Chapter 3.

36 5 0
                                    


Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid. The walls are painted in color black and gray, this room is so simple, the designs and the way the things was arranged.

Abala pa ako sa pagtingin sa buong silid nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang napakakisig at napakagwapong nilalang na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko.

He's wearing a simple white shirt and a black denim short. At kitang-kita ko mismo na bumabakat ang six packs ng abs niya. Bumabakat ito dahil fitted ang suot niyang damit.

"You're awake,"he said.

Even though he was wearing something very simple, he still looked very hot. Siguro kahit nasa putikan ito, hindi parin mababawasan ang kagwapuhan niya. Wait. Why am I praising this stranger, I wasn't like this before to others then, no matter how handsome a man is, I have no interest, but it's different now. Iba ang dating ng lalaking ito, ang lakas makahatak ng appeal niya, makalaglag panty. What the heck you are thinking Stephanie? Its crazy.

"Miss, you're drooling,"bigla akong natauhan sa sinabi niya.

Dali-dali kong pinunasan ang bibig ko, pero wala naman akong napunasang laway. Niloloko ba ako ng gwapong lalaking ito? Nakakainis nagmukha akong tanga!

I glared at him. "I'm not."

He chuckled, mas lalo tuloy akong nainis dahil sa pagtawa niya. Pero infairness, mas lalong nadedepina ang kagwapuhan niya. Lumalabas ang dalawang malalalim niyang dimple. Gosh! Nababaliw kana Stephanie.

"Where am I?" I asked.

"You're in my room here in my condo,"

What?! Anong ginagawa ko dito sa condo niya at dito pa talaga ako sa kwarto niya napadpad.

"H-how?"utal kong ani.

"You were drunk last night, dahil sa kalasingan mo, you passed out, you fell on me and I didn't do anything because I don't know if you have any companions. At dahil mabait ako binuhat kita at inuwi dito sa condo ko, that's why you are here."

Nakaramdam ako ng hiya dahil sa nangyari, yumuko na lang ako at hindi umimik. So, siya pala yung lalaking biglang sumulpot doon.

Nang mapagtanto kong ilang minuto na nang walang umiimik sa aming dalawa ay dali-dali akong umalis sa kama niya. Tumingin ako sa kanya at nakatingin pala siya sa akin.

"Thank you sa ginawa mo, uhmm... I have to go." Paalis na sana ako nang humarang siya sa dadaanan ko.

Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa, he smirked at me. Humahakbang siya papalapit sa akin, kaya umatras ako hanggang sa maramdaman ko ang kama niya sa likuran ko.

Napaupo ako nang humakbang pa siya ulit, I looked up at him dahil nakatayo parin siya pero nakatingin sa akin. Inilapit niya sa akin ang mukha niya, ngayon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nang malapit na ang mukha niya ay napapikit na lang ako, pero walang lumapat sa labi ko, kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at bumungad sa akin napakagwapo niyang mukha. Ngayon mas malinaw ko nang nakikita ang mukha niya hindi gaya kagabi. He has a thick brows, a pointed noise and a red kissable lips. Parang ang sarap sigurong halikan ng labi niya. STOP IT STEPHANIE! I'm going crazy because of this man.

Umigting ang panga niya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin, isang pulgada na lang ang pagitan, sa halip na halikan ako ay ipinunta niya ang mukha niya sa gilid ng mukha ko, naramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa leeg ko, nilapit niya ang bibig niya sa aking tainga at nagsalita.

"Sorry miss, but I don't kiss a stranger."he said.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya, isa na namang kahihiyan, itinulak ko siya palayo sa akin.

Nakakahiya ka Stephanie, ano bang pinag-iisip mo?! Nagmukha tuloy akong tanga, inisip ko na hahalikan niya ako kaya ako pumikit. Goodness gracious Stephanie. Nakakahiya.

Para hindi niya halata, sinungitan ko siya.

"What's your problem?"inis kong saad.

Tumawa lang siya kaya mas lalo akong nairita.

From Stranger To LoverWhere stories live. Discover now