talaga ng teacher na 'yon na magpa-quiz na lang bigla. Apat tuloy mali ko. Baka ikababa pa 'to ng grade ko,” pagrereklamo ni Aless habang inuubos ang ice cream n'ya.

Kalalabas lang namin ng school. Last subject namin ang Math ngayong araw at nagpa-special quiz si ma'am. Mostly two special quizzes ang pinapasagutan ni ma'am. Nag-announce pa nga s'ya ng summative test for next week. Nasanay na lang din ako kaya lagi akong nagbabasa ng lessons bago matulog. Kahit 'yong mga lesson na last month pa pinag-aralan. Better be careful and ready everyday.

Our Author (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon