Chapter Four.

26 4 0
                                    


"Sa tingin mo ganon-ganon na lang iyon? Pagkatapos ng nagawa ko sayo ay magpapasalamat ka lang at aalis?"
"Hindi ko tatanggapin ang pasasalamat mo."he said seriously.

"What do you mean?"nagtataka kong tanong.

He smiled." You have to pay for what I did to you, and when you are able to pay for what I did, only then will I accept your gratitude."

"What do you want for me to do?" I asked.

"Simple lang. Be my girlfriend."he said directly.

Ano daw?! Gusto niyang maging girlfriend? Sino? Ako? Gusto niya akong maging girlfriend? Okay, it's crazy. No way, hinding-hindi ko iyon gagawin, hindi ako papasok sa isang relasyon na hindi ko alam ang kahihinatnan ko no. At isa pa hindi ko siya kilala, anong malay ko kung may binabalak siyang masama. So, no hindi ako makakapayag. Oo gwapo siya pero hindi ako tanga.

"Hindi. Ayoko."diretso kong sabi.

"Just pretend to be my girlfriend. And you have to do it, kinukulit na ako ng parents ko."

Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko pa ngayon na kinukulit siya ng parents niya?.

"Pag-iisipan ko muna,"sabi ko.

"Okay then, I'll give you two choices. Yes or Yes?"

"Or"I answered.

He glared at me."I'm serious miss."

Aba, akala niya naman ay matatakot ako sa kanya. I'm a Guevarra. Ang Guevarra ay walang kinakatakutan. I'm Stephanie Ellaine Guevarra and I am not afraid with anyone. Lalo na sa isang gwapong nilalang na ito.

"I'm serious too."sagot ko.
"Ayoko nga eh, ang kulit mo!"

"Wala kang magagawa kundi sundin ito miss."

"At bakit wala akong magagawa? Eh kung sa ayaw ko nga, may magagawa ka ba?"I said.

"Yes, may magagawa ako. Hindi ka makaka-alis dito hanggat hindi ka pumapayag. Ano?"

Napaikot na lang ako nang mata dahil sa pagkairita. Naka-isip ako nang paraan para makatakas.

"Ano 'yon?!"sigaw ko sabay turo sa kisame. Agad naman siyang tumingin sa tinuro ko, sinamantala ko ang pagkakataong 'yon para makatakbo. Tumakbo ako palabas ng kwarto niya at palabas sa condo niya. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa makalayo. And Thank God nakatakas rin ako.

Kinabukasan, umagang-umaga ay ginigising na ako agad ni Manang Flor.

I yawned."Manang, ang aga pa po,"

"Steph, bumangon kana jan hija." manang said while she tapping my shoulder.

Hindi ko siya pinansin at natulog ulit.

"Bumangon kana riyan at may bisita ka sa baba, ang sabi niya boyfriend mo daw siya."

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabi ni manang flor. Ano daw? Boyfriend? At kailan pa ako nagkaroon ng boy-... SHIT! Dali-dali akong bumangon sa kama ko at mabilis na lumakad palabas ng kwarto ko, hindi na ako nag-ayos pa.

"Mag-ayos ka muna hija!"sigaw ni manang flor, pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Nagmamadali akong nagpunta sa hagdan para makababa, muntik pa akong mahulog sa hagdan dahil sa pagmamadali. Nang malapit na ako sa baba ay nakita ko na ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko dito sa bahay namin,nakikipag-usap siya kina mommy at daddy. Agad akong nagtungo sa kanya, hindi na ako nakabati pa kina mommy at daddy, dumiretso ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?!"pabulong ngunit may diin kong tanong sa kanya.

"Hija, bakit ganyan ang ayos mo?"si mommy.

Lumapit ako kila mommy at daddy para bumati.

"Good morning My. Good morning Dy,"sabi ko, sabay halik sa kanilang pisngi.

"Hija," tawag sakin ni daddy, nakita ko namang pinasadahan niya ng tingin ang ayos ko. Saka ko lang napagtanto na ang suot ko ay ang aking white peignoir. Nakakahiya.

"Excited po yata siya na makita ako kaya hindi na nakapag ayos"he chucked. At pati sila mommy ay nakitawa pa. Mas lalo tuloy akong nahiya.

I glared at him.

"Hija,stop it." Suway sakin ni mommy ng makita niya ang ginawa ko.

From Stranger To LoverWhere stories live. Discover now