Chapter Seven.

24 5 0
                                    


Mas lalo akong kinabahan ng makarating na kami sa bahay nila. Pinagbuksan kami ng gate, ipinasok niya ang kotse niya.

Hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko, ang ganda ng mga disenyo ng kanilang lugar. Nadadaanan namin ang mga magagandang halaman na nakatanim sa paligid, medyo malayo pa ang kailangang daanan bago makarating sa mismong bahay.

No, this is not just a house, parang isang palasyo sa laki ang bahay na nakatayo na ito. Huminto ang kotse,kaya naman ay bumalik ako sa ayos ko. Nauna siyang bumaba, lalabas na sana ako ng kotse nang pagbuksan niya ulit ako. Bumaba na ako. Muli kong pinagmasdan ang mala palasyo nilang bahay. Sa labas pa lang, malalaman mo na ang may-ari ng bahay ay mahilig sa mga aesthetics. Sa taas ng malaking pintuan may nakalagay na letrang V nakaukit ito doon at ito ay isang kulay ginto, na kapag nasisinagan ng liwanag ng buwan ay kumikinang.

Naistorbo ang paghanga ko sa mga bagay-bagay na aking nakikita nang magsalita si Trevor.

"They here,"napatingin naman ako sa direksyon kung saan siya nakatingin,kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko nang mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy niya.

Isang magandang ginang at isang gwapong lalaki ang lumapit samin, ngumiti ang ginang sa amin nang makalapit siya.

"Trevor, hijo you're here. Finally."yumakap ang ginang kay Trevor at agad ding kumawala sa yakapan nila.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng bumaling siya sa akin. Nginitian niya ako, hindi ako makangiti ng maayos dahil sa kaba.

"You are Stephanie, right?" she asked me.

"Yes,ma'am, I am Stephanie Guevarra." naglahad ako ng kamay sa kanya, tinignan lamang niya ito, ibababa ko na sana ang kamay ko,nagulat ako ng hilahin niya ito at sabay yakap sakin. Medyo napalakas ang hila niya sa akin kaya naman humampas ako sa katawan niya.

" I'm sorry hija, nadala ako ng excitement,"paghingi niya ng despensa ng bumitiw siya sa pagkakayakap sakin.

"Okay lang po maam,"
"I'm Veronica, Trevor's mom. And this is my husband, Tristan."pagpapakilala niya

"Good evening sir, nice to meet you po."naglahad akong ng kamay sa Daddy ni Trevor. Tinanggap naman niya ito.

"It's nice meeting you too hija."nakangiti niyang saad.
Pagkatapos ay sa Mommy naman ako ni Trevor bumaling.

"Nice to meet you po ma'am!"

"Cut the ma'am hija, just call me tita or mommy instead, alam ko namang kasal din ang tuloy ninyong dalawa."

Tanging ngiti na lang ang nagawa ko. Nagtawanan naman si Trevor at ang Daddy niya.

"You're so excited Ma. But darating din ang araw na iyon, soon."si Trevor.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya, at pati narin ang pagkakonsensya dahil hindi naman kami talaga magkarelasyon, ang lahat ng ito ay isang pagpapanggap lang.

"You're so beautiful hija,manang mana ka sakin,"she chuckled.

Napatawa na rin ako. May napagtanto akong isang bagay, siya at si Trevor ay magkamukha, sa kanya yata nagmana kaya pati pagtawa ay parehas sila.

"Thank you ma-"

"I said call me tita or mommy."

"Uhmmm... tita,"nag-aalinlangan kong ani.

Tumawa siya ulit.

"Pasensya kana hija, wala kasi kaming anak na babae kaya ganyan siya."Trevor's daddy said.

"Anak, siguradong matutuwa ang lolo at lola mo niyan, at dahil sa wakas ay may ipakikilala kana!" Si tita Veron kay Trevor.

"Halina na kayo sa loob,nang makilala kana ng pamilya hija!" she said excitedly.

"Lets go."Trevor said.

Habang naglakakad kami ay kinakabahan na naman ako. Napansin niya yata iyon.

"Don't be nervous, they don't bite you." biro niya.


From Stranger To LoverWhere stories live. Discover now